MAGGIE'S POV
"Pakiayos mabuti yung salansan ng bulaklak ha."'Utos ko sa mga tauhan ko.
"Opo."Sagot naman nila.
"Baka kasi may masira ireject ni Mrs Paez."Binisita ko yung pag salansan nila.
"Mars naman twing may deliver ba ipapaalala mo yan."Si Claudia na nakasunod sakin.
"'Ganon talaga."Sagot ko nalang.
"Halos araw araw nilang ginagawa yan eh natural alam na nila yan no."
"Mars kahit sobrang kabisado mo na yung isang bagay.Kung minsan may nakakaligtaan parin.Kaya mas maganda parin yung may nag papaalala sayo hindi ba."Parang dinedma ko ng bruha ha!
"Yan nga ang trabaho nila nuh kaba Jusko ilang taon na sila dito no!"Maarte yung pagkasabi nya.
"Mars parang sa love lang yan.Kahit alam mong mahal ka ng taong mahal mo.Sa araw araw na pinararamdam nya yung pagmamahal nya sayo parang nasasanay ka na sa ganong takbo.Aminin mo mas gusto mo minsan yung hindi mo lang nararamdaman kundi naririnig mo pa diba.
"Ooohhhooo mmaaaayyy GGGGoooodd!"Nanlaki yung mata nya."'San galing yan Mars?"Hinampas nya ko sa balikat.Tiningnan ko sya ng masama."Sobrang deep ng hugot mo hindi ko ma reach!"Malakas na pagkasabi nya.
"Hindi hugot yun gaga example lang yun!"Pikon kong sabi sa kanya.
"Yiieeeehhh."Kinurot nya ko sa tagiliran.Hashtag pumupuso."Saka sya tumawa ng malakas."
"Siraulo ka talaga!Barado na tong puso ko okay!"Inis pa rin ako.
"Sa tagal nating magkaibigan ngayon lang kita narinig magsalita ng ganyan."Kinakaligkig ang loka.
"Hay Claudia huwag mo ngang sirain ang araw ko ha lunes na lunes."Seryoso parin ako.Pero sya nakatawa oarin..Ang hirap ng may ganitong kaibigan haha.
"Ay speaking of monday..Double pay ako ngayon ha."Pagpapaalala nya.
"oo alam ko kaya huwag mo kong inisin at baka magbago isip ko."Pagbibiro ko sa kanya.
"Hoy grabe ka ha!Ang nasabe nasabe na!Walang bawian."Napameywang sya.Tinawanan ko lang sya.
"Ma'am isasabay na po ba yung kay Mang Ernie."Napunta yung atensyon ko kay Jeric isa sa tauhan sa farm.
"Oh sige kaunti lang naman yun pero ibukod nyo ha."Tumango naman sya.
Tara na sa loob ang init ohh."Singit ni Claudia.Tinakpan nya ng kamay yung ibabaw ng ulo nya."Sayang naman yung paglalaklak ko ng glutta."
"Nag guglutta ka sa lagay na yan.?"Pang iinis ko sa kanya haha makaganti man lang.
"Ay grabe sya titigan mong mabuti yung texture ng skin ko."Inangat nya yung braso nya para ipagyabang hahaha."Kita mo yung glow?"Napatawa ko.
"Baka sa dark mag goglow yan mars."Tawa lang ako.
"Funny..."Tinirik pa nya yung mata nya."Ang waley ng joke mo."Maarteng sabi nya hahaha.
"Bakit sino ba may sabing joke yun."Nakatawa parin ako.Malapit ko na syang mapikon konti nalang hahaha.
"Makaalis na nga."Umirap sya sakin saka tumalikod.
"Huy mars."Ang galing nyang mag asar pero pikon naman hehe.Sinundan ko syang maglakad.
Maaga kaming nagsarado ngayon. Puro delivery lang halos kasi kami kapag lunes.May mga naiiwan naman sa farm kaya kung may customer man itinatawag nalang sakin.Ang hirap din kasi makahuha ng customer dito sa La Trinidad ang dami kasing may farm kaya minsan talagang sumasama ko sa pag deliver para makasiguro ako na magiging regular customer ko na sila.Madalas binabagsak pa namin yung mga bulaklak sa iba't ibang mga bayan.
"'Mars daanan muna natin si Matthew ha bago kita ihatid."Sabi ko kay Claudia na apura selfie habang nasa kotse kami.
"Hindi ba sya susunduin ni Jun?Sagot nya sakin habang nag wawacky pa ang maarte.Hindi ko naakng sya pinansin sa ginagawa nya.
"Sinabi kong ako nalang yung susundo sa kanya."Nagbagal akong magdrive dahil paliko na kami sa kanto.
"Ah okay.!"Nakanganga pa sya habang nagpipicture.
"Haist!Tumigil ka na nga dyan!Mamaya puro pagmumukha mo yung nasa news feed ko!
"Aba taray kailan ka pa nagka facebook?Lumelevel up ang lola."Maokray talaga yung mga bakla sa totoo lang haha.
"Gaga matagal na kong may facebook hindi lang ako mahilig magpopost katulad mo."
"Oo nga pala super private yung account mo.Kahit yata si James Bond hindi mahahanap yung account mo."Nagtawanan kaming dalawa.Luminga linga ako para humanap ng paparadahan ng sasakyan.Pagkatapos ay dumiretso na kami sa may waiting area.Hanggang doon lang kasi kami pwede.Iintayin lang namin yung paglabas ng estudyante.
"Sigurado nakalabas na sya mars ."Sabi ko kay Claudia alas kwatro lang kasi ang labas nya ngayon.Nasaan na kaya yung batang yun.Dapat nakalabas na sya.Hindi ko alam kung bakit napatingin ako sa gawing sulok ng waiting area.Ilang beses din akong kumurap kurap para siguraduhin kong totoo yung nakikita ko.Hinila ko si Claudia sa gawi na yun.Nanginginig yung katawan ko habang papalapit kami sa kanila.
BINABASA MO ANG
Always Been You (Completed)
RomanceHanggang kailan makakaiwas si Maggie sa pagtatanong ng kanyang anak tungkol sa kanyang ama? At paano sya makakaiwas sa tadhanang mapaglaro.