Chapter 27

17.8K 264 4
                                    

MAGGIE'S POV

"Oh akala ko ba hindi mo type?"Hininto ko yung ginagawa ko.Nagdodouble check kasi ko ng benta namin ngayong maghapon bago kami magsara.

"Ang kulit kulit kasi nya kanina eh."Naikwento ko kay Claudia na pumayag akong makipagdate kay John bukas.

"Weh!"May halong pang aasar.

"Hay ewan ko sayo!"Mataray na sabi ko sa kanya.

"Hindi mo talaga type ?mamatay?"Napatirik yung mata ko.

"Pumayag lang makipagdate ng isang beses type ko na agad?"Pinanlakihan ko sya ng mata.

"Isang beses tapos masusundan ng pangalawa then pangatlo."Binilang pa nya sa kamay nya.

"At sino naman ang may sabi na papayag pa ko sa pangalawa at pangatlo aber!"Pinandilatan ko sya ng mata.

"Tandaan kapag nakuha sa kulit pwedeng maulit."Malanding sabi nya.

"Sayo siguro oo sakin hindi."Binalik ko yung atensyon ko sa ginagawa ko."Haist naasan na ba ko!"Inis kong sabi ng mawala ako sa ginagawa ko.

"Naku naku!"Pang iinis pa nya.

"Kapag hindi ka pa tumigil ikaw ang pagagawin ko nito."Pananakot ko sa kanya hehe.Buti tumigil ang bruha hahaha.

Pag dating ko ng bahay naabutan ko si matthew na sakay ang jeep na binili ni Erik.

"Hi mommy.!"Kumaway lang sya sakin.Dati rati tumatakbo na sya para salubungin ako ng halik.Haist!

"Baby hindi mo ba namiss si mommy?"

"Uhmmm!"Inikot ikot pa nya yung mata nya na parang nag isip."Namiss din."Saka sya ngumiti at nagpatuloy sa pagpapatakbo ng jeep.Haist!

"Beng!"Sigaw ko.

"Po?"Mabilis syang lumapit sakin.

"Kanina pa ba naglalaro si Matthew?"

"Ehhh  oho nung pagkauwi galing sa school."

"Beng hinayaan mong maglaro sya dyan ng dalawang oras?"Galit kong sabi sa kanya.

"Ma'am ayaw paawat eh."

"Baby tama na yan bukas naman."Binaling ko yung tingin ko kay Matthew na libang na libang sa pag dadrive.

"Wait mommy."Sagot lang nito.

"Matthew baba ka na dyan baka may homework ka pa ha."Bahagyang mapalakas yung boses ko.

"Ay."Mabilis nyang hininto yung jeep nya.Lumakad sya palapit sakin.Nagulat ako ng humalik sya sakin.

"I love you mommy."Saka sya ngumiti sakin.Biglang gumaan yung pakiramdam ko sa halik nyang yon.

"Lets go na Matthew."Tawag sa kanya ni Beng."Parang hindi dumaan sa pagkabata kung makaawat eh."Bulong ni Beng.

"Ano?"Sabi ko sa kanya nh makalapit si Matthew.

"Wala ho sabi ko aakyat na kami ni Matthew.Sinundan ko sila ng tingin.Napahawak ako sa bulsa ko ng mag vibrate yung cellphone ko.

Calling...Unknown number

Nagdalawang isip pa akong sagutin.

"Hello?"Bungad ko sa kanya.

"Maggie."Bigla akong kinabahan ng marinig ko yung boses ng nasa kabilang linya.Kahit pangalan ko lang yung binanggit nya alam ko kung sino ang may ari ng boses na yun.

"Bakit."Matabang kong sagot sa kanya.

"Huwag kang makipagkita kay John bukas."Seryoso yung boses nya.

"Ha?"Pagtataka ko.

"Huwag kang makipagdate kay John pinsan ko sya at alam ko ang likaw ng bituka non."Seryoso parin yung boses nya.

"Sino ka ba utusan ako ha?"Bigla akong nakadama ng inis.

"Look Maggie kilala ko sya at hindi sya pagkakatiwalaan!"Napalakas yung boses nya.

"Pwes problema ko na yun!At wala ka nang pakialam kung  sino man ang  kadate ko okay!Galit kong sagot sa kanya!

"Magg--"Naputol ang sasabihin nya ng bigla kong i end yung tawag nya.Letseng yun papakialaman pa ko!Kapal ng mukha!

_

ERIK'S POV

"SHIIIITTT!!!"Gigil kong sabi!Halos madurog ang cellphone sa tindi ng hawak ko.Ibabalibag ko na sana ng matanaw ko si Cassie.

"Sino yung kausap mo?"Tiningnan nya ko ng masama.Yung may halong duda.

"Wala."Tipid kong sagot sa kanya.Nagkibit balikat sya at lumapit sakin.

"Really?"Tumawa sya ng pagak"Sino nga."Halatang galit.

"Si Arnold lang yun."Pagsisinungaling ko sa kanya.Kilala nya si Arnold kaibigan namin sa Canada.

"Si Arnold?"Parang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko."Patingin."Akmang kukunin nya yung cellphone pero mabilis kong iniwas yung kamay kong may taban ng cellphone."Ano ba patingin sabi eh!"Lumakas yung boses nya.

"Arnold nga sabi!"Tumaas yung tono ng boses ko.

"Then let me see it with my own eyes!"Nilahad nya yung kamay nya.Naghihintay na ibigay ko yung cellphone.

Bakit ba tumawag pa ko kay Maggie!Ano nga pa pakialam ko kung kanino man syang lalake sumama!

Inabot ko kay Cassie yung cellphone ko saka ako tumalikod paalis.

"Erik!Ano ba!"Hindi ko sya pinansin ng habulin nya ko.Kumapit sya sa braso ko."Im sorry."Binalik nya yung cellphone sakin.Saka sya masuyong humalik sakin.Napapikit ako sa ginawa nya.Hindi ako gumanti sa pagkilos ng labi nya.

Fuck!Ano ba tong ginagawa ko!Hindi na tama yung mga kinikilos ko.Mahal na mahal ako ni Cassie at hindi tama to.Malapit na kaming ikasal pero bakit ganito.

PLEASE LIKE AND FOLLOW THANKS ☺☺☺

Always Been You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon