Chapter 16

23.5K 425 4
                                    

Hindi ko pinapansin si Claudia magmula ng umalis kami sa bahay nila tito Samuel.Nakakainis kasi sya.Masyado kong nag alala.Unang una alam nya na ayaw  ko na kung saan saan dinadala si Matthew tapos malalaman ko sa lalakeng yun pa.

"Mars sorry na."Sa daan parin ako nakatingin."Mars."Sa likod sila ni Matthew naupo.

"Mamaya na tayo mag usap."Lumingon ako kay Matthew."Ayokong marinig ng anak ko yung usapan namin.

"Sige."Malungkot nyang sagot.

"Mommy anong oras ihahatid yung car ko?"Tiningnan ko si Claudia.

"Later baby hindi kasi kasya sa kotse ni mommy eh."Sagot ko nalang sa kanya.

"Si tito Erik ba yung magdadala?"Haist!Napatirik ako ng mata!

"Hindi ko alam baby eh."

"Can you call him up?"

"Ha?"Napakunot ako."B-bakit?"napautal ako.sa sinabi nya.

"Ang sabi nya kasi susunod daw sya."

"Ha bakit daw?"

"Uhmm diba dadalin nya yung car ko."Ang kapal talaga ng mukha ng gagong yun!"

"Ipapakuha ko nalang kay Jun mamaya okay baby."Tumango naman sya.

Pagdating namin ng bahay pinapasok ko kay Beng si Matthew.

"Maghahanda na ba ko ng pagkain?"Si nanay Mercy.

"Tapos na po kami nay."Naupo kami sa sala ni Claudia."Nay bakit po gumagawa na kayo dyan."

"Baka lalo akong magkasakit kapag wala akong ginawa."Ngumiti sya sakin.

Sinilip ko si nanay Mercy kung nakalayo na sa paglalakad.

"Oh ngayon ka magpaliwanag."Sita ko kay Claudia.

"Yung anak mo kasi kanina nagtatantrums nung malaman na hindi ikaw ang kasama.Pero pinilit ko parin sya.Tapos nung naglalakad na kami papuntang music school lalo syang nagalit..ehh hindi ko naman mapigil.Si Jun naman pinaalis ko na at  susunduin si Beng dahil namalengke ."

"Oh tapos?"Nakikinig lang ako sa paliwanag nya.

"So ayun nilibang ko muna sya kasi ayaw pumasok ayaw din namang umuwi at hinahanap ka."

"Ang gusto kong malaman kung paano kayo napunta sa bahay ni tito Samuel."

"Inaya ko sya sa mcdo para maglaro don tapos nandon pala sila Erik at Cassie.."Sumandal sya sa sofa at humarap sakin."So ayun na nga inaya kami kasi may sumpong parin yung anak mo.Inuto ni Erik ang sabi ibibili sya ng laruan."Napabuntong hininga ko

"Nextime magpapaalam ka ha.Nag alala kasi ko."

"Lobat kasi yung cellphone ko kanina mars,Alam mo namang may tama yung baterya non."Napangiti ako.

"Ikaw din may tama."Seryoso yung pagkasabi ko sa kanya.Napalingon ako sa pinto ng ilang beses na may nag dodoorbell.Tatayo na sana ko pero nakita ko si nanay Mercy na papunta na sa pintuan.

"Maggie may bisita ka."Bisita?Sino magiging bisita ko?Tumayo ako para pumunta.

"Hi."Bumungad sa pinto yung pagmumukha ni Erik.Nawala sa isip ko yung sinabi ni Matthew.Na si Erik daw yung mag dadala ng laruan nya."Ahmm hinatid ko lang yung jeep ni Matthew."Medyo nahihiya pa syang magsalita.Napatingin ako buhok nya mukhang kakaligo lang nya.

"Ipapakuha ko nalang sana kay Jun eh."

"Nagpromise kasi ko na ako yung maghahatid."Ngumiti sya."Asan sya?"

"Ah nagpapahinga na sa kwarto."Walang gana kong sagot.Sinadya ko talagang hindi sya alukin umupo.

"Okay,pakisabi nalang na pumunta ko."

"Okay."Tanging sagot ko.Patalikod na sana sya.

"Tito Erik."Mabilis tumakbo palapit si Matthew sa kanya.

"Baby Matt."Maluwang na ngiti yung pinakawalan nya.Inakap sya ng mahigpit ni Matthew.

"I knew you would come."Masayang sabi ni Matthew sa kanya.

"Ofcourse."Umupo sya sa harap ni Matthew.

"Mommy pwede ba kaming magplay sa backyard?"Lumingon sya sakin.

"Baby naglaro kana kanina diba?Saka nagpapaalam na si Erik hindi ba Erik.?"Tumingin ako sa kanya.

"Ahh oo next time nalang tayo maglaro ha."Ginulo pa nya yung buhok ni Matthew.

"Uhmm okay."Masayang sagot ni Matthew sa kanya."Is that a promise?"

"Yap." Sagot naman ng loko.Ayoko yung ganintong pakiramdam!Haist!"Bye Matthew"Kumaway pa sya."Maggie."Tumango lang ako ng lumingon sya sakin.

"Bye tito Erik."Nagbabye pa sya."I love you."Biglang kumirot yung puso ko ng marinig ko mula sa anak ko yung salitang yun.

"I love you too."Saka sya ngumiti.Bakit ganito yung nararamdaman ko habang nakatanaw ako kay Erik habang papalayo sya.Hanggang kailan ba ko mahihirapan sa sitwasyong to.

"Happy family lang ang peg."Biglang lumakas yung kaba ko dahil sa gulat kay Claudia.

"Gaga!"Mataray kong sabi sa kanya.Saka ko hinawakan si Matthew at pumasok sa loob.Happy Family?Tssk!Kalokohan yun.

(PLEASE LIKE AND FOLLOW)

Always Been You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon