Tulang Payapa

25 0 0
                                    

Lahat ng Bagay may Pagtatapos

Noong una kitang nakita
Ang iyong mga mata ay nagnining-ning
Sobrang ganda
Parang wala sa mundo

Noong una kong narinig ang iyong tawa
Ang sarap pakinggan
Parang may mga anghel na umaawit sa aking palagid
Huminto ang mga tao sa paglalakad
At ikaw lang ang aking nakita

Noong una mong hinawakan ang aking mga kamay dahil ang akala mo ay ako'y iyong kaibigan
Ngumiti ka at nagpaumanhin
Ang saya ko
Kahit na alam kong pagkakamali lang ang lahat

Simula noong araw na 'yun nabihag mo ang puso kong walang pagasa
Naranasan ko lahat ng una
Ang aking puso ay tumitibok nang sobrang lakas na parang gustong kumawala
Palagi akong puyat dahil sa kakaistalk sayo sa peysbuk, twitter at instagram.

At sa unang pagkakataon, napansin mo ako at ngumiti nang sobrang tamis.

Naging sobrang malapit natin sa isa't isa
Na hindi ko na alam kung ano nga ba talaga tayo
Meron nga ba talaga tayo
Sa una pa lang
O nagpapantasya lang ako

Nilayuan kita
Kahit na hindi ko kaya
Hinahanap mo raw ako
Paumanhin gusto lang kitang sumaya

"Lahat ng bagay may pagtatapos"
Ang sabi sa huling libro na binasa ko
Tapos ko na pala siya mabasa
Hindi ko na alam gagawin ko

Kaya mahirap masanay sa bagay na alam mong matatapos rin agad
Nakakatakot
Masakit
Parang gusto mo pang bumalik
O ituloy pa
Kahit na alam mong hindi na pwede

Nung huli kitang nakita
Nasa tanghalan ka na
Natupad mo na ang mga mangarap mo
Masaya ako para sayo

Katulad ng dati
Ang iyong mga mata ay nagnining-ning pa rin
Pero parang hindi na totoo

Nung huli kong narinig ang iyong tawa
Naguguluhan ako
Masaya ka pa ba
O ginagawa mo lang 'yan dahil ayun ang kinasasaya nila

Nung huli mong nahawakan ang aking kamay
Ngumiti ka na para bang walang nangyari at sinabing, "Salamat sa pagpunta."

Naninikip ang aking mga dibdib
Tama nga ba ang ginawa ko
Hindi ako makahinga
Nakakasakal

Pero sa huling pagkakataon
Napansin mo ulit ako
Ang iyong mga mata ay nagnining-ning
Na parang mga bitwin sa langit
Ngumiti ka
Ngunit may tumulong luha
At hinawakan ang aking mga kamay

Tinanong mo ko,
"Pwede pa ba?"

Hindi man tayo nagkaroon nang masayang pagtatapos
Pero salamat
Binigyan mo ako nang magandang simula

Ayoko masira ang matagal mo ng pangarap
Dahil lang sa isang katulad ko
Pero hindi pa naman tayo natatapos diba,
Hindi pa ako nakakasagot sa tanong mo

Sa susunod nating buhay tapusin na natin nang masaya
Sa ngayon gusto muna kitang sumaya
Nang wala ako

Sulatin sa Filipino 8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon