It takes time to call you "MINE" ..

87 0 0
                                    

Hi there. Haha. Dahil sa pinanganak akong tamad di talaga ako mahilig magsulat or something pero malawak naman imagination ko e. Haha . Sa buong talambuhay ko ngayon lang ako magsusulat ng mala telenobela kahaba. Nakakatamad kaya. Haha. Pero tuwang tuwa naman ako magbasa ng mga sinusulat dito so bale in return gusto ko manlang may maisulat kahit isa lang. LEGACY din ito di ba? :D

INTRODUCTION .. *tadaan!* *kompeti*

Hi ako nga pala si Alex , incoming freshman ng paaralan namin. Isang volleyball player , matakaw sa tulog minsan sa pagkain din , matalino , matangkad , pero di sobra sa ganda sapat lang , singkit ang mata at may matangos na ilong. Sobrang kabado ako sa first day of class. (For sure , lahat naman ng estudyante kabado pag first day! Aminin!) Kasama ko pala mga kapitbahay ko pare-parehas kasi kami ng paaralan na pagpapasukan. Pumunta kami sa mga kwarto para sa  mga freshaman at hinanap ang pangalan namin. “Aba ano ba naman ‘to? Hiwa-hiwalay tayo?!” sabi saamin ni Nikka. “Oo nga , imberna yan ha! Amp. :/” tugon ni April. Oh sya sige papasok na ako sa classroom ko at inaantok pa ako try kong maka – idlip . Haha. Joke lang pabiro kong sabi. “Loko ka talaga!” sabay batok saakin ni Nikka. At ayun pumasok na ako sa classroom namin. Naupo lang ako sa isang sulok nang bigla naming may nagpakilala saakin. Hi dito , hi doon. Feeling ko nangangampanya lang di ba? Pero joke lang yun. Lumipas na ang mga araw , linggo , at buwan. Nakatapos na ako ng unang baiting sa hayskul. Haha. Andami ko ng kaibigan (akalain mo yun?) . Pero syempre di mo rin maiiwasan na may maka-away ka kahit konti (parte yan ng hayskul life! Dahil tamad akong tao fast forward na tayo. Hindi kailangan mahaba ‘to.)

 Chapter 1.

TEXTmates! J

[ALEX POV]

*kring*

Tunog ng school bell. (Aaminin ko sainyo nung 2nd year lang ako ng ginamit ang school bell naming! Antique na ata yun!)

Second year na , syempre apir apir sa mga tropa ko. Hahaha.

Yow! Alex! Kumusta naman? Sabi saakin ni Sam isa sa mga bestfriend ko. Ganito kami e parang mga lalaki.

Aba eto cute pa din. Hahaha. Kaw ba? Haha.

Eto mas cute pa din sayo. Bwahahahaha! *evil laugh*

Naisahan niya ako dun. Pero ganun pa man e ok lang mas maganda naman talaga siya saakin , matalino , seksi at teka teka habulin siya ng chicks este mga lalaki. Hahaha. Sa isang buwan siguro marami na ang nabasted niyan. Ayaw magpaligaw e pagdating na raw niya ng 18. Hahaha.

Ayaaaaaan na siii Madam!!

Ok upuan portion. Haha. Dahil sa taglay kong tangkad (ehem , asset ko yan no!) palagi akong nakaupo sa likod at gusto ko naman. Dami ko kayang nagagawa dito. Katabi ko ay si Powie , isang matangkad na lalaki na sobrang hilig matulog. Talo pa niya ako sa sleeping contest! Haha. Dahil nga sa katabi ko siya ay sobra kaming naging close at naging parang magkapatid haha.

*kring*

Uwiiiiaaan na! Yahuu, the best part of the day! Haha. (Promise noong highschool ako palagi kong hinhintay ang uwian!)

Dahil sa swerte namin bukas ay piyesta! Ibig sabihin walng pasok. Yahuuu.

Oh , ano balak natin bukas? Wika ng barkada ko

Eh , park?

Mga 3pm?

Sige.

Park. 3pm.

Oh. Dude. Sabi nila saakin in chorus

Pre. *apiran*

Siguro mejo nabored na din kami at dahil birthday ngayon ni Powie nagkaroon ako ng evil plan. *tadan!*

Hindi naman siyang masyadong evil. Balak ko lang silang pagtripan nila Jeff.

[JEFF POV]

Andito kami ngayon sa bahay nila Powie. Burdey ng mokong! Akalain mo nagbibirthday pa yun. Hahaha.

Wala na akong magawa busy pa ang iba kumain , ang babagal nila parang mga babae kumain. Haha. Ganoon naman din ako minsan ng biglang magvibrate ang cellphone ko.

1 message received

+63930********

Hi. Pwede mkitxtmate? Haha. :D

“Aba unregistered number. Sino naman kaya tong lokong to? Siyempre nireplayan ko naman ng hu u?!”

“i am your girlfriend! Baby , nakalimutan mo kaagad ako?”

Di muna ako nagreply nagbakasakaling kilala ng mga tropa ko kung sino to.

“Powie! Pol! Clint! Pa type nga kung sino to +63930*******”

“Si ALEEEEXXX!” in chorus pa sila.

Pakshet ‘tong babaeng to nantritrip nanaman. Bigla kong nireplyan si Alex.

“Oi! Mangtritrip nanaman! Wag kang ganyan! Himala napatext ka saakin?”

“Hahaha. Buko kaagad? Di manlang nakisakay sa trip oh. Wala ‘to. Haha. Wala naman magtatanong sana ng daan papunta kila Powie”

“Di kayo invited!!! :P” pang-aasar ko sakanya.

“Bwiset ka! Andito na kami sa harap ng bahay nila. Labas kayo dali!”

Dahil alam kong hindi naman talaga sila pupunta dito e di ako lumabas no. Haha. Kala nila mauuto nila ako kahit papano wais to.

“Ewan ko sa’yo bahala ka dyan. Sige maglalaro muna kami ng basketball”

“Okay.”

Isa pala akong adik sa basketball , super sarap sa pakiramdam pag naglalaro ako parang hindi ko kaya ng isang araw na di makalaro nito. Kaya pumunta na kami ng barkada sa isang court para maglaro ng basketball.

[SAM POV]

“Hoy! Alexandrea!! Ano nanaman naiisip mong gawin at kinuha mo number ni Jeff?”

“Wala , dating gawi mangtritrip! Haha.”

“Wala talaga ‘to. Kahit kalian ganyan ka ee”

“Walang basagan ng trip!”

Tinext na niya si Jeff at kung anu-ano ang pinagsasabi. Napabuntong hiniga naman ako. Hay. Wala talaga ‘tong maagawa sa buhay at nangtritrip nanaman sinabayan pa ng mga barkada namin syempre papahuli pa ba ako?

“Hu u daw , sabi ni Jeff!”

“Sabihin mo ako yung secret admirer mo!” – Kara

“Ako yung baklang patay na patay sayo!!” – Al

“Ako yung girlfriend mo! Baby , nakalimutan mo nab a ako?” – ako

Sumang-ayon naman ang bruha sa sinabi ko. Haha. Ganyan talaga kami trip kung trip.

“Sh8! Nalaman kaagad na ako to! Walangjo!” sigaw ni Alex.

Ayun nahuli kaagad ang bruha. Haha.

[ALEX POV]

Umuwi na kami pagkatapos ng mga kulitan , asaran , kainan at trip trip sa park. Pagkarating ko sa bahay pumasok na kaagad ako sa kwarto ko. Tutal busog pa naman ako kaya di na ako nag dinner. Nanunuod ako ng tv ng biglang tumunog cp ko.

1 message received

Jeff

Goodeve. J

Rineplayan ko naman ang mokong dahil wala na rin akong nagawa.

“Goodeve din po! J (ehem , may “PO” yan! Mabait ako sa mga ganyan!)”

“Kumusta araw mo?”

Ng bigla kong nailipat sa myx ang tv..

Now playing : When I met you

“Ok naman. Saya ng araw ko. Ikaw?”

“Masaya rin. Masaya ka dahil natripan mo ako? Haha.

Peace! ^^v”

“Pwede na rin! ^^”

Sa dami naming mapag-usapan di naming nahalata na 12am na. Inaantok na rin ako kaya nag goodnight na ako sa kanya at ganoon di siya saakin.”

It takes time to call you "MINE" ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon