AUTHOR'S NOTE: PLEASE BE NOTIFY THAT THIS STORY WILL HAVE SOME GRAMMATICAL ERRORS AND TYPOS CAUSE I, FOR A FACT, AIN'T PERFECT. BUT I PROMISE THAT I WILL TRY MY BEST TO MINIMIZE IT. THANK YOU AND PLEASE ENJOY.
All Rights Reserved: Plagiarism is stealing, stealing is a form of crime, hence why plagiarism is a crime. It's a crime people, unless y'all don't want to be addressed as criminals and face judgement I suggest y'all follow the rules. Thank you 😘.
****
3nd Person's POV
Madaling araw palang ay abala na ang ina ni Nate at ng kan'yang bunsong kapatid na si Al sa pag hahanda ng mga kinakailangan nila sa unang araw ng klase at ngayon ay nag aayos na siya ng hapag kainan. First time ni Nate pumasok bilang isang kolehiyo at ngayon rin ang pagiging ganap na high schooler ni Al. So 'di na nakapagtataka kung bakit abalang abala si nanay Alona sa pag aasikaso.
"AL, NATE, GISING NA AT BAKA KAYO AY MALATE." sigaw niya mula sa kusina habang nag sasalin ng sinangag na kanin mula sa kawali papunta sa isang plato.
"HOY! GISING NA MGA NAK AT MAY PASOK PA KAYO." sigaw ulit nito ngunit ay wala paring bumaba sa isa man sa mag kapatid.
"Hay nakoo, baka malate yung mga iyon. Mapuntahan na nga." aniya sa kan'yang sarili. Inayos lang niya ang hapag kainan at nag tungo na paakyat sa kwarto ng mag kapatid.
'Di naman gano'n kalaki ang tinitirahan nilang bahay na buwan buwan binabayaran, pero kahit papano ay maespasyo na ito para sa kanilang tatlo.
Paakyat na siya ng hagdanan nang, "Si nanay ke aga aga eh sumisigaw nanaman." sabi ni Al, ang kan'yang bunso sa dalawang mag magkapatid, na naksalubong niya na tumatawa tawa pa habang sinusuklayan ang kan'yang basa basa pang buhok.
"Sige ka nay, baka ay puntahan na naman tayo ng may ari nitong bahay para pag sabihan. Hilig pa naman n'on na maniwala sa mga OA na sumbong ng mga kapit bahay natin" sabi nito at nag taas ng kilay.
"Oh, handa kana pala, at hoy ano kaba? Wag ka nga mag sasalita ng gan'yan. Hay nako, eh si kuya mo? Tulog pa ba?" tanong niya sa dalagita.
"Nay naman, parang 'di na kayo sanay d'on. 'Yon pa! Eh late na rin nga umuwi 'yon kagabi eh." sagot nito habang napapailing.
"Ay 'yang kuya mo talaga oo. Ay eh pano mo rin nga pla nalamang gabi na siya umuwi? Anong oras ka narin ba natulog kagabi? Nako Al ah, sinasabi ko sayo yang kakapanood mo ng mga Lee Min Ho, Lee Min Ho eh tigilan mo na. Tingnan mo nga eye bags mo. Pati eye bags mo may eye bags narin." sermon niya.
"Ma ano ka ba? OA rin neto eh hahaha. K drama is lifeu po kasi. At 'di naman si Lee Min Ho ang pinapanood ko ngayon eh. Nam Joo Hyuk keshe 'yon. 'Cause yah know Weight Lifting Fairy is lifeu kyaaah." pag dedepensa naman nito habang kinikilig kilig pa.
"Achuchu, may pa English ka pa ngayong araw na 'to. Oh sha tumungo kana sa kusina at mag kape na muna, gigisingin ko lang 'yong kuya mo at sabay sabay na tayong mag aalmusal." sabi niya sabay lapit sa dalagita tapos ay yinakap ito at hinalikan sa noo bago nag patuloy sa pag punta sa kwarto ng binata.
***
Pagkaharap niya sa pinto ng kwarto ng binata ay agad siyang kumatok. Ngunit nang walang nag bukas ay 'di na siya nag dalawang isip na pumasok mag isa. Pagpasok niya ay naabutan pa niyang nakahilata ang binata. Napa buntong hininga na lamang siya at napa iling. Lumapit siya sa may bintana upang pag buksan ang kurtina. Bigla naman umikot ikot ang binata sa kan'yang higaan nang maaninagan ng liwanag ng araw. Lumapit ang ina nito at yinugyog na ito upang magising.
"Nate aba, bangon na 'nak at tirik na tirik na ang araw oh. Baka ikaw eh malate sa unang araw ng klase n'yo." aniya habang patuloy parin sa pag yugyog sa kan'yang binata.
BINABASA MO ANG
The more you hate. The more you love
RomanceSimple lang ang buhay ng isang Nate Craige. 'Di naman mayaman 'di rin naman mahirap. Ika nga sabi ng iba eh "'swak" lang. May pamilya siya, may mga kaibigan, at katulad mo at ako ay may mga ups and downs rin siya sa buhay. Mga pag subok na katulad m...