Chapter 20

23.1K 345 3
                                    

ERIK'S POV

"Oh paano ba yan tayo muna yung partner."Pagbibiro ni tito Samuel sakin.Kami sana ni Cassie ang magdadala ng wedding invitation sa school principal kasi si tita Cora don.Kami nalang daw ng papa nya kasi naka schedule sya na sukatan muli ng wedding gown.May pinabago kasi sya sa design.

"Oo nga tito eh."Sagot ko sa kanya.

"Call me papa."Giit nya.Napangiti ako.Hindi kasi ako masanay sa tawag na yun.Nahihiya pa rin ako hanggang ngayon.

"Sige po."Sagot ko nalang.

"Did i mention to you na doon nag aaral si Matthew."Hindi ko alam ang naramdaman ko pero bigla akong natuwa ng malaman ko yun.

"Talaga ho?"Tumango sya.

"Kilala mo na si Cora hindi ba?"

"Oho pinakilala nyo sya sakin."Isa sya sa bisita noong una kong nakita si Maggie.Yun ang una kong naisip agad.Kaibigan ng papa at mama nya si Tita Cora kaya kinuha naming ninang.

Kahit alam ko na nandoon si Matthew hindi ko parin sya nadalaw.Balak nga sana naming puntahan si Matthew kaso kasalukuyan itong may klase at alas kwatro pa raw ang labas.

"Hay hindi pa nga pala ko nag papa car wash."Nakatingin pa rin si tito Samuel sa nadaanan naming car wash center.

"Gusto nyo ho mag pa carwash tayo.?"Alok ko sa kanya.

"Makikipagkita ko sa kumpare ko mamaya eh."Sagot lang nya.

"Ako nalang ho ang mag papalinis."Suhestyon ko sa kanya.Malapad na ngiti ang binigay nya.

"Sure ka hijo?"

"Opo."Matulin kong sagot.

"Oh sige mukha na kasing hindi na naliligo itong sasakyan."Nagtawanan kaming dalawa.

Hinatid ko sya sa bahay at pagkatapos ako nalang ang umalis mag isa.Maraming nililinis na sasakyan pag dating ko.Kaya nag intay muna ko ng ilang minuto bago maisalang yung sasakyan.

"Balikan ko nalang ha."Sabi ko sa lalake.

"Okay sir."Naglakad lakad ako para humanap ng mabibilan ng sigarilyo.Ewan ko ba kung bakit ko nakatihan manigarilyo.Madalang lang kasi ko mag yosi.Kapag naiinip o kaya may malalim na iniisip.Pabalik na sana ko ng may makita kong sports wear store at sakto naman na may lumabas na lalake at may kasamang batang lalake siguro halos pito o walong taon na yung bata may suot sila na magkamukhang customized shirt.Bigla akong natuwa at naalala ko si Matthew.

Namalayan ko nalang na nasa harap na pala ako ng tindahan.

"Sir ano po yun."Bati sakin ng isang babae nasa edad trenta siguro sya pataas.

"Ahh kapag ba umorder ngayon makukuha ko rin."Tanong ko sa kanya.

"Ay hindi po sir usually 3 to 4 days po depende sa order at kung ilan."

Pero minsan may nakukuha din sa pilit at sa galing makipag usap haha.Nakumbinsi ko sya na isingit yung order ko.Tutal simple lang naman yung design na pinagawa ko
May crown at sa ibabaw noon may prince at king naman yung akin.Kinuha ko muna yung sasakyan at saka ako bumalik ng sports wear store.Masayang masaya ko ng makuha ko yun para kong isang bata.Saglit akong napatingin sa oras.Sakto malapit na yung uwian nya isip isip ko.

Nang makarating ulit ako ng skwelahan pinapunta ako ng guard sa waiting area.Halos nasa bente minuto akong naghintay bago ko.makita si Matthew.

"Matthew."Tawag ko sa kanya ng makita ko syang naglalakad sa hallway.Nanlaki yung mata nya ng makita nya ko.Nagulat siguro sya.

"Tito Erik."Patakbo nya akong sinalubong.

"Goodboy ah."

"Syiempre po para matuwa si mommy."Natawa ko at sabay punas ko sa pawis nya.

"Here."Inabot ko kanya yung jacket.Kumislap na naman yung mata nya.

"Wow."mabilis nyang kinuha nya at binisita.

"Same tayo oh."Lalo syang natuwa ng makitang magkamukha kami ng jacket.Sinukat ko pa yung sakin.

Hanggang sa naputol yung usupan namin ng dumating si Maggie.

-

Hindi nya kailangan yun dahil kaya kong ibigay lahat ng bagay at pagmamahal para sa anak ng ako lang!At Hindi nya kailangan yang kalinga mo dahil hindi ka nya kaano ano.

Paulit ulit 'kong binalikan yung mga sinabi nyang yun kanina.At napakasakit para sakin na marinig yun.Muli akong nagsalin ng alak sa baso.Isa lang ang ang pinangarap ko noon ang maging ama ng mga anak mo Maggie.Pero bakit napakadamot satin ng tadhana. Sa tagal kitang hinanap hindi man lang kita nakita.At ngayon kung kailan ikakasal na ko saka naman kita natagpuan.Tinungga ko na yung bote ng alak.

Kahit naubos ko na yung alak ay hindi pa rin ako dalawin ng antok.Kaya bumangon at ako nag tsinelas.Kumuha ko ng ilang pirasong sigarilyo at saka ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Sumandal ako sa gilid ng pasilyo habang hitit buga ako ng sigarilyo.Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon.May bahagi sa puso ko na napakalungkot.

"Hon?"Napalingon ako sa pagtawag ni Cassie na parang bagong gising lang yung boses nya."Bakit gising ka pa?"Sunod na sabi nya.

Patuloy syang lumakad palapit sakin."Hindi ako makatulog."Sagot ko nalang.

"Akala ko ba nag quit ka na dyan."Nakatingin sya sa sigarilyo na ipit ng daliri ko.

"Hindi nga ako makatulog."Lumapit sya para halikan ako sa labi.

"Uurrggghh"!Tanging nasabi nya at napangiwi.Umatras sya ng bahagya at hindi na tinuloy yung pag halik.Mabaho daw kasi kapag naghahalo yung amoy ng alak at sigarilyo."Alcohol then cigarette huh?"Mapakla syang ngumiti.Alam kong nainis sya.

"Hon."Tawag ko sa kanya ng tumalikod sya at lumakad palayo.Mabilis kong pinatay yung baga ng sigarilyo at itinapon."Hon."Hinabol ko sya papasok sa loob ng bahay.

"What."Masungit na tugon nya.

"Sorry na."Pang aamo ko sa kanya.

"Okay."Sabi lang nya.Tatalikod sana muli sya pero biglaan din ang pag bawi nya."Nabigay nyo ba ni papa kay Tita Cora yung invitation?"

"Oo hon."Ngumiti ako sa kanya.

"Good And goodnight."Humalik sya sakin sa pisngi."Parusa mo yan."Saka nya sinalat yung labi ko ng isang daliri nya.Napangiti lang ako.

Always Been You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon