Karagatan

26 0 0
                                    

Manong Sunggyu
Sa pagsisimula netong karagatan
Kayo naman ngayo'y magpapasiklaban
Magkaalaman muna kung sino tunay
Bago pa kayo ay makitlin ng buhay

Jiae
Patunayan nga na ako'y iniirog
Nang malaman na ikaw na ang pag-ibig
Na aking hinihintay ng sobrang tagal
At ngayon narito na dahil ako'y mahal

Myungsoo
Kahit ano pang naisin o gustuhin
Ang iyong ngiti lamang ay masilayan
Puso ko'y tumatalon sa sobrang saya
At 'di mapigilang hindi mapakanta

Hoya
Oh binibini simple lang ang nais ko
Ang magkaroon lang ng ikaw at ako
Para makasama ka dahil para sa'kin
Ako'y para sa'yo at ika'y sa akin

Myungsoo
Kahit na ako'y panawan ng ulirat
Sa aking mata ikaw lang ang marikit
Hoya
Ang puso ko ay tuluyan ng nahulog
'Wag kang ganyan at maraming mabibihag

Jiae
Hindi ko alam kung sino pipiliin
Ngunit may isang tumatak sa isipan
Mga salitang galing sa buong puso
Na punong puno ng sinseridad, Myungsoo.

Sulatin sa Filipino 8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon