Nakarating na kami ng stock room. Sobrang init.
"Josef, pasindi nga yung aircon" Utos ko sakanya.
"Sana naman ginamit mo yang katalinuhan mo. Ibubukas mo yung aircon na nakabukas yung pinto? Nakabukas lahat ng bintana?" Sabi ko na e, Hindi kami makakatagal dito sa stock room nang hindi nagbabangayan.
"Di mo pa kasi ako pinatapos. Isindi mo yang aircon at isasara ko yung bintana at pinto." Kung magtataas pa kasi ako ng boses, baka mag umabot kami dito sa suntukan. Malay ko ba kung pumapatol to sa babae.
Ayaw niyang kumilos sa kinauupuan niya.
Kinuha ko yung upuan sa may tabi niya para tungtungan ko nang maisindi ko na yung aircon.
Isisindi ko na sana kaso parang gumagalaw yung upuan na tinutungtungan ko.
Pinapakiramdaman ko yung paggalaw.
Naoout of balance na ako. Naputol yung isang paa noong upuan.
*Bogsh*
Nakapikit lang ako. At pag mulat ko, laking gulat ko nang nakita ko yung mga kamay kong nakalagay sa leeg ni Josef.
"Mag-ingat kase ha." Binaba na niya ako at iniupo sa may sofa.
"T-th-tha-thank you!" 4 years na kaming magkaklase pero ngayon lang ako nagthank you sakanya.
Tumango lamang siya at bumalik sa dating inuupuan niya.
5 minutes pa ang nakalipas at nakita kong dumukdok siya sa desk. Inantok siguro sa masyadong katahimikan.
Inipikit ko na lamang rin ang aking mga mata. Wala naman kasi akong magagawa habang hinihintay yung oras.
"S-Si-Sir Jaden?" Nakita ko uli siya. Sa araw ng graduation ko. Papalapit siya sakin at...
At...
At...
"Emika! Gising!" Lumilindol yata.
"Emika. Gumising ka!" Narinig ko yung boses ni Josef. Kahit kelan talaga epal.
Lumalakas na yung lindol.
"Ano ba?!" Sigaw ko.
"Na-lock tayo."
"Alam mo bang panira ka ng moment? Ayun na yung climax eh!" Bulyaw ko sakanya.
"Habulin mo nalang yung panaginip mo mamaya. Na-lock tayo Mika!"
Napunta na ako sa reyalidad. Panaginip lang pala. Panaginip lang.
Matagal bago nag sink in sa utak ko yung mga pinagsasasabi ni Josef.
Agad akong tumakbo sa pinto at ayaw ngang mabuksan. Nako. Pano to?!
BINABASA MO ANG
His Dad
HumorFour years old palamang ako when my mom hired Sir Jaden as my tutor. Siya yung naging inspiration kong mag-aral, gusto ko kasi si Sir Jaden. But a years after, nag-paalam siya sakin, may malaking offer daw sakanya sa New York, dun na daw siya magtra...