SCENARIO: Hala sige, sTROLL pa Jongdae.

373 14 1
                                    

Sobrang pagkatuwa sa EXO's Chatroom. Haha. <3

-

SCENARIO: Hala sige, sTROLL pa Jongdae.

Si Jongdae ay isang batang walang magawa at may natatanging trip sa buhay. Ang trip na 'yon ay through text. Kahit nagtatrabaho na s'ya bilang isang EXO member, hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagtripan pati ang mga ka-grupo nya.

Wala na sigurong paki si Jongdae kung busy sya basta feeling accomplished na s'ya sa isang araw basta nakapantrip s'ya.

One time, nakita n'ya si Xiumin na nakikipaglandian kay Luhan. Naisip nya: "Nyeta kayo, mga two-timer!" Kaya naman tinawag n'ya kaagad si Sehun para masaksihan nito ang kalandiang nagaganap.

"Anong gusto mong gawin?" tanong ni Sehun kay Jongdae. Sa pagkakataong ito, na-miss ni Jongdae mangtrip kaya naman naisipan nyang i-apply ito sa malalanding XiuHan.

"It's payback time, Sese." sabi ni Jongdae sabay ngiting tagumpay at halakhak pang-witch noong humarap s'ya kay Sehun. Nagwalang kibo na lang si Sehun pero naisip n'yang sakyan na lang ang trip ni Jongdae tutal sawang sawa na s'ya sa kalandian ni Luhan.

--

Naiwan si Sehun sa dorm nila dahil umalis saglit si Jongdae. Pagbalik ni Jongdae, may dala-dala itong sim card. TM nga dahil ayaw daw nya ng Globe, masyadong mahal. Akalain nyo yun, P20, isang araw lang?!

"Anong gagawin natin sa sim card?" nainis naman si Jongdae sa tanong ni Sehun. 'Ba malamang, isasaksak sa cellphone para makapagtext diba?! Gustuhin mang awayin ngayon ni Jongdae ang tatanga tangang si Sehun, pinigilan nya ang sarili nya para may makasama s'yang mangtrip.

"Warch and learn." Yan na lang ang nasabi ni Jongdae at pagkatapos ay ipinasok na n'ya ang sim card sa cellphone nyang Iphone na dual sim (WHAHAHA~) 

Tinext ni Jongdae si Luhan sa number n'yang bago.

To: Lululandi

Hi. Sino 'to? May nagv-card kasi ng number mo sa'kin eh. Namali siguro. Ako nga pala si Janine. :)

"Pakyu ka naman hyung! Itetext mo lang pala si Luhan hyung, bakit bibili ka pa ng sim na bago?" sabi ni Sehun na mukhang hindi talaga gets ang ginagawa ni Jongdae.

"SI LAY KA BA TALAGA O SI SEHUN?! Malamang para hindi malaman ni Luhan hyung na ako lang 'yung Jumajanine sa kanya!" sabi ni Jongdae kay Sehun kaya naman na-gets na nya ng tuluyan after 120748364859374837430283 years ang nangyayari sa mundo.

After 120748364859374837430283 years din ay sa wakas, nag-reply na si Luhan.

From: Lululandi

Hi Janine! Taga-saan ka nga pala? Ako naman si Luhan :))

Natuwa ang dalawa dahil kumagat sa trip nila si Luhan. Nagpatuloy ito ng ilang linggo at ilang araw at halos lubos na ring nagkakakilanlan sina Luhan at Janine dahil araw araw na silang nagkaka-text.

Kilala ni Luhan si Janine hindi bilang Janine Tugonon kundi bilang Janine Matsuyama, isang half Japanese na rich kid, nag-aaral sa exclusive school at magandang babae. 

Ang hindi nya alam, si Janine ay isa lamang ilusyon. Lunod si Lulu sa katotohanang nag-eexist sa mundo si Janine kahit ang totoo ay hindi naman dahil ang Janine na nakakausap nya araw at gabi ay nasa kabilang kwarto lang ng dorm ng EXO--- si Jongdae at Sehun.

From: Lululandi

Oh Janine, saan ka galing?

To: Lululandi

Nag-mall. Ang boring sa bahay eh. :"> 

From: Lululandi

Janine naman, umuulan kaya oh!

Naisip ni Jongdae at Sehun na may pagkatanga din pala si Luhan. "Bobo naman nitong pinakamamahal mo Sese, anong konek ng ulan sa mall?! Hindi ka naman mababasa dun kasi malamang may bubong yung mall." Iritang sabi ni Jongdae pero syempre laptrip sila kapag nakakabasa ng messages ni Luhan.

"Ano ka ba, sakyan mo na lang." sagot naman si Sehun.

To: Lululandi

Tsk. Oo nga eh. Ang tagal pa dumating nung driver ko kaya nabasa ako paglabas ko ng mall.

From: Lululandi

Tignan mo nga. Magpalit ka na ng damit saka magpatuyo ka muna! Ano ba kasing ginawa mo sa  mall?

To: Lulunadi

Hahaha. Ang paranoid mo naman Lu. Nag-shopping lang ng tatlong converse at apat na jansport. Nakakainis kasi, walang laman yung cabinet ko kaya binilhan ko. Saka may palaboy laboy na bata dun sa tapat ng bahay namin, eh kawawa naman kaya bibigyan ko s'ya ng isang jansport. Ang nakakainis pa, naghahang na 'tong iPhone 5 ko kaya bibili na ako ng iPhone 5s bukas.

Jongina lang kasi iPhone dual sim yung na kay Jongdae pero may iPhone 5s pa s'yang nalalaman kaya daebak na trip talaga yun sa kanila ni Sehun. Minsan pa nga, kahit gabi na, sige pa ng sige ang dalawa sa pangtitrip kaya minsan, kinakabog na nina Suho o kaya naman ni Kyungsoo ang kwarto nila dahil sa kaingayan.

TO BE CONTINUED...

The EXO InvasionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon