Epiko

101 0 0
                                    

Epiko ni Melchoro


Noong unang panahon, mayroong prinsipe na nagnga-ngalang Melchoro o tinatawag na, "Prinsipe Chord, ako na po ang bahalang magdala nito para sainyo." wika ng kawal na nakakita sakan'ya na nagbu-buhat ng mga kasangkapan para mamayang hapunan.

"Maraming salamat pero kaya ko na ito." nginitian niya ito at iniwan na.

Sa kahariang Ethereal siya'y nakatira, sobrang bait at gwapo niya kaya't siya'y kinahu-humalingan ng mga dalagang babae sa kahariang iyon. Ganu'n din ang kanyang kapatid na hari, mabait at gwapo ngunit ito'y may asawa na at mapagmahal sa kanyang asawa. Ang kaso ay gusto ni Prinsipe Chord ang asawa ng kan'yang kapatid dahil ito dati ay kan'yang matalik na kaibigan. Matagal ng may gusto ang prinsipe sakanya ngunit tinatago niya lang dahil nga kapatid niya ang asawa nito, bilang respeto umalis na muna siya rito sa kaharian at naglakbay para makapagisip-isip. Hindi niya alam na may nakakita pala sakan'yang pag-alis ang babaeng matagal na rin sakanyang may pag-tingin si Hurricane o kilala sa ngalang Yuri, "Prinsipe magingat ka sa iyong lalakbayin ito isang kwintas na binigay sa akin ng aking magulang para maprotektahan ako, sa iyo na." anito at malungkot na ngumiti.

"Ngunit bigay ito ng iyong magulang..."

"Hindi na mahalaga basta ikaw ay magiingat." sabi nito at umalis na. Makalipas ang ilang araw nakakita siya ng kaharian pinasok niya ito nang patago at nagtago sa puno noong nakapasok na siya luminga-linga siya para may mahanap na pagkain dahil sa gutom ng may makita siyang isang marikit na dilag. Bumilis ang tibok ng puso niya at parang ang paligid niya ay biglang huminto at ito na lang ang kaniyang nakikita. Nakita rin siya nito at nginitian na kanya namang binawian nang matamis na ngiti nang biglang may humalik sa pisnge nito na lalaki kaya napatago muli siya sa puno.

Naglakad lakad siya sa palasyo at nalaman niyang Prinsesa Paloma o Poma ang ngalan nito at ang lalaki naman ay Haring Copper o Per. Noong kinagabihan ay umakyat siya sa bintana ng babae na kinagulat naman nito.

Gabi-gabi ay ganito ang ginagawa nila upang makapagusap at magtawanan tungkol sa kung ano-ano nang biglang umamin ang babae, "Alam ko mali ito dahil ako'y ipapakasal na pero ika'y aking iniibig, tulungan mo ako aking iniirog." sabi nito na kinasaya ng puso niya ng bigla silang nakita ni Haring Per. Dahil sa pagmamadali niyang umalis nahulog ang kwintas na sakanya'y binigay, sa kwarto ng prinsesa.

Tumakbo siya nang tumakbo ngunit siya't nahabol pa rin at sa kasamaang palad siya'y pinatay at pinatapon sa gubat.

Makalipas ang ilang araw naglalakad-lakad ang prinsesa sa palasyo. Maraming bumabati sakanya na binabati niya rin naman pero may narinig siya na tinapon daw na bangkay ang prinsepe sa gubat.

Noong kinagabihan tumakas si Prinsesa Poma para ito'y puntahan kasama ang kwintas nito na nahulog ng prinsipe. Nagliwanag ang kwintas at siya'y dinala nito sa katawan ng prinsipe. Ito'y kanyang hinawakan at bigla na lang itong nagising. Dahil rito napagkasunduan nilang pumunta at humingi nang tulong sa kanyang kapatid na hari.

Nang makarating sila sa kahariang Ethereal si Prinsipe Chord ay sinalubong nang mahigpit na yakap ng kapatid. Sila'y nag-diwang at habang sila'y kumakain pinakilala niya ang prinsesa at sinabi ang lahat nang nangyari nang biglang may mga pumutok na bomba sa kaharian. Kaya't nagkagulo, buti na lang handa ang mga kawal pinapunta ng prinsipe ang prinsesa sa loob ng palasyo para hindi madamay hangga't sa matapos ang labanan ito'y kanyang pinuntahan sa loob ngunit wala na ito.

Hinanap niya ang bawat sulok ng lugar ngunit wala talaga siya rito nakita niya na lang sa bintana na nakagapos ang prinsesa kasama si Haring Per. Siya'y tumakbo hanggang sa mahabol niya ito. Nang bigla lumingon ang Hari, nagmadali siyang nag-tago sa puno at dahan-dahan na sinaksak patalikod ang hari. Ngunit natagpuan niyang hindi na humihinga ang Prinsesa kaya't nag-madali siya pumunta sa palasyo para magamot agad ang prinsesa ngunit... "Prinsipe Chord! Sa iyong likod." sigaw ni Yuri. Tumakbo sakanya si Yuri at kinuha ang espadang hawak- hawak at pinatay nito ang iika-ika ng si Haring Per ngunit siya rin nitong natusok sa puso na kinamatay nilang pareho. Hindi alam ang gagawin ni Melchoro, hindi alam kung sino ang uunahin kaya't pumunta muna siya sa kaharian at pinagamot ang prinsesa at humingi ng tulong para mailibing ng maayos si Yuri.

Makalipas ang ilang araw nagising na ang prinsesa na kinasaya ng prinsepe. Ito'y kanya agad-agad na pinakasalan sapagkat ayaw niya na ito muling mawala. At sila'y nabuhay ng masaya at mapayapa.


I wrote this after I read "Chasing Hurricane" by serialsleeper, that's explain the name. Lmao.

Sulatin sa Filipino 8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon