The Bloody Night
Paul's POV
Papalapit na si Fei saamin, naka black ito'ng cap pati suot. Hindi ko na mawari ang kanyang itsura. Hindi ko na din makita ang kanyang magandang mukha.
"Fei, nasaan na ang mga caps?" Ta nong ko, ibinigay niya lamang ito at hindi na sumagot.
Handa na ang ang lahat. Pinapila ko sila. Ako sa harap, sa likod ko si Nicole sa likod ni Nicole ay si Richard at si Tracy sa likod ni Richard at si Fei naman ang sa likod ni Tracy.
"Guys ganito, habang naglalakad tayo patakas at makasigurado tayo na kumpleto tayo at walang naiiwan tatapikin ko ang tao sa likod ko at at sasabihin ang aking numero. Catch?" Tinanong ko sila.
"Catch"
one - two - three - four -"FIVE"
Dinig ko sa boses ni fei ang takot at parang naiipit na ito nang kanyang banggitin ang numero.
Naglakad kami nang naglakad, nagbilang ulit kami upang makasigurado na kami ay kumpleto. Kumpleto parin naman kami.
Tracy's POV
Ang bigat nang presensya ni Fei sa likod na para bang gusto akong patayin neto.
Naglalakad parin kami nang narinig ko na ang bilang nang aking nasa harapan.
"Four!" sigaw ko, tinapik ko si Fei na nasa likuran ko ngunit hindi parin niya sinasabi ang number niya.
"Fei, say your number!" I said to her softly.
"Remember your note?" she said. Nagtaka ako dahil bakit tila nag iba ang boses ni Fei, pero pinagpatuloy parin namin ang paglalakad.
"YOU CANT ESCAPE" banggit niya na nagpataas sa aking mga balahibo.
Heto ang nakasulat sa aking papel, ramdam ko ang pag daloy nang kutsilyo sa aking leeg. At ramdam ko din ang pag hatak niya saakin sa dilim at ang pag ragasa nang aking Dugo bago pa ako nawalan nang malay.
Richard's POV
"Tracy ano na, magbibilang paba si Fei?" Tanong ko ng akmang tatapikin ko na sya ay hindi ko na siya naramdaman na nakasunod sa aking likuran.
"GUYS!" I shouted na siya namang kinatigil nila sa paglalakad.
"Nawawala si Fei at si Tracy!" Gulat na banggit ni Nicole.
Paul's POV
Nag kulang kami, ang kaninang lima ay naging tatlo nalang nasaan sila? Nasaan ang aking kasintahan?
BINABASA MO ANG
3 Days of Hell
Mystery / ThrillerIsang nakakakilabot na lugar, Walong mag kakaibigan, tatlong araw na kadiliman. Isang grupo nang magkakaibigan ang nagdesisyon na manirahan sa isang malayong lugar. Ngunit sa kasamaang palad isa isa sa kanila ang nawawalan nang buhay. Sino ang pumat...