Alamat

94 0 0
                                    

Alamat ng paro-paro

Noong unang panahon mayroong isang babae na nagngangalang Marikit na ubod ng ganda. Sa takot ng mga magulang niya na siya ay kunin at gawing dyosa ng mga engkantado siya'y hindi pinapalabas. Kaya't siya'y lumaki ng hindi nakikita ang kagandahan ng kanyang kapaligiran. Isang araw nagmumuni-muni si Marikit sa kanilang bahay sa bintana ng may nakita siyang tumutubong halaman rito. Ito'y kanyang inalagaan at kinakausap palagi. Kinabukasan nakita niyang may namumulaklak na bulaklak sa halaman siya'y napamangha dahil sa ganda neto at bango ng amoy neto. Gusto niya itong ipagmalaki sa mga tao ngunit ayaw siyang palabasin ng kanyang mga magulang.

Noong kinagabihan siya'y inutusan ng kanyang ina, "Marikit ikaw na nga magtuloy ng aking mga nilalabhan dahil ako'y pagod na pagod na." wika ng kanyang ina. "Bukas na lang po aking ina maggagabi na po kasi." sambit ni Marikit habang nakatingin pa rin sa bulaklak. "Napakatamad mo namang bata ka!" sigaw sakanya ng ina at pumasok sakanyang silid. Siya'y nakita neto na walang ginagawa at nakatingin lamang sa isang sobrang bango at gandang bagay. Akala ng ina ito'y nanggaling sa engkantado na kanyang kinatatakutan kaya't tinapon niya ito sa malayong lugar. "Ina b-bakit niyo po i-iyun ginawa?" garalgal na tanong ni Marikit sakanya ina. "Nararapat lang iyan sa isang tamad na katulad mo." sabi ng kanyang ina at umalis na. Dahil sa galit siya'y patagong lumabas ng kanilang bahay. Sinalubong siya nang malamig na simoy ng hangin. Pero kahit na ganito siya'y sumugod pa rin sa madalim at malamig na panahon dahil sa hindi niya kabisado ang lugar at ngayon niya palang nakita ang ganitong lugar napunta siya sa gubat. Sabi niya sakanyang sarili, "Kung kailan naman nakalabas na ako saka pa nawala ang bulaklak," malungkot nitong sambit.

Siya'y pumasok sa kagubatan at naisip na baka mamaya ay mayroong kakaibang hayop rito at baka siya atakihin pero nilakasan niya na lang ang kanyang loob. Maya-maya siya'y nakakita nang napakaliwanag na puno kaya't ito'y kanyang pinuntahan at nakakita siya ng napakaraming uri ng bulaklak. Siya'y napamangha rito at pumitas ng bulaklak ng bigla may tumapik sakanya. Kaya itinago niya sa likod ang bulaklak na kanyang pinitas at dahan dahan na humarap at nagulat siya nang makakita ng isang matandang lalaki na sobrang haba ng mga buhok at balbas. "Bakit hindi mo pagmasdan ang mga kaaya-ayang mga bulaklak sa iyong likuran." wika neto at kanya namang sinunod. Nagulat siya ng unting unting nalanta ang mga bulaklak kaya tumingin ulit siya sa likod ngunit wala na ang engkantado. Nagbago na rin ang paligid kaya't tumakbo na siya palabas sa kagubatan. Nasa bakuran na siya nang nilabas niya ang pinitas niyang bulaklak at natuwa dahil ito'y hindi nalanta ngunit siya'y biglang naging isang makulay na paro-paro.

Sulatin sa Filipino 8Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon