9 0 0
                                    

"Ang aga namang simangot niyan?" sabi ni mama sakin, ewan feeling ko I lost something, something special.

Hindi ako umiimik, ewan ko ba kung bakit ganito nalang ako ka-affected.

Last day nalang namin ngayon, wala nang klase pero pinili kong pumasok, ewan ko nga e, kasi mas wala rin namang gagawin sa bahay, saka kailangan ko ring maggood-bye kena rhea.

Pagdating sa school, feeling ko ang bibigat ng bawat paghakbang ko, pero ganun nga siguro kapag depress.

Andito na si Danny saka yung dalawang kasama pa ni kyla, kapag ganito kasi karaniwan makikita kong magkasama't nagkukulitan yung dalawa.

Ang lungkot sa room, ang tahimik, wala na kasi yung tawa nila kyla at Danny.

Dumating si kyla, late siya, wala naman kasing klase saka last day nalang ngayon. Kitang-kita sa mukha niya yung lungkot na nararamdaman niya, at dahil dun lalo rin akong nalulungkot. Makikita rin yung mga namumugto niyang mata na pilit niyang tinatago, na siya namang tumutulak sakin na sisihin yung sarili ko. Sobrang tahimik niya, wala na yung dating boses niya na nakakapangsigla ng classroom, maski yung dalawa niyang kaybigan di niya makausap, nakasubsob lang yung ulo niya sa table niya, gusto ko nga siyang lapitan kaso wala e, pinangungunahan ako ng kaba.

Nagpunta sa tabi ko si Danny, pero hindi ko nararamdaman yung saya at kilig. Ewan ko nga e :( ang lakas ng impact sakin ni kyla.

"Mari, alam mo naman diba? Alam mo naman yung nararamdaman ko para sayo? sabi nila crush mo daw ako, pero hindi ako naniniwala kasi, yun nga sa pangit kong to? tapos yung mga tipo mo yung maputi at slim kagaya ni charles, pero magkakaroon ba ko ng chance sayo?" Hindi ako makapag-salita a sa ngayon, gusto ko siyang sagutin ng 'crush din kita Danny' pero hindi ko masabi kasi naiisip ko parin yung ginawa ko kay kyla "Hmmm,alam ko namang wala e, sige mari pasensya kana ha?" nang akmang aalis na sana si Danny bigla akong nagising sa sobrang pagiisip ko.

"Danny, b-bakit hindi mo kasama si k-Kyla? b-Bhestie mo siya d-Diba?" nauutal-utal kong tanong.

"Aaa, yun ba? ewan ko rin nga e, bigla na lang niya akong pinaalis kahapon sa tabi niya nung natanggap niya yung mga papel sa open forum" nakita ko nga kahapon, "Tapos bigla na lang niya akong sinungitan sa chat kagabi sabi niya ni minsan hindi daw niya ko naturing na kaybigan, libre lang daw yung habol niya sakin" pagkasabi niya nun, sobrang naiinis ako, pero sa sarli ko na. Hindi nako nag-dalawang isip na sabihin na.

"Uhmm, Danny? hindi naman talaga yun e, sa totoo lang, uhmmm, sinulatan ko kasi ng pangit na mga pananalita" Awwwe, di ko masabi

"Ah eh? bakit naman inaway ka ba niya?"

"Danny nagselos kasi ako", bigla nalang lumabas sa bibig ko yun na medyo nabigla at kinabahan rin, kitang kita ko rin na nabigla rin si Danny sa sinabi ko.

"So, it means--" inunahan ko siya sa pagsabi nun kasi medyo awkward

"Oo" Hindi ako makatingin sa kanya that time, siya naman hindi makapag-salita

At makalipas ang tatlong minuto, kumibo rin siya at pinutol ang katahimikan.

"M-Mari, b-bakit ka pala nagselos? e, kaybigan ko lang naman si kyla, hmmm, sabihin na nating, matalik na kaybigan"

"Akala ko kasi may gusto siya sayo tapos ikaw rin gusto mo siya, kaya ayun"

"Pero ngayon lumabas naman na yung katotohanan diba?"

"Oo, Danny malinaw na sakin lahat"

Stupid JealousyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon