"Hi!" Masiglang bati nung magandang babaeng tumambad sa harap ko pagkabukas ko ng pintuan nung dapat ay palabas na ako.
"Uh..hello" Awkward na bati ko sakanya. Lumapit naman yung isa pa niyang kasama na mukhang nanay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"Are you.... Ms. Janey?" Biglang kumabog ang puso ko. Shet? Ano kayang kamalasan nanaman ang nagaabang sa akin? May nagawa nanaman ba akong kalokohan? Argh! Tapos nakakatakot pa tong kaharap ko ngayon.
"Ah..o..opo. Ako po yun." Pagkasagot ko ay bigla nalang lumapit sa akin yung babaeng matanda at biglang niyakap ako.
"So ikaw pala yung sasaeng fan ng anak ko! I really appreciate your way of supporting my son. Thank you." Eh? Thank you? Nag thank you siya sakin? NA SASAENG FAN NI KAI!? Seriously? Napa-tingin ako kay Kai at naka-ngiti lang siya ng nakakaloko.
"You've been fooled, sasaeng! Hahahaha." tumatawa niyang sinigaw. Litsi! FOOLED? As in yung sinabi niyang sasabihin niya na hindi naman talaga ako ang sasaeng fan niya, hindi totoo yun!? Wow As in wow talaga.
Kumalas naman na sa pagkakayakap sakin ang mama ni Kai.. Oo mama niya pala yun at yung babae ay kapatid niya. Akala ko pa naman siya na yung EXO's Girl na kalat ngayon na akala nilang ako. Tss.
"Kinuwento ka kasi ng anak ko sakin. Sobrang supportive mo pala noh? Yung tipong pati watch ng anak ko, gusto mo na din! Hahaha. Saludo ako sayo, hija. Kung magkaka-asawa man anak ko sana yung Fan din na katulad mo. hahaha diba, Steff?" nilingon niya yung babaeng kapatid ni Kai.
"Ma, you're so noisy. Ate Janey, pagpasensyahan mo na si mama. Ang ingay."
"Sige, ha? una na kami. Anyway, I talked to the principal. *lumapit sakin mama ni Kai at bumulong* You'll be receiving VIP treatments na din.. with EXO. Hihihihi" and then she left.
"Vip treatment? Seriously?" Nasabi ko nalang sa sarili ko na narinig naman pala ni Kai.
"Whether we like it or not, makakatanggap talaga kami ng ganun from the school kasi iniingatan nila kami. And now... since it looks like you're part of us now, makakasama ka na din sa treatment na yun. Isa ka na ding special being, congrats." he said habang pumapalakpak pa.
"Aish! Bahala ka sa buhay mo! Ang daya daya mo!" nasigaw ko nalang papalabas ng room niya. Bwisit yun! Pagkatapos kong magpigil ng feels sa tsokolate niyang abs hindi naman pala totoo yung kapalit na sasabihin niyang hindi ako ang sasaeng fan? ahhhh wow grabe ang talino eh.
Naglakad lakad muna ako sa campus. Simula nung kumalat na sasaeng fan ako, may mga lumalayo sakin dahil sa inis at meron ding mga nakiki feeling close para makasama din nila ang exo. "Sasaeng!" kusa nalang akong napalingon, ako lang naman ang may ganyang nickname dito eh.
Pagharap ko ay nakita ko si Kyungsoo sa loob ng kotse niya, pababa.
"Pinapahatid ka ni Kai. Sakay na."
"No, im fine." mataray na pagrereject ko. Tss. Malamang may mva binabalak nanaman tong exo na to. Ako nanaman ang nakitang pagtripan.
"Dali na. Alam mo mabait naman yan si kai eh." bigla akong napatingin sakanya. Malamang sasabihin niya yan, kaibigan niya eh!
"Pasok na dali" at wala na rin akong nagawa kundi ang magpahatid sakaya dahil talagang mapilit siya.
"Ano naman ba nainom at nakain niyang kaibigan mo, nagbibilang anghel?"
"Ang kulit mo din eh noh? Mabait nga kasi yan may pagkaloko lang."
Hindi ko nalang siya kinibo. Paulit ulit lang kasi ang sinasagot niya. Halatang may tinatago!
BINABASA MO ANG
I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)
Fanfic{EXO Fanfiction-COMPLETED} Sino ang pipiliin niya? Ang taong mahal niya o ang matagal nang pinapangarap niya? Started: August 25, 2013 Finished: April 12, 2014