Kabanata 1

49 1 0
                                    

Pabilis nang pabilis ang pintig nang aking puso. Alam kong nakasunod sya sa aking likod at nagbabantang tapusin na ang aking paghinga.



      ******************************





"Goodmorning!!" sambit sakin ni Paul nang may galak. Na nagbigay nang ngiti saking mga labi. Boyfriend ko si Paul. 19 yrs old. Samantalang ako naman Si Fei 17 years old.

Maayos naman ang aming pagsasama. May tiwala sa isa't-isa at talaga namang nag mamahalan.

"Oh, gwapo naman nang baby ko oh." bati ko sakanya, sabay kurot ko sa kanyang magkabilang pisngi sabay halik sa kanyang mapupulang labi.

"Oh bumangon kana at may pasok pa tayo" sagot ni paul na medyo naka ngisi.

Oo nga pala, nag sleep over ako sakanila ngayon kaya naman sabay kami papasok sa school ngayon. Tutal wala naman na ang aking ina at nasa ibang bansa ang aking ama nakakasigurado akong wala nang mag aalala sakin.

8:30 na nang umaga ng makarating kami sa aming eskwelahan. Magkatabi kami nang upuan ni Paul, nasa pinakadulo kami. Sa harap naman namin ay sila Richard At Ricky na Kambal. Sa Bandang kanan naman ay Ang aking dalawang matalik na kaibigan na walang ginawa kundi magkwentuhan at magdaldalan na sina, Alexa at Mia. Si Alexa ay may pulang buhok na nagterno sa kanyang puting kutis kaya naman nangibabaw talaga ang kanyang kagandahan. Si Mia naman ay itim ang buhok, maikli na para bang singhaba nang buhok ni Dora. At morena.

"Goodmorning sis!" Bati sakin nang dalawa na sinagot kona lamang nang matamis na ngiti.

Ang mga nabanggit na pangalan ay ang aking mga kaibigan sa loob at labas nang paaralan. Karamay sa tawanan, iyakan, inuman at iba pang kabalastugan.

Sa katunayan, ipag diriwang namin bukas ang ika 20th birthday nang magkambal, kaya nagdesisyon kami na magusap-usap pag katapos nang aming klase.

"Ringggggggggg!!!!!"

Sign that our class is over. Heto na nga. Nagtipon-tipon nanaman ang mga kampon nang demonya.

"Haller guys!" Wika ni Alexa na may halong tono. Si alexa ang pinaka maarte sa squad namen, oo maarte talaga. 

Sa likod nya nakasunod naman si Mia na may Hawak na libro, at suot-suot ang kanyang mala Harry Potter glass.

Patungo kami ngayon nang school canteen upang doon na pagplanuhan lahat nang gagawin bukas.

"So Fei ano pa hinihintay naten?" Wika ni paul na medyo may pagka lamig, nagseselos si paul sa kambal dahil sobrang lapit kona sakanila.

"Ughmm. Siguro lets wait for Richard and Ricky bago tayo magplano, because sila ang may event diba" Sabay ngiti ko sakanya na nagdahilan upang siya'y yumuko nalamang.

3 Days of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon