Prologue

13.9K 251 6
                                    

Bulalakaw!!!

Napapikit ako habang nakadapa sa damuhan ng malawak na hardin ng mansyon nina Virgo.

Madilim ang paligid na tanging tanglaw lang ng bilugang buwan ang nagbibigay liwanag sa aking kinaroroonan.

Sana mapansin nya ako!!

Iminulat ko ang aking mga mata at minsan pang tiningala ang veranda na kung saan doon nakaupo ang guapong binata habang hawak sa kamay ang wine glass.At nakatutok sa hawak na cell phone ang buong atensyon.

Nakagawian ko na ang ganito.Bata palang ako ay nagkaroon na ako ng matinding paghanga kay Virgo.

'Twing gabi kapag tulog na si Manang ay marahan akong lumalabas mula sa maid quarters at mahiga dito sa damuhan.Ito lang kasi ang tanging nagagawa ko.Ang panoorin sya mula sa malayo.

Nasa sulok lang kasi ng malaking mansyon ang sinasabi kong maid's quarter.Kung saan doon kami nakatira ni Manang.

Matagal na syang naninilbihan sa pamilya ni Virgo.Kaya simula nang pumanaw ang Don at ang  Donya at tanging si Virgo nalang ang natitira.Si Manang na ang tagabantay sa malaking mansyon since,minsanan lang kung nagagawi dito ang binata.

Ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko.Kapag bumibisita dito sa kanilang hacienda si Virgo.

Hindi man nya ako napapansin..atleast natatanaw ko sya mula sa malayo katulad nito.

*

*

*

Naisip ko ang bulalakaw kagabi at yung wishes ko.Sana kahit ngayon lang ay matutupad man lang yun.

I'm seventeen at the moment.And Virgo was eight years older than me!

"Amaya...ihatid mo na yang fresh juice sa kwarto ng young master.."utos sa akin ni Manang na syang nagpanumbalik sa aking isip sa kasalukuyan.

Dati ko nang gawain 'to..ang tagahatid ng kung anu-ano sa kwarto nya.

Pero ni minsan ay hindi man lang nagkrus ang aming landas.Lagi nalang kapag pumapasok ako..nasa shower sya at naliligo.

Oh di kaya nasa ibang kwarto...saka sya papasok kung kelan nakalabas na ako.

He didn't recognize me ever since.Siguro napapansin naman nya ako but in a way na isa ako sa mababang uri ng tao na naninilbihan dito sa loob ng mansyon.

At ang katotohonang iyon ang malaking hadlang.Langit sya,lupa ako..kahit kailan hindi kami pwedeng mapang-abot.

Abot-abot ang kaba sa aking dibdib nang mapatapat ako sa pintuan ng kanyang silid.

"Don't too stubborn,sweetheart!mag-bus ka nalang papunta dito..masikip at lubak-lubak ang kalsada kaya mahihirapan kang dalhin ang sasakyan mo..."

Nanlamig ang buo kong katawan nang marinig ang kanyang boses sa loob.Siguro may kausap sya sa kanyang cell phone.

Kumatok ako bago marahang itinulak ang nakaawang na pintuan.

Masama ang timpla ng kanyang mood at ramdam ko iyon nang tuluyan na akong makapasok sa loob.

"Sir-"

"What!"bulyaw nya sa akin.

Nanginig ang kamay ko kaya nabitawan ko ang baso ng juice nang iabot ko sa kanya iyon.Natalsikan ang kanyang damit na lalong ikinainit ng kanyang ulo.

"Hindi ka ba marunong magdahan-dahan?"asik nya sa akin.

Saglit kaming nagkatitigan bago ako nagyuko ng ulo.Hindi ko napigilan ang biglang pag-init ng bawat sulok ng aking mata.

He was so furious at the moment.At hindi ako sanay na pinapagalitan ako.

Agad akong tumalikod at walang salitang tumakbo palabas.Masakit sa dibdib na tratuhin nya ako ng ganoon.

Ngayon na nga lang ang unang pagkakataon na nakaharap ko sya with in face to face.Ngayon ko lang nasilayan mula sa malapitan ang kakisigan nyang taglay.Pero ganito pa ang nangyari.

Kung pwede ko lang sanang bawiin ang wishes ko kagabi nang makatanaw ako ng shooting star ay di sana ginawa ko na.

Kaso hindi eh!nangyari na.Napansin nga nya ako..sa paraan pa ng  pagkakamali ko.

☆☆☆

Minsan,ika'y naging akinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon