Yes!!!

8 0 0
                                    

"Ano kayang susuotin ko?

long sleeve nalang ulit?

arrrr, ede yun nanaman? hmmm, T-shirt nalang kaya? ayt wag, pangit hindi pormal tingnan..."

Kinakausap ko yung sarili ko na bwiset na bwiset kasi hindi ko alam yung susuotin, halerrrr? 10:30 na , 30 minutes nalang.

Sakto at pumasok si ate (oo, may ate ako ewan ko ba kay author at ngayon niya lang nilabas tong ate ko sa story)

Fashionista ate ko, sooobra , pero I admit mas maganda ako, sexy lang siya, yah ima' chubby one. hahahahahaha...

Lumapit na lang siya sakin ng hindi nagsasalita at kinalkal yung closet ko at yun! inabot niya sakin yung blouse yung medyo malinaw? pero may doble sa loob tsaka skinny jeans, and simpleng doll shoes lang

"Formal lang ba?" sabi ng ate ko

"Yepp! salamat ate"

"Hmmm, how about, aayusan kita mula anit hanggang talampakan" nuxxx, bait talaga ng ate kong to basta tungkol sa pagaayos.

"A, o sige ate, basta ba naman ikaw ang magaayos e" haha, ututs

"Haha, just trust girl, gaganda ka lalo"

At ayun inayusan ako ni ate, well, hindi naman sa magarbong ewan, simple lang din, nilagyan niya ko ng konting blush on, pero hindi makapal, as in light lang yung pagkakalagay, yun lang naman saka niya ko nilagyan ng colorless lip gloss at inayos niya rin yung mga simpleng burloloy chuchu.

Pagkatapos nun, agad agad nakong pumunta, nuxx 10 minutes nalang kaya!

Pagkarating ko dun, hinanap ko sila, actually hindi ko sila makita kaya tinawagan ko si kyla.

"Kyla, andito nako"

"Oy, guyz! andito na daw si mari tara dali!" narinig kong parang kinausap muna ni kyla yung mga kasama namin "Sige sige, mari, puntahan ka na namin may binili lang kami, snacks lang, sige mari, papunta na"

Call ended.

Mga 3 minutes lang andito na agad sila kyla kasama sina Maeyanne, anne, saka yung iba pang circle of friends namin, wala si Danny, nu bayen, tskkk.

"Si Danny ba?" wow huh?? mind reader talaga tong kyla na to "Sabi niya pupunta siya eee, pero hanggang ngayon wala pa siya"

"Hehe, kyla talaga ayos lang yun! parang namang siya lang yung pinuntahan ko dito"

-*-*-*-*-

Halos patapos na yung palabas na pinanood namin, oo, inaamin ko hinihintay ko si Danny , nuxx, para namang kami.

So ayun hanggang nung tapos na yung palabas wala talaga, siguro nga hindi na siya makakarating.

Nasa restroom kami nila kyla, tapos nagtanong si anne,

"Guyz, san tayo kakaen?"

"KFC!!!" sabi ni maeyanne

"Yeah, sa KFC nalang, para lahat sang-ayon" well, KFC kasi yung lagi naming kinakainan, actually parang yun na ata yung naging ritual namin, well, oo kasi naging kasama ko rin sila noon.

Paglabas namin ng restroom may biglang tumawag sa cellphone ko, unknown number siya actually, sinabi ko kena kyla pero pinilit lang nila akong sagutin baka daw kasi importante yung tawag.

"Aaa, hello po?" ako na nagsimula

"Hello po??" sabi ko ulit, walang sumasagot e.

Ibababa ko na sana kaso biglang sumagot yung caller.

"Mari, si Danny to, asan kayo?" pagkarinig ko nun biglang tumibok ng malakas yung pintig ng puso ko, ewan ko ba! kinilig lang ata talaga ako.

"Uhmmm, puntahan mo nalang kami sa KFC papunta na rin naman kami dun e."

"Ah, okay, Mari, pakausap kay Kyla dali!"

Binigay ko naman kay kyla, ewan ko ba pero hindi nako nagseselos or naiinis na ewan, alam ko na kasi yung mga behind the scenes eee.

Binalik na sakin ni kyla yung cellphone ko. nuxx, dapat pala pinakinggan ko yung convo nila.

Nung pababa kami, ewan ko kasi sobrang naeexcite ako, haha sino ba naman kasing manhid lang yung pakiramdam kapag alam nilang makikita nila yung crush nila diba?

Wala pa si Danny sa KFC, siguro nauna kami, malamang naeexcite pa rin ako.

Nakahanap na kami ng pwesto, sa may bandang dulo kami nakahanap, saka sakto lang yung upuan samin.

Nakapag-order na sila't lahat lahat pero wala pa rin si Danny, hayyy, baka hindi siguro natuloy or may emergency lang na pinuntahan. siguro yun yung pinagusapan nila kyla kanina sa phone.

Kumakain na kami ngayon , nuxx nawawalan ako ng gana na ewan, baka mangayayat ako, hayst.

"Mari" may biglang nagsalita pero hindi ko alam kung sino, hindi pamilyar yung boses e, saka nakatalikod ako sa nagsalita.

Pagharap ko natambad sa harap ko yung nakaluhod na Danny at may hawak pang bulaklak, well, bouquet siya actually, malamang siyempre nabigla ako at the same time, natuwa, kinilig, at halos parang gusto kong mangayayat xD joke lang yung mangayayat.

"M-mari, can you be my girlfriend?" pagkasabi niya dun, magkahalong emotion yung naramdaman ko, pero lahat yun magandang emotion.

Naramdaman ko yung pag-init ng mukha ko, siguro pulang pula nako ngayon, tumingin ako sa likod at lahat naman sila hanggang tenga yung ngiti, hayyy buti nalang at tahimik lang sila, pero lahat sila parang gulat din, except for kyla alam niya to, eto yung pinagusapan nila kanina, arghhhh...

Bakit kaylangan biglaan?

Tsaka, girlfriend agad?

"Ummm, ayaw mo kong ligawan Danny?" nakangiti ko namang saad, na may pagkahalatang, kinikilig-kilig

"Liligawan naman kita e, pero kapag sinagot mo na ko"

"Huh? wait di ko gets"

"Kapag sinagot mo ako ngayon, araw araw na kitang liligawan kahut kasal na tayo" *u*

"Oo Danny, girlfriend mo na ako" medyo nahihiya pa ako, pero ewan ko ba, walanghiya ako ngayon

"Yesss!!!" napalakas naman ng konti yung sigaw ni Danny, dahilan para tumingin lahat ng tao, hindi kasi nila napansin kanina kasi tahimik naman kami saka nasa sulok kami. pero ngayon pati mga crew pinagtitingnan kami, lahat sila nakangiti, anbayannn.

"Hoy, Danny, sige na makakatayo ka na diyan, nakakahiya na oh?" tumingin naman si Danny sa likuran niya kaya tumayo naman siya, pwro bigla ba namang magsalita ang engot!

"Pinagmamalaki ko nga po pala, Girlfriend ko na po etong nakaupong magandang babaeng nakikita niyo, opo sinagot niya na ako, at magiging isang malaking palatandaan tong lugar na to sakin, sana po wag niyo po hayaang masunog" nagsitawanan naman sila pagkatapos niyang sabihin ying sunog thingy, nuxxx, pati matatanda kanina nakiki 'Ayieee' sa mga bata haha xD pero, sana alam din nila kung gaano ako kaswerte sa lalaking to kahit walang hiya.

Stupid JealousyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon