Chapter 9

606 15 0
                                    

Nasa klase kami ni Mrs. Santos ngayon. February na. Konting konti nalang talaga graduate na kami.

"Malapit na ang valentines day. Sa february 14 ang exact date ng inyong JS prom. Then after that, puro practice nalang tayo sa graduation niyo. March 3 yung date. Any question?"

Pinag iisipan ko pa kung aattend ako ng prom. Puro couples lang naman ang maghahari dun e. Pero once in a life time lang to.

Sasama ba ako o hindi? Hmm. Bahala na.

"Mika, aattend kang prom ha!" Tinabihan ako ni Josef.

"Bahala na." Sagot ko sakanya.

"Once in a lifetime lang to. Attend ka na." Pagpipilit niya sa akin.

"I'll try." Sa totoo, hindi naman kasi ako umaattend ng mga party e.

"Sabi mo yan ha!"

"To all top 10 students, tara sa office ko." Pinapatawag kami ni Mrs. Santos.

Sabay kami doong pumunta ni Josef.

"Deliberation na bukas. I hope makaattend lahat ng parents niyo ha! Lalo na kayo Josef at Mika" Bigla naman akong kinabhan. Deliberation na bukas? Pero okay lang sakin kung si Josef ang magiging valedictorian. He deserves it.

"Mika..." Hinawakan niya ako sa balikat.

"Josef, wala to. Matutuwa pa nga ako sayo kapag ikaw yung valedictorian e. You deserves it." Hinawakan ko yung braso niya.

Lumabas na kami at pumunta sa may garden.

"Mika alam mo dumating na si Papa. Sabi niya, kahit hindi daw ako maging valedictorian proud na proud parin siya sakin. Okay na kami." Good thing naman at okay na sila ng papa niya.

"Sabi ko sayo e, Mahal ka ng daddy mo."

"Thank you Mika. Kundi dahil sayo, hindi ko maaappreciate na mahal ako ni Papa."

Namimiss ko rin na magkaron ako ng papa. Naaalala ko nung buhay pa si Tito. Wala kasi talaga akong tatay, di ko na siya nasilayan simula noon pa. Masaya kami ni tit noon. May nagtatanggol sakin. Siya kasi yung tumayong papa ko. Hay! Buti pa talaga si Josef.

His DadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon