Angela (2) Labo mata!
~BLAAAG!
ARAY KO! PAKSHET! Sino ba tong ungas na to at di tinitignan ang dinadaanan!
"Ano ba! Bulag ka ba ha?! Di mo ba ako nakita?!" bulyaw ko sa nakabangga sa akin.
"Miss sorry, my eyes are not blind, malabo lang, sorry di ko kasi nadala salamin ko. Pasensya na." malumanay niyang sagot.
"So kasalanan ko pa?! Kasalanan ko pang malabo mata mo?! Kasalanan ko pang nakalimutan mo salamin mo?! Pfft! Ewan ko sayo! Labo mata!" tumayo na ako at pumunta sa kaotse pero narinig ko ang mga bulungan ng tao. Di ko nalang pinansin!
Shete! Badtrip talaga tong araw nato! Tsk!
"Manong tara na pong umuwi!" sabi ko kay kuyang driver tsaka niya pinaandar at umuwi na kami.
Di ko naman namanlayan na nakatulala na pala ako sa bintana habang bumabyahe.
"Ma'am ayos lang po ba kayo?" tanong ni manong driver. Tsismoso ang Peg ni kuya!
"Oho." mahinahong sagot ko.
*sigh* hayy, ngayon ko unti unti naiinternalize ang pagkabadtrip ko.
Habang nakatanaw naman ako sa malayo at iniinternalize ang pagkabadtrip ko, nadaanan namin yung poster na may..
'Eat All you Can only 200 pesos only
Located at ***** St., ***** City'
Tapos parang bigla akong nagutom. Naisip ko na ikakain ko nalang ang badtrip ko.
Inutusan ko na si manong na pumunta kung saan nakalocate ang place.
"Ma'am andito na po tayo. Iintayin ko nalang po kayo dito sa labas" sabi ni manong.
"Ah manong pwede po bang.. Ano samahan niyo po ako sa loob?" mahinahon kong pagaya ko kay manong. Paano ba naman, baka sa sobrang dami ng kunin ko sabihan ako ng PG! Mahirap na.. masisira ang Image.
"Ahmm sigurado po ba kayo ma'am" paninigurado ni kuya.
"Oho, tara na ho." matapos na sabihin ko yun ay agad na akong lumabas at sumunod naman si manong.
"Good Afternoon po Ma'am, welcome po sa ****** Restaurant" bati nung receptionist.
Nagtuloytuloy lang ako sa pagpasok at humanap na agad ng upuan, hindi naman ako nahirapan dahil meron akong nakita sa dulo na pang apatan na tao at nagdiretso don.
"Manong, kumuha na po kayo ng pagkain niyo." utos ko kay manong na kanina pa tahimik.
"Ah eh ma'am.. Wala po kasi akong pera kaya sasamahan ko lang po kayo." sabi ni manong. Kaya naman pala kanina pa siya tahimik.
"Manong basta po kumuha na kayo, ako po bahala sa babayaran" sabi ko kay manong.
"Ma'am nakakahiya naman po." si manong naman, nahiya pa.
"Wag na ho kayong mahiya basta ho kumain kayo, tara na ho dun sa buffet" tumayo na ako at nagsimulang lumapit sa buffet.
Andaming masasarap at halos paborito ko lahat.
Kaya naman kinuha ko isa isa yung gusto ko.
Nakaapat na plato naman agad ako. Hindi naman sa PG ako ah. Pero istress lang talaga, kaya ganto karami.
Actually pinagtitinginan na nga ako eh. Pero why bother di ba?
It's my business not them tsaka magbabayad naman ako.
"Hmm.. Ma'am dahan dahan lang po kayo." sabi ni manong sabay abot ng basong puno ng tubig.
Nginitian ko na lang si manong dahil ayoko ng istorbo at nagsasalita pagkumakain ako.
Parang nagets naman ni manong kaya naman kumain na lang din siya.
Pagkatapos naman namin kumain nagbayad na kami at umuwi. Nakakapagod din kasi tong araw nato. Bumaba na ako at pumasok na sa mansion namin.
"Ma'am salamat po sa pagbayad niyo ng kinain ko kanina" pahabol ni kuya.
"Wala po yun." umalis na ako at nagtungo sa aking kwarto. Aminado naman akong Rude ako. Pero not all the time. Tsaka paglang sa mga taong nakakaalibadbad yung mga pagmumuhka ako madalas masungit. At ayoko sa mga taong makulit at mapilit. Ayokong nalalamangan ako. Pwera nalang sa mga kapatid ko.
Nagpalit na ako ng damit at nahiga sa kama ko. Nakakapagod talaga! Tapos badtrip pa yung malabo ang matang lalaki kanina! Nadapa tuloy ako sa harap ng madaming tao! Buwisit talaga!
Pero nasabi ko ba sainyong gwapo yun? Oo gwapo, kaso tanga! Kaya hindi siya qualified sa taste ko. I hate stupid people!
*tok tok tok*
"Ate Chloe, kakain na daw tayo." sabi nung kapatid ko na si Angeline sa labas ng pinto.
"Sige, busog pa ako." matipid kong sagot tsaka inakap yung unan na katabi ko.
"Okay. Goodnight" mahina niyang sagot at tsaka umalis na para kumain.
Ako naman ewan ko kung napapano ako. Feeling ko kasi hindi mawala wala yung badtrip ko sa paghahandla ng Kompanyang pinapahandle sa akin ni Daddy, idagdag mo pa yung company savior ko. Hindi ko kasi alam kung saan ko hahagilapin yun! Tapos isiksik mo na din yung si Labo mata! Tsk! Nakakairita! Peste talaga! Si author naman kasi eh! Puro kabadtripan binibigay sa akin!
(a/n: Che! Arte mo matss. Buti nga nasama ka pa sa storyang ito eh)
Malamang author! Magiging 'Four RUDE Angels' ba kung tatanggalin mo ako? Tsk!
(a/n: hayy ewan ko sayo! Matulog ka nalang! Goodnight bye!)
Tsk!Okie Payn!
Makatulog na nga. Bumiling na ako at natulog.
ZzzzzzzzZzzzzZzzzzzZzzzzz.
------
A/N: hello po. Nakapagupdate na ulit. Hehe. Please vote and comment po. :)
And please share so thay can read it too. Thanks so meni meni :)
and @TheGirlInLove: ayan nakapagupdate na po ako hehe :)
