Tears of...

18 1 2
                                    

3:00 na ng hapon, andito lang ako sa room at pinagiisipan kung uuwi na ba ako o magso-sorry na kay kyla, si Danny umuwi na, sina rhea din umuwi na, buti nga sila nakapag-sorry na kay kyla e, sabagay madali nalang sakanila yun, e syempre pano ako lang naman talaga yung may kasalanan kung bakit nasira sa kanila yung image ni kyla.

Uuwi nalang ako, wala rin naman akong mapapala kasi alam ko namang di ko makakayang lapitan si kyla.

Kinuha ko na yung bag ko tapos naglakad papuntang pinto at binuksan ito, at lumabas.

Habang naglalakad ako, parang gusto kong bumalik para makapag-sabi man lang ng sorry kay kyla, pero yung paa ko pilit na naglalakad papuntang gate.

Malapit nako sa gate pero pilit pa rin na bumabagabag sa isip ko yung ginawa ko kay kyla, yung ginawa kong ikinasira ng taong kahit kelan hindi ako nagawang pagtangkaan ng mali, yung taong walang ibang tingin sakin kundi isang matalik na kaybigan.

Eto at nasa harap nako ng gate, oero hindi ko alam, napahinto ako, may tumulong luha, wala namang gaanong tao kasi eto na yung last day namin, tinignan ko yung school at ngumiti. Alam ko magkikita pa naman kami ng school na to next school year, pero ngayong taon lang kasi ako nakagawa ng mali na ganito, pilit na bumabagabag sakin.

Humakbang nako sa isa kong paa ng biglang may humawak sa likod ko at nagsalita siya.

"Holdap to" bigla akong kinabahan pero pag-harap ko bigla nalang bumangad sakin ang malawak niyang ngiti at sinabing "Joke lang, hehe, nabigla ka naman! Buti nalang at may pera ako ngayon kung hindi baka natuluyan akong mangholdap talaga. joke. hehe, anyways, gift ko pala" si kyla to, nahihiya nga ko kasi napaka-bait niyang nilalang, namumugto pa rin yung mga malamlam niyang mata pero nagagawa pa rin niya akong ngitian sa kabila ng nagawa ko sakanya, bakit ba kasi ang bait niya.

"P-para saan?" nahihiya ako syempre, ikaw ba naman yung nasa gantong sitwasyon?

"Uhmm, sa birthday mo dapat e, sorry hah? sobrang late!" bakit ang baet niyaaa

Bigla nalang akong napayakap sa kanya at napaluha

"S-sorry kyla! sorry talaga" habang sinasabi ko yun, feeling ko baka nabasa ko na siya ng sobra.

Inalis niya yung pagkakayakap sakin tapos hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko.

"Mari, wala na yun! Hayaan nalang natin! alam ko namang nag-akala ka lang talaga ng sobra diba?"

Hindi ako nakasagot kasi nahihiya talaga ako dahil ang bait niya. Binigyan ko lang siya ng ngiti.

"O, pano ba yan Mari? magga-gabi na oh? tara na uwi na tayo

Tumango nalang ako at nagpasalamat sa gift, sabay kaming naglakad papunta sa paradahan ng tricycle.

Habang naglalakad kami, medyo nagiging magaan na yung loob ko kasi tanggap na niya yung sorry ko, ang bait nga e, hindi man lang ako nahirapan.

Nung nasa paradahan na kami, ako yung sumakay sa unang tric., di pa siya sumasakay, tapos nung umandar na yung tricycle na sinasakyan ko, kinawayan niya ako, at kinawayan ko rin siya, sumakay na nun siya sa susunod na tricycle dun.

Nang makauwi nako, dumeretso agad ako sa kwarto ko at hindi ko alam kung paano ako magdidiwang dahil nakawala nako sa sumpang binigay ng ginawa kong kasalanan.

Binuksan ko yung gift na binigay ni kyla, hindi siya ganun kagarbo at hindi rin ganun ka-no sense.

In fact, sobrang na-touch ako sa laman nun.

Isang frame kasi yun na may picture namin yun noong 1st year kami, saka poem, at alam kong ginawa niya ito, kilala ko si kyla, alam kong kapag ganitong poem, ayaw niya ng hindi siya yung may gawa kasi parang hindi naman daw siya yung nagbigay, tungkol yung poem sakin, dinescribe niya ko at yung pinagsamahan namin.

May nakasulat din sa likod ng guft wrapper, buti nga at inayos ko yung pagkalas sa mga tape.

Mari,

   Salamat sa lahat ng binigay mong time sakin kapag naghahanap ako ng kausap, salamat din kasi hindi ka naging makasarili, alam kong although naging mali yung pananaw mo sakin, alam ko rin kung ano yung nagtulak sayo para sabihin mo yun, pero Mari kahit kelan hindi magagawang pagisipan ka ng mali, salamat din at siguro napatawad mo na ko sa ginawa ko na nakapagpalungkot sayo, salamat talaga.

    -kyla.

p.s. sorry late to

Nung binasa ko yun masaya ako kasi dama ko talaga yung pagpapatawad niya, sobrang dama ko yun.

Pero napaluha rin ako habang binabasa yun, pero ngayon hindi na tears if sorrow, alam kong luha to na sobrang nakapagpasaya sakin.

----*----*----*----

Waaaaa! xD jk... may reader nako!!! xD alam ko kahit konti lang yung bilang niyo sobrang napasaya niyo ko hehe, oa ba? sorry, masaya lang po talaga ako :D salamat po sa support ;) hugs and kisses

Stupid JealousyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon