Angela (4) Company Savior
Dennis POV
*BOG!
"What the! Dell!, Bakit ba agad agad kang nagpreno diyan! Hanep ka! Muntik na kaming maglaplapan nung front mirror mo!" hanep namang driver to eh! Papatayin ata ako! Kakalapag ko lang dito eh!
"Sorry naman pare, may magandang chikababes kasing dumaan eh" sabi niya sabay smirk and wink.
"Nang dahil dyan sa chicken poxes na yan mamatay ako?! Grabe ka din eh noh!" kabadtrip naman to.
"Oo na sorry na! Arte! May ments ka ba pare ha? Ang HB mo eh!" umandar na ulit kami papunta sa hotel na tutuluyan ko.
"Ulol! Ments ka diyan! Tsaka anong HB?" kung ano- anong salita ang napupulot ng kumag na to ah. HB? Ano yun? Tss.
"Pare! Di mo alam yun?! Kahit ata sa ibang bansa alam yun!" pagamamayabang niya saka halagpak sa tawa.
"Tanga ka ba?! Magtatanong ba ako pare kung alam ko?!" naman eh! Eto nanaman ang pagiging isip ipis niya!
"Chill pare, chill! Eto ang HB talaga. HB means 'High Blood' pare." cool niyang sabi tsaka tumawa na naman.
Ah yun lang pala yun eh! Naman! Sabagay ang slow ko nga. Haha
"Sensya naman daw! Slow eh! Tss" inirapan ko siya at saka kinalikot yung sasakyan niya.
"Seriously pare? Umiirap ka na ngayon? So gay!" at hugalpak na naman sa tawa si loko.
"Hoy! Tama na nga! Magfocus ka na sa pagdridrive mo."
Nakakita na ako ng pwedeng kalkalin.
Isang album. Na puro sulat ang nakalagay.
"Seriously pare? Ikaw ata ang bakla eh!" and now it's my time to laugh. Hahahahaha.
"Sh*t! Pare wag mo ngang pakialaman yan!",sabay hablot sa album.
Sabagay, wala naman akong mabasa pwera sa malaking nakasalut na 'Almira'. Hayy sino kaya yun?
"Pare sino si Almira?" seryoso kong tanong sakanya.
"Wala pare, nevermind. Anyway we're here." tumingin ako sa labas at oo nga. Andito na kami.
"Sige pare. Text nalang kita. Bye" paalam ko at saka dumiretso na sa hotel.
Sa wakas! I'm finally back!
-------
Angela's POV
Naalimpungatan ako ng mag-alarm yung cellphone ko sa may ulunan.
"*yawn* hayy.." nag-inat na ako at tsaka tumayo.
Naligo na ako tsaka nag-ayos.
"Ate! Kakain na tayo." sigaw ni Angeline sa labas.
"Okay. Sunod na ako." sambit ko at saka siya umalis. Paano ko nalaman na umalis na siya? Siyampre narinig ko! Alangan namang sabihin ko yun kung pumasok siya dito di ba! Tsk!
Baba na ako at umupo sa dining.
"Ate kamusta yung company?" tanong ni Angeline. Siya lang naman lagi kumakausap at laging nangangamusta sa company. Yung pang dalawa kong kapatid walang paki! Kasi they have their own businesses.
"Ok naman Line (short for Angeline). Ikaw? How's school?" tanong ko sakanya pagkatapos uminom. Siyempre! Alangan naman tanungin ko siya habang umiinom!
"Ok lang din." sagot niya at wala ng nagsalita.
Tumayo na ako at pumunta sa garage para umalis. Di ako magpapadrive ngayon dahil feel ko magdrive ngayon.