SCENARIO: Hala sige, sTROLL pa Jongdae 2

326 14 1
                                    

SCENARIO: Hala sige, sTROLL pa Jongdae 2

Matapos ang ilang buwan, hindi pa rin tinatantanan ng dalawa si Luhan dahil masaya ituuuu. Saka nga naman ay hindi sila nahuhuli na si Jongdae at Sehun lang ang Janine na rich kid na pinapantasya ni Lu.

From: Lululandi

Hey Janine. Ilang buwan na rin tayong friends (na sana maglevel up pa), can we meet up na?

Wala naman silang problema kung gusto makita ni Luhan si Janine kahit sa internet lang. Gumawa sila ng account ni Janine sa facebook at iyon ang ibinigay ni 'Janine' kay Luhan para maniwala na nang tuluyan si Luhan na nag-eexist nga sila.

Kanino namang picture ang ginamit nila? Sa isang kaibigan ni Sehun sa dati nyang school. Chix kasi ito kaya kumagat talaga si Luhan sa trip nila. In short, POSER sila dahil hindi alam ng kaibigan ni Sehun na picture na nya ang ginamit para pagtripan ang hyung nilang si Luhan.

Ang problema lang talaga nila ngayon, gusto nang makipag-meet ni Luhan kay Janine. Sino namanng Janine ang ipapakita nila?

"Uy hyung, pa'no na 'yan? Ang tanga mo talaga hyung! Dapat una pa lang inisip mo na thathabihin nya 'yan." reklamo ni Sehun. Pero nag-evil smile lang si Jongdae sa kanya.

"Natatae ka ba hyung? Bakit ganyan ka ngumiti?" sabi pa ni Sehun na tila na-weirdo-han kay Jongdae.

"Hay nako, Sehun. Ganito ah, o-oo tayo. Makikipagkita tayo kay Luhan." 

"Paano nga? De nayari tayo dyan? Wala naman tayong maipapakitang Janine."

"Bobo neto. Eh syempre, wala tayong ipapakita. Papaikutin lang natin sya sa mall para hanapin ang pinakamamahal nyang Janine na wala naman dun! O kaya naman hahanap tayo ng pwedeng Janine. For example, naka-black yung Janine natin, sasabihin natin na nakablack si Janine para lapitan nya tapos sasapakin lang sya nung babae kasi hindi naman talaga sya si Janine." paliwanag ni Jongdae tapos tumawa sya. Yung labas gilagid. Parang yung kay Kris. Para namang may naliwanagan na si Sehun sa balak ni Jongdae. Kaya naman laptrip sila.

Napagpasyahan ng dalawa na makipagkita si Janine kuno kay Luhan sa mall kinabukasan.

--

Maagang nagpunta sina Sehun at Jongdae sa mall. Actually nga, hindi pa bukas yung mall andun na sila. Ang paalam kasi nila sa members, may date sila. Meron nga, si Luhan. Umalis kaagad sila para hindi sila mahalata nito.

Balak din kasi nilang manuod ng DNP (Diary ng Panda the movie) na pinagbibidahan ni Tao. Sila na lang ang hindi pa nakakanuod kasi nung premiere night na nanuod yung ibang members. Kung hindi nila aagahan, tatayo sila sa sinehan, sige.

Matapos manuod ng dalawa ng movie, hapon na yun nang dumating si Luhan sa mall. Rakenroll na.

From: Lululandi

Janine! Wr na U? D2 na me. jh3jh3jh3

"Kingina. Jejemon pala si Luhan?!" halos mapasigaw na reaksyon ng dalawa. Pero syempre nireplyan pa rin nila.

Nasa arcade house sila nun at dun nila pinapunta si Luhan. Pero bago yun, bumili sila ng damit na never nilang susuotin para hindi sila makilala ni Luhan.

Ikot ng ikot sa buong arcade house si Luhan ngunit hindi nya makita si Janine. Aba kasi syempre, wala naman syang makikita dahil hindi naman totoo si Janine. Kaya naman nanatili na lang si Luhan sa isang shop.

"Hyung, athan daw thya?" tanong ni Sehun kay Jongdae matapos nila paikutin si Luhan sa arcade house.

"Nasa Kai-inamo store daw." sabi ni Jongdae kaya naman nagpunta sila agad don. Tindahan pala iyon ng cellphone at wala naman dun si Luhan, nasa kabilang store pala. Hahanapin nila sana si Luhan sa Kai-inamo store pero hindi nila makita. Aalis na sana sila pero kinausap sila bigla nung saleslady na ikinagulat naman nila.

"Good Afternoon po, anong pong hinahanap nila?" "si Luhan, yung tanga, nasaan, nakita nyo ba?" gusto sana yang itanong nung dalawa pero obviously, hindi alam nung saleslady yun at wala syang pakialam. Kaya naman nagpalusot na lang sila.

"U-uhm, 'y-yung G2 po." biglang sabi ni Sehun dahil sya ang unang nakaisip ng palusot. Yugn G2, brand yun ng phone, 'wag kayong ano dyan. Taong tabon ba kayo?!

"Ah-eh, wala po eh. Ito lang pong case." sabi nung saleslady. Narinig naman si Sehun ang bulong ni Jongdae na "Tch, magsara na kayo, wala pala kayo nun eh." Kaya naman siniko nya si Jongdae.

"Ah thige po... Tatawagin ko lang yung mom ko." sagot ni Sehun at pagkatapos hinatak ni Sehun si Jongdae sabay takbo palabas ng store na yun. Nakita nila sa labas ng katabin store si Luhan at sa pagkabigla, kinausap ito ni Jongdae.

"Lu--- Kuya!" napatingin dito si Luhan. Hindi sila makilala nito dahil naka-disguise sila.

"Hanap ka po ni Ate Janine, dun sa may sinehan." salo ni Sehun sa boses babae na halatang ginawa ang kanyang makakaya upang hindi ma-bulol kasi once na mabulol sya, mahahalata sya ni Luhan. Nginitian ito ni Luhan at tumungo na sa taas.

"Uy, ayoth, exciting! Uwi na tayo." sabi ni Sehun kay Jongdae at ayun na nga at napagpasyahan na nilang ialis ang disguise nila at umuwi na. 

Bago pa man sila makalabas ng mall, nakita nila si Luhan sa 2nd floor na nakatingin sa kanilang dalawa.

"Y-yari na..." sabay nilang sabi.

"CHEN, SEHUN! HINDI KAYO MAKAKAUWI NG BUHAAAAAAY!"

END 

The EXO InvasionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon