JANEY'S POV
Nang marinig ko ang pagtugtog ng kanta nila Kai ay madali akong lumabas. Ang performance nila ay for 3-4 minutes lang dahil isang kanta lang ang ipeperform nila kaya tumakbo ako. Nakipag siksikan ako sa mga fans nila at sa iba pang tao sa venue ng pagpeperform-an nila. Basa pa ang stage dahil kaka-ulan lamang at wala pang bubong. Nasa kalagitnaan ako, kasama ng mga taga-hanga nila, pinapanood sila.
Masigla silang sumasayaw ng walang problema sa loob ng mga dalawang minuto pero nang biglang may pumatak galing sa itaas ay tila nag panic ang mga manonood pati na rin ang mga staffs. Ang ilan sa mga staffs ay pilit na pinapa-alis na sila stage dahil daw mauulanan sila pero hindi sila tumigil at nagpatuloy pa rin sa pag-sayaw. Tulad nila, hindi rin nagpatinag ang mga taga hanga nila at mas lumakas pa ang tilian nang mas lumakas ang ulan.
Hindi naglaon ay natapos rin ang performance nila at naisipan na nga lang na i-cancel ang susunod pang mga magpeperform para na rin sa safety nila at ng mga manonood. Kahit ako ay basang-basa na rin pero hindi 'yon naging dahilan para hindi mag-alala sa kalagayan nila kaya bilang isang staff na rin naman--o sabihin nating, bilang isang assistant ng isa sa EXO ay pumunta ako sa dressing room nila. At doon nga ay nadatnan kong abala ang mga sari-sariling assistant nila. Napa-ikot ang tingin ko pero hindi nahagilap ng mata ko ang hinahanap ko.
"Sasaeng! Okay ba 'yung sayaw namin? Malas naman umulan!" masiglang sabi sa akin ni Luhan. Sasagot na sana ako sa kanya pero natigilan ako nang makita kong papasok ng dressing room si Kai--kasama si Mina. Inabot ni Mina ang isang towel kay Kai at naka-ngiti naman niya itong tinanggap.
Napatigin din si Luhan kung saan ako nakatingin. "Para sa akin ba 'yan?" Umurong siya at naharangan ang tinitignan ko na naging dahilan ng hindi ko na pagmonitor sa ginagawa nila Kai. Nawala sa paningin ko sina Mina.
"A-ahh. Oo para sa'yo 'yan." sabi ko at saka inabot sakanya ang towel.
"Janey?" May tumapik sa balikat ko at paglingon ko ay nakita ko si Mina. Kasabay nito ay ang paghawak ni Luhan sa kamay ko. Nagulat ako at hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Bakit niya 'yun ginawa?
Nakita ko ang pagdapo ng tingin ni Mina sa mga kamay kong hawak ni Luhan. Napangiti ito at sarcastic na sinabi, "Oh, may something?" Sasagot pa sana ako pero nakita kong papalapit si Kai sa amin. Dapat sana ay itataboy ko ang kamay ni Luhan pero hindi ko na ginawa.
Tulad ng kay Mina ay nakita ko rin ang pagdapo ng tingin ni Kai sa kamay namin ni Luhan. "J-Janey, kanina pa kita hinahanap." sabi ni Kai. Gusto kong matawa. Hinihintay? Eh kakakita ko nga lang sa kanilang kakadating lang. Ang sabi ko, tutulungan kong hindi masaktan si Kai pero bakit parang mas gusto ko pa siyang masaktan? Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan si Mina. Hindi ko maintindihan si Luhan. Pati na rin ang sarili ko, hindi ko na maintindihan.
"Saan ka ba galing?" hindi pa rin naaalis ang tingin niya sa kamay namin ni Luhan. Naalis na lang ito nang may iabot sakanyang bote ng tubig si Mina. Napahigpit ang hawak ko sa bote ng tubig na sana ay ibibigay ko sana sakanya--bilang isang assistant niya. Ako ang assistant diba? Diba dapat ako ang bahala sa mga ganyan? Sana hindi na lang niya ako inappoint as assistant niya. Nakakaloko.
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)
Fanfic{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: April 12, 2014