Isa na namang karagdagan sa lista ng mga di maipadalang liham...
Para sa "Pinakamamahal" kong Sehun,
Kingina mo bes! Ba't kasi ang gwapo mo? Di tuloy ako makamove-on. Araw-araw ko na lang yatang sinasabi na ayoko na pero di ko naman magawa. Gusto na kitang kalimutan pero grabe.. ang hirap. Daig ko pa ang namangka sa EDSA. Nakakainis ka, alam mo yun? Kasi kahit anong gawin kong hakbang para talikuran ka, bumabalik pa rin ako sayo. Ginayuma mo ba ko?
Mahal na mahal kita kahit di mo alam, pero dahil lahat naman yata yan ang sinasabi sayo malamang alam mo na. Pero iba to bes eh, kasi di katulad ng iba, di ko kayang maging multifandom. Ewan ko ba, ang choosy ko ata. Gwapo naman yung ibang boy groups. Yung Minhyun ba yun? O Minhyuk? Basta yung Wanna One gwapo yun. Pati yung Cha Eun Woo ba? Di ko sure basta yung host sa music show. Pansin kong gwapo sila pero leche talaga, ikaw pa rin gusto ko. So bale ekis na yung kasabihang gusto lang kita dahil sa mukha mo kasi hello, ang dami kaya sa Kpop na gwapo. Kung dun ako bumabase eh di sana lahat bias ko sa EXO. Di rin naman talent habol ko sayo, di rin naman pera kasi meron din naman ako nun, mas marami nga lang yung sayo lol.
Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko kung bakit pero wala akong makuhang sagot. Hindi ako tipo ng taong mahilig maghabol. Kung ayaw mo sakin, wala akong pakialam, pero pagdating sayo, alam mo bang tinakbo ko mula Araneta hanggang Manhattan para lang makakuha ng merch mo? Ayos lang naman saking maghabol eh, pero sana maabutan naman kita. Alam mo bang wala akong boyfriend dahil umaasa pa rin ako sayo (ng slight)?.
Gustong-gusto kong makapunta ng Korea para makita ka pero ayaw pa yata ng tadhana. Picture lang naman gusto ko eh. Saka autograph. Pati hug. Saka kiss na rin. HAHA. Joke lang. Pero seryoso, kelan ba kasi tayo magkikita? Sana malapit na. Ang hirap din kasi maghintay sa wala. Char. Isang picture lang promise kontento na ko. Di ko na papaasahin yung sarili ko.
Hintayin mo ko please. Wag ka na muna mag-girlfriend pleaaaase. Saka na yun please. Di ko pa kaya. Masakit bes. Sya nga pala, nakita ko yung video mo na niyakap mo yung isang fan. Di naman ako nagselos, natuwa pa nga ako eh. Kasi nasa isip ko, kung sya kaya mong yakapin, syempre ako rin mwahaha.
Sa ngayon, pinag-iipunan ko pa ang pagpunta sa Korea. Di ko alam ang mga pwedeng mangyari. Wala rin namang kasiguraduhan na kapag pumunta ako dun ay magtatagpo na landas natin. Saka di ka marunong mag-English, di ako marunong mag-Korean, pano tayo mag-uusap? Pero sige na, ako na mag-aadjust.
Nga pala, replyan mo naman ako sa IG! Kingina neto di man lang ako siniseen. May twitter ka ba? Si Suho lang alam kong meron eh. Pero wag ka na gumawa. Makita mo pa mga kaeng-engan ko dun eh. De joke. Okay lang. Di mo naman maiintindihan hahaha.
Marami pa kong gustong sabihin pero di ko na maalala. Saka na. Sa ibang sulat naman. Behave ka lang muna. Hintayin mo ko please. Promise malapit na. Magpapaganda muna ako ng bongga hahaha.
Iyong-iyo este Sumasaiyo,
Gizelle
PS.
Kung sino man ang makakapagbasa nitong sulat ko, tulungan nyo naman akong ipagdasal na magkita na kami ni Sehun oh. Sige naaaa. Promise may libre kayo sakin pag nangyari. Bibigyan ko kayo ng libreng kopya ng OSHW hahahaha. Pati shipping fee sagot ko na rin <3.
BINABASA MO ANG
Dear Oppa,
РазноеI'm saving this space for all the unspoken words. About a series of letters, For a Kpop idol faraway, Separated by the ocean, But bound to be together someday.