MAGGIE'S POV
Hindi talaga ako nilubayan ni Claudia kakatanong kahit saan ako magpunta ay lagi syang nakasunod.
"Hay ang kulit mo mars!Wala ngang ganap okay.Saka hindi ko sya type period!"Pikon kong sabi sa kanya.
"Hay ang choosy ha!Ang sabi mo gwapo naman at -"Natigilan sya."Oh my god!Mars sampalin mo ko."Hindi ko alam kung ano yung itsura nya nung sandaling yun parang kinikilig na ewan!"Mars dali sampalin mo ko!"
"Okay "sagot ko sa kanya saka ko sya sinampal ng malakas hehehe.
"Outch!Ang lakas non ah!"Reklamo nya sakin.
"Ang sabi mo sampalin kita de pinagbigyan kita."Natatawa ko habang sinasabi ko yun.Ang.lakas kasi ng biling ng mukha nya kaya talagang nagulat sya haha.
"Grabe naman yung lakas."Hinihimas yung mukha nya.Sus bakit todo papungay ngayon ng mata ng bruha.
"Ga-"Napigilan ako
"Hi"Malakas na bati ni Claudia sa mga dumating para syang miss universe sa pagkaway."Cassie."Nag beso sya."Erik."Kumaway naman sya."And you are?"Nilahad nya yung kamay nya kay john.Hay kaya naman pala nakakita ng fafa haha!Isip isip ko.
"John."Sagot naman sa kanya.
"O em."Sabi lang nya sabay lapit sakin."Sya ba yun?"Bulong nya sakin.Sumimple ako ng tango.
"Bakit mukhang nagtatalo kayo kanina pag dating namin."Nakangiti sya ng sabihin yun.At bahagyang lumapit sya sa amin ni mars.Halatang bagong ligo sya at ang bango nya infairness.
"Ay hindi pinapatay nya sakin yung lamok sa pisngi nya."Sagot ko nalang saka ako nag smile."Oh Cass napadalaw kayo."Biglang bawi ko ng tingin kay Cassie.
"Here."Wow sweet smile isip isip ko.Inabot nya sakin yung hawak nya for sure wedding invitation yun."Claudia."Inabot naman ni Claudia.
"Thanks."Maikli kong sagot
"Ang bongga ng invitation ha."Agad namang binuksan ni Claudia hay hindi makapag antay na umalis yung tatlo.
"Mags tingnan mo na."Ani Cassie sakin.Para syang bata talaga minsan kung kumilos.Parang pabebe style ganun hehe."Basahin mo dali na."Excited nyang sabi.Mukhang may kakaiba yata akomg mababasa ah.Binasa ko yung guest list nya.Pero napakunot yung noo ko ng mabasa ko yung pangalan ko.
"Cassie"Tanging nasabi ko sa kanya.
"Oops bawal tumanggi."Sinenyas pa nya yung kamay nya.
"Cassie naman bakit di mo agad sakin sinabi."Pagrereklamo ko.
"Yung pinsan ko sana talaga Mags kaso paalis na sya.Eh wala naman akong ibang kaclose maliban sayo."Nalungkot yung mukha nya."Tapos ayaw mo pa."Nagpaawa na naman sya.
"Hay e ano pa nga ba magagawa ko ayan na nga oh nakalagay yung pangalan ko."Napabuntong hininga ko ng de oras.
"Wow mars maid of honor ka pala."Singit ni Claudia.
"Actually sinadya kong hindi sabihin sayo para.."Binitin pa nya."Para hindi ka na makatanggi."Sabay ngiti.
"Hay ikaw talaga."Nasabi ko nalang
"So okay na Cassie ha?"Singit ni John."Baka naman pwede mo na 'kong itour Maggie."Nilinga nya yung paligid.
"Sure."Matipid kong sagot sa kanya.
Inilibot ko sya sa buong farm.Sila Cassie at Erik naman naiwan kay Claudia.Masakit daw kasi yung paa ni Cassie kaya hindi na sumama.
"Ang ganda dito no?"Pacute pa 'tong makong na 'to.At talagang wala syang kurap habang nakatitig sya.
"Oo nga eh kaya hindi ako nagsasawa dito."Mahina kong sagot sa kanya.Habang pinagmamasdan ko yung mga bulaklak.
"Parang ikaw."Mabilis na tugon nya sakin.
"Ha?"Takang tanong ko sa kanya.Huminto sya ng paglalakad kaya napahinto din ako.
"Parang ikaw maganda pero hindi nakakasawa."Napatawa ko sa sinabi nya.Bigla tuloy akong namula haha..
"Hay bolero."Nakangiti kong sabi sa kanya.Saka ako lumakad.
"Totoo nga."Binilisan nya yung paglalakad nya para abutan ako.
"Hay ewan ko sayo."Bigla naman akong nahiya haha."Bumalik na tayo."Suhestyon ko sa kanya.Napakamot sya ng ulo.
"Let's have dinner tomorrow.."Tumitig sya sakin."Please."Hays ano ba isasagot ko dito.
"May ..May gagawin kasi ko bukas eh."Palusot ko sa kanya.
"Please...Pag katapos non hindi na kita kukulitin...Please."Pagmamakaawa nya.Jusko luluhod pa yata ito.
"Hay John itigil mo nga yan."Pakiusap ko sa kanya.
"Pumayag kana kasi please."Hay naku.Napabuntong hininga ko.
"Oo na."Pagkasabi ko non ay biglang nagliwanag yung mukha nya.
"Pumapayag kana?"Masayang sabi nya.
"Ayaw mo?"
"Syiempre gusto."Masayang sagot nya.
Matapos namin mag ikot ay bumalik na kami kila Claudia.
BINABASA MO ANG
Always Been You (Completed)
RomanceHanggang kailan makakaiwas si Maggie sa pagtatanong ng kanyang anak tungkol sa kanyang ama? At paano sya makakaiwas sa tadhanang mapaglaro.