Sana

8 0 0
                                    

Pasukan na ulit, and here I am staring at his perfection, eeew, yak... ni hindi man nga siya perfect e !

Kasama na naman niya yung tatlo kong kaklase, well, yes maganda sila, matalino at maraming nagkakagusto sa kanila. Nakakainis lang kasi tignan mo naman sila ang saya saya nila hayyyst... sabagay patawa lang talaga si Danny...

Kinabukasan, kasama niya ulit ung 3 girls, at sa kinabukasan ulit, hindi niya ba ko nakikita? Halos wala rin naman kaming pagkakaiba ng tatlong babaeng yun,kakausapin lang niya ko paminsan minsan tapos aalis na siya kaagad.

Sa tatlong yun, may isang babae na nagngangalang Kyla, yun ung pinaka-close sa kanya, naghahabulan pa nga sila eee... tapos palging siya yung kasama niya, katabi niya or what-so-ever...

Valentines day ngayon, nagkaroon pa nga ng food fest yung organization namin kanina eee, basta...

Siyempre di na ako nageexpect na may magbibigay sakin, wala naman kasing nanliligaw sakin or kung ano man.

Si Danny? ayun! kasama na naman niya yung Kyla na yun... nako naman no!

Naiinis na talaga ko,e amdami dami naman kasi diyang iba na pwedeng lapitan ni Kyla tapos si Danny pa, arggh... nakakasira siya ng mood...

Nung natapos na yung food fest, nasa room nalang kami tapos eto ako bored na naiinis, buti pa yung Kyla na yun kasama si Danny ako eto... hayyy...

Hmmmm, oo nga !!!

"Rhea!" tinawag ko yung kaklase ko, pumunta ako sa group nila well, known for, ay basta, baka may magalit kay author.

"Tignan nyo si Kyla oh! wala ba kayong napapansin? arghhh, ang landi nya!" well, ewan ko ba kung bakit ganito ako, nagagalit ako kay Kyla...

"Oo nga no!" sabi naman nung isa

"Grabe, tignan nyo naman ang dami daming pwede niyang lapitan si Danny pa! atsaka tignan nyo kung gano siya kalandi, nakooo, nakakadire" sa ngayon wala na kong ibang maisip kundi yung siraan si Kyla, halos lahat kasi ng kaklase namin gusto siya, well, i mean parang kinagigiliwan siya yung ganun ba? mabait kasi siya.

Habang nagku-kwentuhan kami, may biglang tumawag kay Kyla mula sa kabilang section, tapos nung lumabas na siya grabe, ang ingay, ano bang meron? tapos naririnig ko yung mga pag-"ayiiieee" na malakas...

tapos bumalik na si Rhea tinanong ko naman siya,

"Rhea! anong meron dun?"

"Aaaa, si Kyla binigyan ni Carlo ng kung ano anong cheverness..." anyways, oo nga pala, may ka-MU na si Kyla, oo ka-MU palang, bawal pa kasi siyang magkaroon ng boyfriend habang di pa siya 18 ewan ko ba kung bakit ganun!

Nung natapos na yung kaganapan sa loob hindi ko napigilan yung sarili ko...

"Happy all-saints day" hindi ko naman sinabi sa kanya ng diretso, ewan ko ba basta nasabi ko lang yun.

"Merry Christmas"

"Happy new year!" pakikicooperate naman ng iba, tinignan ko si Kyla, medyo parang nawala yung ngiti niya kanina nung pumasok siya, kasalan ko yun ee, pero hindi dapat lang sa kanya yun dahil lagi naman niyang nilalandi si Danny.

Ayan nanaman at kasama na naman niya si Danny, kaya naman pumunta ulit ako kena rhea at siniraan ko ulit si Kyla.

Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito, kasi close ko naman si Kyla tsaka wala pa naman siyang ginagawang masama sakin.

Pero isa lang yung sa tingin ko nararamdaman ko....

Selos...

Stupid JealousyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon