Chapter 14 : Im the Boss

41 4 1
                                    

-- Queen POV --

Pagkagising ko naligo na agad ako at humarap ako sa salamin para magayos. Pagkagising? Ang tanong.. natulog ba ko. Marami nagtatanong sakin sa media kung ano nga ba ang pangarap kong buhay.. ang lagi kong sinasabi di pa man ako nangangarap e nasakin na agad ang pangarap ko. Maraming tao ang gustong maging katulad ko. Samantalang ako, gusto ko maging sila. May day off sa trabaho, may pamilya silang tinatawag, may bahay na uuwian, may kaibigan na masasandalan. Siguro nangangarap silang maging ako dahil nabibili ko ang nga bagay na di nila kayang mabili. Samantalang ako, nasakin nga lahat ng yaman, wala naman sakin ang salitang pagmamahalan.  Maganda sana kung, mayaman ka na, may pamilya ka pa. Kaso hindi iyon ang buhay na itinakda para sa akin. Siguro nga totoong nakasumpa ang buhay ko. Nawala ang mga taong mahal ko. Nawala ang taong pinagkakatiwalaan ko. Ngayon naman magpapakasal ako sa taong kinamumuhian ko. Oo wala syang kinalaman sa pagkawala ng magulang ko. Pero naniniwala ako na kung ano ang puno sya rin ang bunga. Sa buhay ko, noon pa malungkot na ako. Buti nga binigyan pa ako ng pagkakataon na makasama ko ang mama at papa ko. Sa sandali na iyon, iyon ang pinaka makulay na pangyayari sa buong existence ko dito sa mundo. Di ko nalang na malayan na may mainit na tubig ang pinakawalan ng aking mga mata habang nagaayos ako ng buhok ko..

" Queen Ashley... " paulit ulit kong binigkas ang pangalan ko at paulit ulit din tumutulo ang nga luha ko.

Pinunasan ko ng panyo ang mga mata ko.. nagsuot na ako ng puting pantalon at plain nude pink na sleeveless polo shirt at white stilettos. Kuniha ko na ang bag ko at bumaba na ng mansyon. Papunta ako ngayon sa school. Gusto ko makausap si Auntie.

Sumakay na ako ng limo marami akong guards na kasama. Ayoko rin magmaneho dahil mas masahol pa ako sa lasing na wala sa wisyo. Pagkarating na pagkarating ko sa school ung mga walang kwentang estudyante nakatingin sa kinaroroonan ko. Hinihintay nila kung sinong bitch ang lalabas ng sasakyan. Unang nagsilabasan ang mga guard ko na nasa tatlong sasakyan. Lumabas naman ang isa na nasa limo para pagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas na pagkalabas ko nagsitilian sila na parang ihing ihi. Ung ibang kilala talaga ako e, yumuko lang hanggang sa malagpasan ko sila. Nasa lobby palang ako ng school sinalubong na ako ng fiancé ko.

" what are you doing here " nangagalaiti nyang sabi. Nilabas ko ang panyo ko at pinunasan ang pawis nya.

" namiss lang kita.. gusto kita makita.. sabay na rin tayo umuwi " lahat ng estudyante napa " whooooa " sa nakita nila. Alam kasi nila na wala akong nerves sa tinatawag na in a relationship  but now I am and its a  in a relationshit

Natural lang ang pagarte ko. Parang totoo. Ung pagtingin ko sa kanya walang halong galit.. malumanay ko rin syang pinunasan.. ni poot di nya makikita sa mukha ko.

" whatever your plan is, please cut it off " nangangalit nyang sabi.. bahagya ko inilayo sa kanya ang kamay ko at nangilid ang mga luha ko, wari ay nalulungkot.

" sabihin mo lang kung ayaw mo ako makita, hindi yung itataboy mo ko sa harap ng maraming tao " at tumulo ang luha ko sa harap nya sa pinakaunang pagkakataon...

-- Kenz POV --

" Queen ano ba talaga plano mo, pakiusap naman itigil mo na " nasa isang maliit na teahouse kami ngaun at kinakausap sya ng masinsinan. Humigop sya ng coffee na iniinom nya.

" Kenz, tignan mo nga ko sa mata. Wala akong panahon makipaglokohan. Marami na nangyari sa buhay ko. Gusto ko naman gumawa ng bagay na ikasasaya ko " tinitigan nya ako sa mata.

" Queen, masaya ka ba na ikakasal tayo?? Ha? Akala ko ba ay--- " di nya na ako pinatapos at nagsalita na ulit sya.

" kung ito ikasasaya ng mama ko, gagawin ko. Masaya sya, masaya na rin ako " sa mga tingin nya para akong nalalason.

" Queen ano ba pinaplano mo? " nakakunot na tanong ko sa kanya.

" Kenz, uwi tayo ng maaga ipagluluto kita. " at nginitian nya ako. Di ko sya mabasa kung nagsisinungaling sya o hindi. Tumango nalang ako at pinaalis nya na ako para daw umattend ako ng class ko.

Ilang oras na nakalipas ay uwian na namin. Bumaba na kami at nakita ko sa sina Queen at Darren na naguusap.

" Queen! Ano ba tong kagaguhan na ginagawa mo? Ano pinaplano mo kay Kenz. Hindi ka naman ganyan ah! Ano nanaman ba pumasok sa utak mo !!!" Sigaw sa kanya ni Darren

" anong planong pinagsasabi mo. Pwede ba. Ikaw na nagsabi planado na to ni mama diba? Pwede ba Darren gusto ko na mabuhay sa buhay na gusto ko mangyari kaya please wag mo na akong pakialaman. Buhay ko to. " sagot ni Queen sa kanya. Inagaw ni Darren ang braso nya at hinawakan ito ng mahigpit,

" Ano pagsisilbihan mo sya? Payag kang itali ka ni Mr. Forbes sa kanya!? He just taking you for granted!!! Deathford ka kaya ikaw ang gusto ipakasal ni Mr. Forbes sa anak nya! At nilason nya ung utak ng magulang mo para mangyari ung gusto nya! Ako nakakaalam ng lahat kaya sakin ka makinig!!! Walang kasalang magaganap!" Susugod na ko para ipagtanggol ang tatay ko pero pinigilan ako ni Saturn at inilingan ako senyas na wag muna ako mangialam at maghintay sa sagot ni Queen.halos limang minuto syang nakatingin kay Darren. Inagaw nya ang kamay nya

" diba un naman ang role ko dito sa mundo. Ang gamitin ako. Oo gusto ko sya pagsilbihan. Dahil gusto ko maranasan un. Kung mamamatay man ako agad, gusto ko gawin ung nga bagay na ginagawa ng mga normal na tao. Pwede ba Darren, tigilan mo na. Dahil kahit anong sabihin mo. Ni isang salita hinding hindi ko na iyon papakinggan. I can decide on my own. " natameme nalang si Darren sa sinabi ni Queen. Tumango lang sya at tinalikuran na si Queen saka ko sya nilapitan wari'y walang narinig.

" Queen! Kanina ka pa ba naghihintay? " tanong ko sa kanya habang syang nakatalikod. Halatang nagpunas sya ng luha bago humarap sakin at ngumiti.

Bakit kaya ganun. Parang napaka komportable ko ngayong kasama ko sya. Di naman ito dapat maramdaman ko di ba? Sya si Queen.

" ahm, Kenz may problema ba? " sabay hawak nya sa kamay ko na nakahawak sa kambyo ng kotse ko. Pauwi na kami sa bahay.

" ah.. ahm... oo may sumagi lang sa isip ko " hindi tama tong ginagawa ko.

" Kenz, pasensya ka na ha " malungkot nyang sabi sa akin na ikinalambot ng puso ko. Queen, pls. Wag mo na to ituloy...

------

Choosy pa tong si fafa kenz XD haha lol. So whats on out next chapter?? Hihi be updated!!! <3 thank yoy <3

@KenzDSForbes - IG and Twitter :"))

He's Dating the Queen of the DevilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon