Kung dati panay ang iwas ni Virgo sa mga reporters,ngayon naman ay matapang na nyang hinarap ang mga ito.
Kababalik lang namin galing honeymoon.At ngayon ang unang araw na pumasok kami sa VDV Advertising Industry bilang mag-asawa.
Dahil sa harapan ng building pumarada si Virgo at hindi nga maiwasan na may nag-aabang na mga iilang reporters sa labas ng main entrance.
Nakangiti pa si Virgo habang sinasagot ang lahat ng mga katanungan sa kanya habang nakaakbay sya sa akin.
"Well,it will be glad...if my beautiful wife got pregnant so soon,you know I'm not getting any younger,gusto kong magkaroon na din ng anak kaagad."
Sagot nya sa isa sa mga tanong ng babaeng reporter sa kanya bago nya ako hinalikan sa aking pisngi.
Panay naman ang ngiti ko to show them that we are a happy new couple,which is true.Sa ilang linggo na magkasama kami ni Virgo bilang husband and wife ay wala akong masasabing negative.
He's a perfect husband to me.Maalaga sya.Sweet of all the time.And most of all lagi nya akong pinapaligaya.I really thought my life with him is like I'm in heaven!Napaka-swerte ko.
Hindi naman magkandaugaga ang mga reporters habang kumukuha ng mga litrato namin ni Virgo.
At sa buong durasyon,Virgo never let go of me.Nakaakbay parin sya sa akin at maya't-maya ang panghahalik nya sa akin.Kaya nga pinipigilan ko nalang ang aking sarili na hwag mahimatay sa sobrang kilig ko.
Gosh!this husband of mine..gusto pa yatang patayin ako sa kilig eh!
*
*
*
Masasayang mukha ng mga employees at mga staff ng VDV Advertising Industry ang bumungad sa amin pagkapasok namin sa loob ng building.
May hinanda pa nga silang bouquet of flowers na para sa akin.It's their warmth greeting sa muling pagbabalik ng kanilang boss.
Nakipag-kamay pa ang ilan kay Virgo sabay sabing congratulation.
Maya't-maya nagpaalam na si Virgo sa kanila.At maagap naman silang bumalik sa kani-kanilang desk.
Sumakay na kami ng elevator paakyat sa office department ni Virgo.At katulad sa baba kanina may nag-welcome na naman ulit sa amin pagkabukas ng pintuan.
But this time mga kaibigan ko na ang bumungad sa amin.Masaya akong niyakap ni Lily at nag-hi lang naman sa akin yung apat kasama si Iya.
Nagtataka ako kung bakit ni hindi sila nakipagkamay sa akin..nang ibaling ko kay Virgo ang aking atensyon doon ko lang nalaman ang dahilan.Binigyan nya pala ng warning look yung apat,kaya naman ang layo ng distansya nila sa akin.
Tss...possessive!
"Oh ano,kamusta ang honeymoon?kamusta ang first night?oh my god!"
Talagang hindi pinalampas ni Lily ang excitement nya sa pagtatanong nang makapagsolo kami sa loob ng studio.
Napakagat ako sa aking labi habang inaalala ang mainit na tagpo sa unang gabi namin ni Virgo.It wasn't my first time,but it's like..it is.
"Well,masaya!exciting!!masakit pero masarap!"nakangisi kong sagot sa kanya.
"Oh my god!!"tili pa nito at halata ang sobrang kilig sa kanyang boses.
"Mag-asawa kana nga Lily!hwag kang tanong ng tanong dyan!"si Rey habang papalapit sa pwesto namin ni Lily.
Biglang nasira ang mood ni Lily kaya naman kaagad nyang sininghalan si Rey.
"Ikaw kaya ang mag-asawa!pakialamero...pwedeng hwag kang makisabad sa usapan namin?usapang babae 'to!kaya lumayas ka!isusumbong kita kay Sir eh!akala mo hindi ko halata na attracted ka din kay Amaya simula nang unang pagpasok nya dito?"nakataas-kilay na sabi ni Lily.
BINABASA MO ANG
Minsan,ika'y naging akin
ChickLitHe's a millionaire...and getting married soon. But accident suddenly happened to change everything in his perfect life.. That's how destiny hits him!