nine

100 14 10
                                    

TO: DANNIE 9/10 💖
[ ▶------------ 1:39 ]

"hoy n-niel! hindi porket hindi na ako pumapasok sa school, hindi ka na din papasok. wala ka namang sakit p-pabibo ka!

p-paano kung mapano yang grades mo?! paano yung future mo kung hindi mo inaayos? p-paano na ang future natin?

a-ay, wala p-pala tayong future.

ayan nanaman ang future na iyan. naalala mo dati? naalala mo yung kacornihan mo? yung feel na feel mo banat mo pero corny naman?

tinanong ko sa'yo kung anong g-gusto mong f-future tapos sagot mo,

"ikaw ang future ko."

pabibo ahm, k-kaya binatukan kita. a-ang corny mo kasi, pero kahit ganon, m-mamimiss ko kamaisan mo niel. sobra.

oh kung sabagay puro tayo future, gusto mo magdoctor diba? gusto mo maging cardiologist okaya pulmonologist?

kung magiging pulmonologist ka man, alagaan mo pasyente mo ah? kagaya ng pagaalaga saakin ng doctor ko.

oo, doctor ko.

kung naririnig mo man to ngayon, sorry daniel. alam ko huli na ang lahat.

dannie, may emphysema ako."

saudade Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon