KENZ POV
" Kenz eto ang susi ng magiging bahay nyo ni Queen" tinitigan ko lang ang susing iniaabot nya sa akin. Narinig ko syang bumuntong hininga. Siguro naramdaman nyang nagtataka ako at para saan iyon. Di ba parang maaga pa para sa bahay?
" Para magkapalagayan kayo ng loob. Magaasikaso na kayo ng dapat nyo ihanda sa inyong kasal. And Queen wants everything to be perfect. " walang kasabik sabik ko iyon tinanggap.
Sabi pa ni tanda. Sunduin ko pa si Queen sa kanila. Fully furnished na rin daw ang bahay. Kailangan ko ba talaga magpaka tuta? Napailing nalang ako hanggang sa maitapat ko ang aking kotse sa babae. Lalabas na sana ako ng kotse para pagbuksan sya
Sya na mismo ang pumasok sa sasakyan na ikinatitig ko sa kanya." wag mo na ako pagbuksan ng pinto. Kaya ko naman e. Tsaka, araw araw nalang ba kailangan natin maging pormal sa isat isa? Napaka borig naman ng magiging buhay natin kung ganon " sabay ngiti nya sa akin ng malapad. Di ko nalang sya pinansin pero ramdam kong nkatitig pa rin sya sa akin.
" ang sungit naman neto. Kala mo talaga e! Nga pala! Saan daw tayo titira? " pagtatanong nya pero di ko sya kinibo. Wala akong planong makipagusap sa kanya.
" malaki ba ung bahay? " dagdag nya pa.
" may garden? "
" may fountain? "
" oh! O kaya fish pond!! " at pumalpak pa sya. Masya ka bang miserable ako Queen?
Pagkarating na pagkarating namin sa bahay at binuksan ko ang pinto. Nagtaka nalang ako at hindi pa sya pumapasok sa bahay. At mukang dismayado sa nakita.
" bakit? Maliit pa ba to sayo? " may inis na tanong ko sa kanya.
"this house is too big for us " napakunot nalang ang noo ko sa sinabi nya. Bakit ayaw nya ba ng malaking bahay?
" can we look for another possible house Kenz? " seryoso nyang tanong sakin then nginitian nya ko.
" nandito na tayo. Ayoko na maghanap pa. " deretso kong sabi sa kanya. Di ko na sya kinausap pa at kinuha nalang ang mga bagahe namin sa kotse. Masyado naman syang maarte. Maganda ung bahay. May fountain na maliit, pond,garden
Tulad nbineexpect nya. Nang maipasok ko na sa loob ng bahay ang mga maleta, kukunin ko na ang maleta nya upang iakyat sa kwarto nya pinigilan nya ko, hinawakan nya ako sa braso" Kenz lets look for another house please? " bumuntong hininga ako at ibinaba ko ang hawak kong maleta nya
"ano bang problema mo? Lahat na nandito na ano pa ba gusto mo" cold kong sabi sa kanya.
" kasi, paano tayo magkakapalagayan ng loob kung masyadong malaki ang bahay. Pwede ka pumunta sa kahit saan dito pag gusto mo ako iwasan. Gusto ko ung maliit at sakto lang sa ating dalawa. Ung sabay tayo kakain magluluto manonood sa sala, at matutulog. Ayoko ung iiwasan mo ako Kenz " maamo nyang sabi sa akin at bumagsak ang aking mga balikat.
" Queen, hindi kita iiwasan ok? " nginitian ko sya. Sincere ung ngiti ko sa kanya. Un ang alam ko. Naging komportable naman sya sa simabi ko kaya naiakyat ko na ang mga gamit at kasama sya para daw makalibot din sya.
" isa lang ang bed room dito? " tanong nya at tumango ako sa kanya. King sized bed ang kwarto namin. Talagang pinaganda ni tanda. May mga damit na rin sa mga kabinet at iba pang gamit.
" Kenz " at bigla kong naramdaman ang init ng mga braso nya nang yakapin nya ako. Tila ba naginit buong katawan ko at kinilabutan ako sa pagyakap nya. Nakakapang hina sya. Shit!
" pasensya ka na ha. Alam ko nahihirapan ka. Alam ko mahal mo ng sobra si Asha. Kahit naman ako wala akong magawa para sayo. Patawarin mo ako " di ako makasagot sa sinabi nya ung mainit kong katawan biglang nanlamig.
BINABASA MO ANG
He's Dating the Queen of the Devils
Teen FictionSapak dito.. Sapak doon.. Tadyak dito.. Tadyak doon.. Mura dito.. Mura doon.. AWAY DITO AWAY DOON GYERA DITO GYERA DOON magkakasundo pa BA sila? Pano kaya kung maging sila? Edi goodbye Philippines na? Can you imagine what will happened between them...