JANEY'S POV
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang isinigaw ni Jessie. Imposible. Imposible diba? Ni minsan, hindi nagparamdam ng ganun sa akin si Luhan. Ni minsan, hindi ko naisipang mangyayari 'yun.
Nilingon ko si Jessie at bahagyang tumawa. Sa totoo lang, hindi ako natatawa. Kinakabahan ako. "Jessie, nababaliw ka na. Kung anu-ano na kasi 'yang nababasa mo. Tigilan mo na 'yan." sabi ko sa kanya pero bumuntong hininga lang siya at nilapitan ako.
"Hindi ko 'to nabasa, kambal. Process your mind! Clean up your mind, teh! Kung kay Luhan, Kai at Mina, nangyari 'yang ganyan.... posible din mangyari sa'yo 'to. Pare-parehas lang tayong tao. Mas mataas lang ang tingin sa kanila ng ibang tao pero pare-parehas pa rin tayo. Si Mina, may gusto kay Luhan at ginagamit niya si Kai para dito. Eh yung iyo? Si Luhan, may gusto sa'yo at ginagamit niya si Kai dito. Ayaw niyang mapalayo ka kay Kai kasi alam niyang pag mangyari 'yon, pati sakanya mapapalayo ka. Janey, nasa sa'yo kung kanino ka papanig pero kung ako sa'yo.. dun ka sa nag-iisa. Dun ka kay Kai." umiwas siya ng tingin sa akin at nakikita kong nasasaktan siya para sa iniidolo niya.
"Doon ako sa taong... wala naman akong kasiguraduhan kung sasaluhin ako? Ganun ba?" Tapos.. ano? Sa dulo ako ang masasaktan? How foolish and unfair life can be!
"M-ma'am, tumatawag na po kasi si Sir Kai," bumalik ang isa sa staff at tinatawag na muli ako. Tinignan ko lang muna si Jessie at nag isip.
"Thanks, Jessie." sabi ko sa kanya at sumama na sa staff papunta kay Kai.
**
"Saan ka ba pumunta?" bungad sa akin ni Kai.
"Nagutom kasi ako." sagot ko na lang.
"Oh? Dapat sinabi mo na lang sa akin. Para sabay na tayo." Nginitian ko lang siya. Gusto ko mang kiligin sa mga pasimpleng banat niya pero hindi ko magawa dahil hindi ko alam kung may kahihinatnan ba ang mga banat niya. Hindi ko alam kung pinagloloko lang ba niya ako o pinapa-asa o sadyang.. ganyan lang talaga siya? Pero imbes na mainis at magalit ako.. nalulungkot ako. Naaawa ako sa tuwing titignan ko siya. Tuwing tignan ko ang mga mata niya, iba ang nararamdaman ko. Sana.. sana bigyan ako ng lakas para masabi ang lahat sa kanya. Gustong gusto ko na kasi talagang sabihin kaso natatakot akong hindi niya ako pakinggan at paniwalaan. Natatakot akong mapalayo lang siya sa akin kapag subukan kong magsabi ng katotohanan sa kanya.
"K-kai." pagtawag ko sa kanya habang masaya siyang kumakain ng burger. Ayoko sanang matanggal sa mukha niya ang ngiting 'yang ngayon pero mas ayaw ko namang mapalitan 'yan ng kalungkutan sa mga darating na araw kung siya mismo ang maka-alam. Feeling ko, mas okay kung ako na mismo ang magsabi sakanya para hindi na mapatagal at mapalaki pa.
"Ah?" Huminga muna ako ng malalim at magsasalita na sana pero naramdaman ko na lang ang pagkalat ng mayonnaise sa labi ko. Pinasukan niya ng burger ang kinakabahang bibig ko. Dapat ngayon mabibwisit na ako sa panti-trip na ginagawa niya pero, hindi ko oras para sabayan ang trip niya.
"Bakit parang kabang-kaba ka diyan? Ikaw ba ang magpeperform?" hindi ko na siya pinatulan pa, "Kai, masaya ka ba?" pagtatanong ko na ikinatigil ng pagkain niya.
"Oo naman. Bakit naman hindi?" gusto kong susunod na itanong kung ano bang meron sa kanila ni Mina pero parang may pumipigil sa bibig ko. Parang.. natatakot ako.
Ang sabi niya.. masaya siya. Ngayon. Masaya siya dahil hindi pa niya alam. Paano kung malaman na niya? Maging masaya pa kaya siya? Dapat ko bang sabihin sa kanya? Hahadlangan ko ba ang kasiyahan na nararamdaman niya?
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)
Fanfiction{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: April 12, 2014