A/N: Hallllooooooohhhh!!! Long time no update! Ahe ahe. Haaaays, I'm so sorry. Ugh I really need to get my priorities straight. Sorry talaga sa super tagal kong pag a-update. Babawi ako so please please please!!! Bear with me. Nag jujumble lang talaga mga scheds ko and mga works. Not to mention "writer's block" is being an A-class bush. Sorry talaga. But for the mean time I hope y'all enjoy this chap.
*
*
*
*
*Nate's POV
Pakatapos ng mga nakakairitang ganap kanina ay agad rin naman kaming bumalik sa klase. Kaunting discussion lang ang ginawa at pinalabas na rin naman kami. Umuwi kami kaninang tanghali at niyaya ko silang dalawa na sa bahay na lang kumain. Halos mapatay nga ako sa yakap ni KK n'ong yayain ko sila eh dahil raw matitikman na ulit niya ang napakasarap na mga putahe ni nanay. Hah! Nanay ko 'yan!
Nang makakain na kami ay nag pahinga lang kami ng saglit at nag lakad na ulit pabalik sa eskwelahan.
Kasalukuyan akong nag kekwento ng tungkol sa nangyari sa'kin sa loob ng office kanina dahil kinukulit na ako ng dalawa, lalo na ni KK. 'Di ko rin kasi sa kanila nakwento dahil sa mga asungot na mga nag silabasan. Tss.
"So bale 'yong magandang babae kanina ay ang inutos sa'yo na i-escort?" Si KK
Tinanguan ko lang siya bilang pag sagot. Ngina badtrip parin ako d'on sa babaeng 'yon. Tss.
"Waaaw pre! Chicks 'yon! Dapat pala ako na lang ang pumunta sa office." Si KK ulit.
"Ngina dre! Sana talaga ikaw na lang! Ang arte n'ong taong 'yon kala mo naman kung sinong maganda." Galit na pag sasaad ko.
"Eh dre maganda naman talaga, at diba kakasabi mo lang na pamangkin siya ng administrator natin? Dagdag mo pa 'yong nakatapos na siya ng medisina eh bigatin nga talaga." Singit ni Xander at tumango naman si KK.
"Tss nasasabi niyo lang 'yan kasi 'di niyo pa siya na nakasalamuha katulad n'ong akin. Lintik na salbahe ng ugali. Tyaka mukhang mas matanda sa'tin 'yon eh. Wala talaga kayong ka taste taste."
"Pero maganda parin kaya kalmahan mo lang dre. At 'di mo ba alam 'yong kasabihang age wasn't the matter? Tsk tsk dre naman." Sabi ni KK sabay akbay sa'kin.
Mali na nga na bading pa.
"Ngina dre nababading ka nanaman! At tsaka woi age doesn't matter 'yon!" Sabay tulak sa kan'ya.
"Whateverrr darleng, fafa magkano ka?!!" Siya habang ginagaya ang pag sasalita ng mga bading. Natawa naman si Xander sa kalokohan namin.
"Haays, pareho kayong bading mga dre." Si Xander habang natatawa parin.
"Suuuuus nag salita ang hindi! Eh sa'ting tatlo ikaw lang naman ang 'di pa nag kaka syota eh. Sinong bading ngayon?" Si KK
"Oo nga dre! Pakshet baka dahil ayaw mo mag ka syota ng babae dahil kami ang trip mo. Kadiri ka brad!" Sabi ko pa habang umaastang diring diri at kunwaring lumayo.
BINABASA MO ANG
The more you hate. The more you love
RomanceSimple lang ang buhay ng isang Nate Craige. 'Di naman mayaman 'di rin naman mahirap. Ika nga sabi ng iba eh "'swak" lang. May pamilya siya, may mga kaibigan, at katulad mo at ako ay may mga ups and downs rin siya sa buhay. Mga pag subok na katulad m...