Nandito kami ngayon sa Rosenda's. Kumakain kasama ni Sir Jaden at ni Josef.
Sobra akong natutuwa sakanila. Puro jokes, puro biruan. Nakakatawa talaga. Hindi ako nakakaramdam ng antok.
"May isang kalbo, sumakay sa red na kotse, bumaba sa red na building, pumasok sa red na pintuan, naligo sa red na banyo, humarap sa red na salamin. May nakita siyang yellow na suklay, bakit hindi niya ginamit?" Joke nanaman ni Sir Jaden.
"Pa naman e. Luma na yan!" Saway sakanya ni Josef.
"Hindi kaya. Tanungin natin kay Mika" Humarap siya sakin na natatawa.
"Kasi po yellow." Humalakhak naman ng tawa yung mag-ama.
"Hindi yun. E kasi nga, kalbo siya" Tawa lang kami ng tawa ng tatlo habang kumakain.
After kumain pumunta kami sa Tom's world. Naglaro lang kami ng naglaro doon.
Dala ni Sir Jaden este Tito Jaden yung mga tickets na nakukuha namin balak kasi namin palitan yun ni Josef ng Teddy bear e.
"685 na yung mga ticket niyo o!" Natutuwang sabi ni Tito Jayden.
Pumunta na kaming counter.
"Miss, yung yellow na teddy bear nga po!" Sabi ni Josef sa babae.
Nang makuha na niya, inabot niya sakin yun.
"Mika, para sayo o!"
"Thankkk you!" Ngumiti naman ako at yinakap yung teddy bear.
"Para sayo yan. Mamimiss kita Mika! Sana hanggang college kasama kita!" Drama sakin ni Josef.
"Ako rin Josef."
"Uy umiibig yung anak ko o!" Tukso samin ni Tito Jaden. Hahaha. Hindi parin talaga siya nagbabago.
Hindi romantic feeling yung nararamdaman ko kay Sir Jaden, ay tito pala. Siguro naghahanap lang ako ng kalinga ng isang ama. Simula nong 4 kasi ako siya na yung naging papa ko. Hanggang ngayon nung nakita ko siya, Namimiss ko si Papa. Nakikita ko sakanya ang papa ko. Sana buhay pa si Papa :(
Ang swerte talaga ni Josef kasi kompleto pa yung pamilya niya.
BINABASA MO ANG
His Dad
HumorFour years old palamang ako when my mom hired Sir Jaden as my tutor. Siya yung naging inspiration kong mag-aral, gusto ko kasi si Sir Jaden. But a years after, nag-paalam siya sakin, may malaking offer daw sakanya sa New York, dun na daw siya magtra...