Angela (6) What is this?
*BLAAAAG!*
O_______O
"Ahy m-ma'am s-sorry po, akala ko po wala na pong tao. Gabi na po kasi eh, ma'am wag niyo po sana akong tanggalin sa trabaho, ako lang po inaasahan sa pamilya namin.."sabi ni manong janitor. Nagulat ako dun! Pero tama naman si manong. Gabi na nga. Eto kasing kumag na to eh! Ang daming daldal! Kaya di ko namalayan ang oras. Luh! Nagdrama si manong.
"Ah ok lang kuya. Pauwi na din naman kami." sabi ko at inayos ko na ang gamit ko, napansin ko naman yung Dennis ata sabi niya kanina. Hindi siya gumagalaw, I mean mukhang walang balak umalis sa opisina ko. Aba! Gusto atang dito tumira.
"Hoy! Wala kang balak umalis dito?" tanong ko sakanya. Palabas na nga ako eh, samantalang siya tinitignan lang ako palabas. Mukhang wala talagang balak umalis tong gunggong na to. Tsk! -___- Wala ba siyang tinutuluyan dito sa Pilipinas? Eh ang yaman niyan, highest paid Business man nga diba? Tapos walang pangcheck-in sa hotel? How poor.
"Wala." maikli niyang sagot. Wala talaga? Grabi! Di ako makapaniwala na-- "Hangga't di mo sinasabi sa akin ang buong pangalan mo." dugtong niya. So yun ang dahilan? Eh kung wag ko kayang sabihin at iwan siya dito? Tss!
"Eh bakit ba ang kulit kulit kulit kulit kulit mo ha?!" naiirita na ako! Bakit ang kulit niya? May kayamanan ba sa whole name ko ha? At ang kulit.
"Andami naman kulit non! Basta Business matter nga! Ang kulit kulit kulit kulit kulit kulit mo din." sabi niya. Aba mas dinamihan pa yung akin!Tss! Nakakairita talaga to! Kung di lang siya gwapo eh!
W-wait! Did I just said gwapo?! Hell no! Ang ibig kong sabihin kung di ko lang siya kailangan para sa company na to eh! Yun! Yun yung ibig kong sabihin.
"Bahala ka nga diyan! Kung ayaw mo umuwi eh di wag! As if I care!" sabay labas sa opisina. Aalis din naman yan eh! Pakipot lang. Bahala siya diyan, multuhin at ipisin sana siya diyan.
Bumaba na ako at lahat kaso nandoon parin siya. Seryoso ba talga siya? Grabe! Bahala talaga siya diyan.
-
After 1 hour. Inaantay ko parin siyang lumabas. Argghh! Seryoso nga ang loko!
"ANG KULIT DIN NON EH!" sabi ko sa sarili ko at padabog na bumalik sa opisina ko.
"WALA KA TALAGANG BALA--- Huh? Asan na yon?" pagbukas ko ng pinto sumigaw agad ako kaso wala siya don. San nagpunta yon? Wala naman ibang daan dito ah?
![](https://img.wattpad.com/cover/14457301-288-k640426.jpg)