ENJOY READING.
***
Nate's POV
Pakatapos ng naging drama sa may hallway kanina ay nag si tungo na kami sa kanya kanya naming klase. Sabay kami ni KK pumasok sa room para sa mga freshmen na mag tatake ng engineering. Si Xander naman ay umakyat pa ng isang palapag para makapunta sa magiging klase niya.
First day of class eh wala panaman masyadong ginagawa. Pakilala, introduction ng mga subjects na mababangga namin, pag explain ng magiging schedule at kung ano ano pa lang naman ang ginawa namin.
Kasalukuyang nag sasalita ang prof namin sa unahan. Magkatabi ang upuan namin ni KK kaya kita ko sa mukha niya na nabobored na siya. Gano'n din naman ako. Ui wag niyo naman sanang masamain haha active naman ako sa klase. At mas lalo pag iigihan ko pa dahil nangako ako kay nanay na mas pag huhusayan ko sa aking pag aaral lalo na at kolehiyo na ako. Sadyang nakakantok lang kasi wala pa namang masyadong ginagawa.
Kinuha ko cellphone ko mula sa aking bulsa at napagdisisyonang mag laro na lang upang maging pampalipas oras...
Ilang sandali lang ay,
"Please be guided accordingly, now, class dismiss."
Pag katapos iyon sabihin ng prof namin ay nag sitayuan na kami. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at isinaklay na ang aking bag.
"Pre tara na sa canteen at nagugutom na ako." pag yaya sakin ni KK.
"Anong oras palang oh? Gutom ka nanaman?"
"Sige na pre. Gusto mo ba ako magutom? Sige ka pag ako namatay dahil sa gutom eh mawaaalan ka ng poging kaibiban." pag pipilit niya at wala narin naman akong nagawa kundi ang mapailing na lang. Loko talaga to kahit kailan.
Tinext ko si Xander na puntahan na lang kami sa baba pakatapos ng klase nila. Hindi ko na nahintay ang reply niya nang hatakin na ako papunta sa canteen nitong kasama ko.
"Tss. Teka, bitawan mo nga ako!" sabay higit ko ng braso ko mula sa pagkakahawak niya.
"Arte naman ng kuya." sabi niya habang mapang asar na naka ngiti at pinag susudyot sudyot ang tagiliran ko gamit ng siko niya.
"Ngina pre wag ka ngang bading."
"Ayieee hahahaha tara na nga lang."
Bading amp!
Habang nag lalakad kami ay pansin kong pinag titinginan kami ng ibang mga estudyante at nag bubulungan. Naiirita ako pero pinili ko na lang wag pansinin. Nang maka labas na kami sa may building ay nag tungo na kami sa may kainan sa tabi nito. Dito rin kadalasan kumakain 'yong mga high-schools kaya sigurado akong magkikita kami ni Al.
"Daming estudyante pre. Tara na nga at maghanap na tayo ng pwesto natin baka maubusan pa tayo ng mesa eh." yaya sakin ni KK at nag libot na nga kami upang makahanap ng mapepwestohan. Nang makahanap kami ay agad rin naman kaming pumwesto at umupo.
Makalipas ng ilang sandali ay nakita na namin si Xander na mukhang ewan habang nakatayo. Tinawag naman namin siya at ng makita na niya kami ay patakbo siyang lumapit sa kung saan kami naka pwesto.
"Aga nyo ata pinalabas." sabi niya at naupo na sa tabi ni KK.
"Kayo rin nga eh. Nauna lang talaga kami."
"Sabagay, oh diba kapatid mo 'yon?" turo niya sa may likuran ko. Lumingon naman ako at nakita ko si Al na may kasamang isa pang babae. Mukhang bibili sila ng makakain. Napangiti naman ako. Humarap na ulit ako sakanila.
"Oo yaan mo na 'yon. Matanda na 'yon kayang kaya na niya yan."
"Sus wala ka talagang kwentang kuya." pang aasar ni KK.
BINABASA MO ANG
The more you hate. The more you love
RomanceSimple lang ang buhay ng isang Nate Craige. 'Di naman mayaman 'di rin naman mahirap. Ika nga sabi ng iba eh "'swak" lang. May pamilya siya, may mga kaibigan, at katulad mo at ako ay may mga ups and downs rin siya sa buhay. Mga pag subok na katulad m...