Amaya's POV
"Nana Lucy..."
Halos mawalan ako ng hininga nang marinig ko ang baritonong boses na yun.Siguro papunta sya dito sa loob ng kusina base sa naririnig kong footsteps nya.
No!hindi nya ako maaring makita!anong gagawin ko?saan ako magtatago?
Kaagad kong binitawan ang ginagawa at mabilis na nagtago sa ilalim ng mesa.Hindi ko na pinansin ang pagtataka sa mukha ni Manang.
Mamaya na ako magpaliwanag kung makaalis na si Virgo.Saktong kakaupo ko sa silong ng mesa,sya namang pagpasok ni Virgo sa loob ng kusina.Sinasabi na nga ba!
"Nana,parating ngayon ang fiancee ko kaya maghanda kayo ng espesyal na putahe para sa pananghalian.Aalis ako at susunduin sya,kasama nya ang kanyang mga kaibigan at hindi ako sigurado kung dito ba tutuloy ang mga kaibigan nya.Mas maigi pong damihan nyo nalang ang handa kaysa naman magkulang."
Ganyan sya kagalang kung makipag-usap kay Manang.Malaki ang respeto nya sa matanda...marahil,dahil labis itong pinagkakatiwalaan ng kanyang yumaong mga magulang.
Fiancee...nakwento nga iyon ni Manang sa akin na engaged na nga daw si Virgo.Pero ni hindi pa nya nakikita ang babaeng mapapangasawa nito.
Dinig nyang isa daw itong modelo at kilala sa lipunan ang pamilya.
Bigla akong nanlambot sa kaalamang iyon.Bigla akong nanliit sa sarili.Itong nararamdaman ko para kay Virgo ay mas lumevel up pa.Hindi na isang paghanga lamang.
Bakit nga ba ako nagkagusto sa isang tao na nasa mataas ang antas?Hindi kayang abutin lalo na sa isang katulad ko na anak-mahirap lamang.
"Sige hijoh...pagsabihan ko ang tagapagluto mamaya..."dinig kong sagot ni Manang.
"Ah Nana?sino yung dalaginding na inutusan mong umakyat sa kwarto ko kanina?"
Dalaginding?yun ba ang pagkakatingin nya sa akin?magde-debut na ako sa susunod na taon,at marami ang nagsabi sa akin lalo na sa school na para daw akong isang modelo.Dahil maganda ang pangangatawan ko,kulang nga lang daw ako sa ayos.Tapos sabi nila may angelic face daw ako na pwede ng itapat sa beauty pageant!
"Ah,si Amaya ba ang tinutukoy mo?anak sya ng yumao kong kaibigan.Kinupkop ko sya dahil wala na syang ibang pamilya na titingin sa kanya.May iuutos ka ba sa kanya?"
Nanlamig ang aking mga kamay habang inaantay ang kanyang sagot.Paano kung sasabihin nya kay Manang ang kapalpakan kong nagawa kanina?
Naku!hwag naman sana,ayokong mapapahiya si Manang na ako ang syang dahilan.
"Wala naman po..natanong ko lang."
Nakahinga ako ng maluwag.God!dagdag points naman ito sa akin.Hindi nya ako binuko,ibig sabihin ba nun ayaw nyang mapagalitan ako?
Kyaaa!kinilig ako sa naisip.
"Sige,Nana..aalis na ako."paalam nito.
Nang tuluyan na syang makalabas ay saka pa ako lumabas mula sa pinagtataguan.
Napabuga ako ng hangin..hayyy..muntik na ako dun ah!
"Anong nangyayari sa 'yong bata ka?bakit kailangan mo pang magtago?Amaya..mabait na bata yang si Virgo,hwag kang matatakot sa kanya."
Napakamot ako sa batok nang sunod-sunod ang pagtatanong ni Manang.
"Nahihiya kasi ako Manang eh!mukhang strikto..."pagkakaila ko.
"Basta Amaya,pagbutihin mo ang iyong pag-aaral dahil kapag nakapagtapos kana..pwede kang magtrabaho sa isa sa mga kompanya ni Virgo.Pakikiusapan ko sya na ipasok ka kahit anong klaseng trabaho.Basta may pinag-aralan ka.Hwag mong isipin na hanggang dito ka lang.Kailangan mong makipagsapalaran para matupad mo ang iyong pangarap.Hindi dito sa apat na sulok ng mansyon lang iikot ang iyong mundo...naniniwala akong malayo pa ang mararating mo."
BINABASA MO ANG
Minsan,ika'y naging akin
ChickLitHe's a millionaire...and getting married soon. But accident suddenly happened to change everything in his perfect life.. That's how destiny hits him!