Soooooooo I decided to update early 'cause yah know. Pang bawi lang sa ilang months na 'di pag a-update bwahahahahaha. Juskooo ke bago bago ng story ko ang tamad ko na! Why iz dat? Anyway hope y'all enjoy this chap!
*
*
*Nate's POV
Maayos ko namang naihatid si Miss Maarte sa room nila at kasalukuyan akong naka upo sa loob ng room namin. Naka labas na ang prof namin sa subject para ngayon at ako naman ay naka pwesto sa may tapat nang aircon. Aba ikaw ba naman palibut libutin sa buong building na 'to kung 'di ka mapagod at pag pawisan. Anong silbi ng mapa diba? Parang na ikot na nga namin ang kabuuhan ng building na 'to eh. Tsk buti na lang matindi kapit ng gamit kong pabango.
Lumabas lang saglit si KK upang sunduin si Xander. Balak naming mag meryenda muna sa baba dahil mukhang bakante pa ang next subject namin. At imagine dalawang subject ang 'di ko na pasukan? Buti na lang talaga at nahanapan ako ng magandang rason ni KK.
Sabagay ayos lang naman kasi sigurado naman ako na introduction lang ang naganap.
Bakit? Wala kang tiwala sa instincts ko? Pwahaha balakajan.
.
.
.
.
.
Okay payn! Sinabi sa'kin ni KK na introduction lang nga raw yung naganap. Tss.Nag silabasan na rin ang iba pa naming mga kaklase at mangilan ngilan na lang ang natira sa loob.
"Sarap." Wala sa sarili kong sabi habang patuloy na ine-enjoy ang hanging nag mumula sa aircon.
"HOY!!"
"Anak nang pitong tipaklong!"
"Hahahahahahhahahaha"
Napa tingin naman ako bigla sa nang gulat sa'kin. Lintik muntikan na akong malaglag mula sa upuan ah!
"Ngina mo dre!" Sabi ko pa na akmang babatukan na siya.
"Pre naman! Kalma! Pwahahahaha joke lang!"
At patuloy pa nga sa pag tawa ang ugok. Pansin ko namang kasama na niya si Xander na ngumisi ngisi naman.
"Tumigil ka." Sabi ko sabay turo sa kan'ya ngunit ay mas lalo pa tuloy siyang natawa.
"Pwahahahahahhahahaha nak nam pucha dre may pa masarap masarap ka pang nalalaman!" Si KK at sinamaan ko naman siya nang tingin.
"Hahaha oh nga dre. Anyways kwentohan mo naman kami nang nangyare sa'yo." Ani ni Xander sabay tapik sa braso.
"Onga! Tagal mo kayang nawala! Buti mautak 'tong bespar mo at nailusot ka gamit ng mga palusot." Sabi niya habang naka turo sa kaniyang sintido.
"Tss. Oo na. Tara na nga sa baba at nagugutom na ako." Sabi ko sa kanila at pareho silang inakbayan at hinila na papalabas.
~
~
~
~
~<CANTEEN>
Habang nag lalakad kami pa tungo sa bilihan ay napansin ko naman ang mga tinginan at bulungan ng mga tao sa paligid. 'Di pa naman marami ang tao dito pero may mga mangilan ngilan na rin. Karamihan puro mga kapwa naming mga kolehiyo.
"Pogi oh"
"Yeah right too bad pang skwater ang attitude."
"I heard na pinapunta daw yang nasa gitna sa admin's office dahil nag cause ng trouble."
BINABASA MO ANG
The more you hate. The more you love
RomanceSimple lang ang buhay ng isang Nate Craige. 'Di naman mayaman 'di rin naman mahirap. Ika nga sabi ng iba eh "'swak" lang. May pamilya siya, may mga kaibigan, at katulad mo at ako ay may mga ups and downs rin siya sa buhay. Mga pag subok na katulad m...