The Real Thing

11 0 0
                                    

Binigay na namin yung mga papers, grabe this feeling, ang saya ko ! super

Hmmm, nagbigay din naman pala ang impaktang yun, at grabe ang dami! halos lahat ata kami binigyan niya.

Wala namang pangalan yung mga papers kaya okay lang, I never worry kung sugurin man niya ko or parinigan whatever.

"Mari!" sabi ng Ms. President namin, aba? ang sama ko naman ata? Ako pa talaga yung nauna huh? kinuha ko na yung letter, pagkabukas ko, bigla akong nalungkot na parang naiiyak ako sa nakita ko,

Mari,

yieeee ! Haha xD akala mo naman susulatan kita ng masakit na pranka? hindi noh! ambait mo kaya! alam ko crush mo si bhestie, uhmmm, Kilala mo ba? si Danny!!! yeah bhestie haha xD ang bading nga daw sabi ni Danny, alam ko na crush mo sya yieee ! ^^ at alam mo siya yung nagpasulat neto i mean sabi niya isulat ko to eto yun ow "Mari, crush kita, sorry ang torpe ko at ngayon ko lang sinabi, grabe pati pag-amin ko nagpatulay pa ko pasensya na ah, c kyla lang kasi yung mapapagkatiwalaan ko pagdating dito, i super like you Mari"

-kilala mo ako xD

Pagkatapos kong mabasa yung letter na yun naramdaman kong unti-unting may tumutulong luha sa mga pisngi ko, kahit alam kong hindi yung masakit na pranka or whatever... at alam ko ring galing kay kyla yun simula palang ng letra na nakasulat.

Buti nalang at nasa sulok ako at walang nakakita sa kin na lumuha, pinunasan ko yung pisngi ko at hinanap si kyla, sa pagkakaalam ko kasama niya kanina si Danny, pero nung may natanggap siyang letter, binasa niya yun tapos pinaalis niya si Danny sa tabi niya, umalis si Danny na nagtataka na parang malungkot,

At alam ko namang sulat ko yun.

Nakikita ko si kyla na nakayuko, alam kong umiiyak siya, humikbi kasi siya pero walang tunog at dahan dahan lang.

Biglang nawala yung galit ko sakanya, napalitan kasi yun ng awa.

Nasa c.r. ako ngayon, magisa lang, nakakainis nga at nagbakasyon na pala si Audrey, wala naman na kasing klase. Ngayon kausap ko lang yung sarili ko,

Ewan ko ba, naiisip ko kasi yung mga ginawa kong masama kay kyla, lahat yun, feeling ko bumalik lahat sa akin, bumalik sakin kahit hindi niya yun pinalitan ng masakit din.

Masyado akong naging selosa, kahit hindi naman naging kami ni Danny, masyado akong naging hangal, ewan ko ba! nagsisisi ako kung bakit ko pa siya siniraan sa iba samantalang mali naman yung mga pinagsasabi ko, nakakaasar kasi ang tanga ko para paniwalaan kaagad yung mga hinala ko, ang sakit ! mas masakit pa to kesa dun sa naramdaman ko nung nalaman kong engage na si charles.

-*-*-*-

11:49 na ng gabi pero eto at patuloy pa rin akong binabagabag ng konsensya ko, kasi pano pa kaya si kyla?? e, ang dami pang nagbigay sakanya tapos puro negative comments yung andun, hayyyy, gusto ko tuloy siyang puntahan tapos humingi ng sorry.

Naglog-in nalang ako sa facebook sa sobrang depress.

May dalawang nagmessage sakin.

si Danny, at si Kyla

Inuna ko yung kay Danny dahil nahihiya ako kay kyla saka baka ayun away awayin nya ko o kaya pagmumura-murahin.

-Mari, nabasa mo ba?- (Danny)

-Mari?-(Danny)

Alam kong naseen ko yun pero hindi ko na muna siya nireplyan, hindi na rin naman siya online.

Binuksan ko yung message ni kyla kahit nahihiya ako sa sarili ko.

-Mari, sorry ha? hindi ko naman kasi akalain na masyado na akong malapit kay Danny, pasensya na rin kung akala ko matutulungan ko siya, pero hindi pala, pasensya na talaga, pero gusto ko lang sanang linawin na hindi ko gusto si Danny, hanggang kaibigan lang talaga yung maituturing ko sakanya, pasensya na ulit.- (Kyla)

Grabe, kahit iniba ko na yung sulat ko nakilala niya pa rin ako, true friend talaga,hindi ko na lang nireplyan si kyla, ayoko kasing magmukhang ewan lang, e pano ba naman kasi bakit ang bait niya? bakit hindi man lang siya nagalit or nagmura-mura? bakit siya pa yung nagpapasorry?

Nag-online naman ako sa twitter, tapos tumambad ang iba't ibang tweet na galing sa mga lagi kong kakwentuhan,

-Pinagsisihan ko na-

-Sorry Kyly-

-Truth hurts pero alam kong its not the truth-

-bakit ko pa sinabi sakanya yuuun!-

-Feeling ko kulang ang sorry-

At madami pang ibang tweet na alam ko namang tungkol sa sinulat nila kay kyla. Finally dinalaw din ako ng antok ko, naglog-out nako sa lahat ng accounts ko.

Nagsisisi talaga ako, sobrang nagsisisi talaga ako.

Stupid JealousyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon