Chapter 20

3K 128 15
                                    

JANEY'S POV

"Saan ka pupunta?" Tanong sa akin ni Jessie nang makita niyang nagiimpake na ako. Hindi ko siya sinagot dahil alam ko namang kahit na hindi ko siya sagutin ay alam niya ang kasagutan sa tanong niya.

"Tatakas ka na naman?" Sarcastic itong tumawa at  lumapit sa akin. Inihanda ko na ang sarili ko sa mga sasabihin niya.

"Natatandaan mo ba nung last time na tumakas ka? Ano ang nangyari? Saan ka dinala ng pagtakas mo? Diba dito rin? Sa mas mabigat pang sitwasyon?" Napatigil ako ng pagiimpake at napaisip.

"I'm sure this time, Jessie.. Hindi na ganun ang mangyayari." sabi ko at inayos ang sarili ko. Tumayo ako at akmang hihilahin na sana ang maleta ko palabas ng kwarto pero mabilis itong nahablot ni Jessie at binuksan. Kinuha niya ang mga gamit at damit ko sa loob at pinaglalabas.

"Hindi ka aalis! Hindi ka nanaman tatakas!" Napabuntong hininga ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat niya, "Hindi ako tumatakas, Jessie." kalmadong sabi ko sa kanya pero tinaboy lang niya ang kamay ko at binulyawan ako, "Mukha mo! Kambal kita at alam ko 'yang style mo! Tumatakas ka sa problema mo! Duwag ka, Janey! Aminin mo na."

Hindi ko siya sinagot. Imbes ay inayos ko na lang muli ang maleta ko. There's no way in hell na magpapaka-pusong mamon na naman ako at madadala sa mga sinasabi niya.

"Janey, walang problemang nasosolusyunan at natatapos kapag tinatakasan. Mas lalaki at lalala lang 'yan." natigilan ako sa pag-aayos ng maleta ko at tinignan siya ng seryoso.

"I can't." simpleng sabi ko sakanya. Namalayan ko nalang ang pagdaloy ng luha sa pisnge ko.

"Hindi ko maintindihan ang pinaglalaban mo, Janey. Mahal mo siya, mahal ka niya. Oh? Anong pinoproblema niyo? Anong inaarte mo?" Napabuntong hininga ako. Hindi nila maiintindihan. Dahil ako mismo, sarili ko hindi ko maintindihan.

"..at mahal din ako ni Luhan." pabulong ko lang na sinabi. "Ayokong makasira ng relasyon, Jessie. Ayokong makasira ng pangarap." Umupo sa tabi ko si Jessie at tinitigan lang muna. Hindi ko siya matignan ng diretso. Ayoko kasing malaman niya. Ayokong malaman niyang naduduwag lang talaga ako.

"Mapaguusapan pa naman 'yan, eh." sabi niya. Umiling parin ako. Hindi na magbabago ang isip ko.

"Janey naiinis na ako sa'yo! AYAW MO PA KASING AMININ EH! AYAW MO PANG AMINING NADUDUWAG KA LANG!" Tumayo siya at nagpabalik-balik ng lakad sa may pintuan at papunta sa akin.

"Naduduwag ako. Tama ka. Natatakot akong dumating sa point na iwan niya ako para sa pangarap niya. Natatakot akong dumating sa point na bigla siyang matauhan at maisip na PANIRA LANG AKO SA LAHAT. Naduduwag akong baka dumating sa point na kailangan niyang pumili.. Ako.. o ang EXO.. ang pangarap niya."

"Jessie.. I can't... anymore." nakayuko kong sabi. Napa-angat na lang muli ang ulo ko nung marinig ko ang tinig ni Papa.

"Yes you can, Janey Jung. Tumayo ka diyan." lumapit sa akin si Papa at itinayo ako. "I'm not giving you the right to go back to Philippines. May responsibilad ka dito. You've signed and there's no turning back kahit na ako ang tatay mo." nilabas niya sa case niya ang isang papel na sinign-an ko noon. 'Yun ang contrata ko sa pagiging isang Assistant ni Kai. Sa pagbanggit pa lang ng pangalan niya ay kumikirot na ang puso ko. Kung akala niyo madali ang sitwasyon ko, hindi. Mahirap ang piliin ang iwan ang isang taong nalaman mong kaparehas ng nararamdaman mo. Mahirap iwan ang taong mahal mong minamahal ka din. Alam niyo ba 'yung feeling na ayan na 'yung pagkain nasa harap mo na pero hindi mo pwedeng tikman o kahit na kunin dahil alam mong may nauna na don? 'Yun ang nararamdaman ko ngayon. Ayos na eh. Mahal ko siya, mahal niya ako. Pero.. alam kong may nauna na sa akin. Hindi si Mina. Kundi.. ang EXO, ang pangarap niya. Nauna na niyang mahalin ang pangarap niya bago pa lang ako dumating sa buhay niya. Bago palang dumating si Mina sa buhay niya.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon