#01

2.7K 155 4
                                    

HER

“Toks!”

“Hmm?”

“Sino nga ‘yung tropa mo nung hayskul na nag-migrate sa Canada?”

Nawala ako sa pokus sa pagpihit ng turnilyo dito sa ilalim ng jeep na kinukumpuni ko, dahil sa tanong ni Atong. Nagkabanggitan na ng perslab e, “Si RJ. Bakit? Ano sa kanya?

“Oo, yun! Bumalik na. Nakita ko kanina pagbukas ko nitong talyer.”

Tuluyan na akong natigilan sa ginagawa ko. Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko. Parang nagku-krumpalan ang puso at baga ko sa loob, hindi ako makahinga nang maayos. Napapikit ako, pero nabalot naman ang isipan ko ng isang eksena sa nakaraan.

“Bansot, galit ka ba?”

“Hindi. Bakit naman?”

“Kasi aalis ako at iiwan kita. Ayoko sana, kaso wala akong magagawa, kailangan kong sumunod kay Mommy.”

“Babalik ka pa naman ‘di ba?”

“Oo naman, syempre.”

“Promise?”

“Promise. At sa pagbalik ko na wala ka pang boyfriend o asawa, liligawan kita, Meng.”

Liligawan kita..

Liligawan…

Liligawan.

Paulit-ulit na umikil ang salitang ‘yun sa isipan ko. Nabalik lang ako sa reyalidad, nang magsalita ulit si Atong.

“Mukhang may pamilya na nga, Toks. May karga-kargang batang lalaki kanina, kamukhang-kamukha. Anak niya malamang, parang pinagbiyak na santol eh. Kagigil nga ang katabaan nung bagets.”

Para namang nilipad ng hangin ang eksenang nasa isipan ko kanina, na sampung taon kong iningatan dahil sa dagdag-kwento ni Atong. Pero may mas sasakit pa ba sa mahulugan ng tools, na pampihit, sa noo “Aray! Potek!” dahil absent-minded?

“Oo, Toks. Alam kong masakit. Long time kras mo ‘yun eh. Pero lilipas din ‘yan.”

“Pinagsasabi mo, Antonyo?!” Iritabling buska ko, habang gumagapang palabas sa ilalim ng jeep.

Himas ko pa rin ang kikibot-kibot kong noo nang tapunan ko sya ng tingin, “Napa-aray ako dahil nahulugan ako ng tools sa noo. At saka, tagal na nun. Hindi malabong magka-pamilya na,” depensa ko. Kasunod ay ang mabigat kong buntong-hininga. Sumikip dibdib ko eh. Ang hirap magkunwaring dedma at hindi nasasaktan ah.

Pero sadya talaga yatang malakas ang radar nitong si Atong, iba kung makatingin eh. Sarap tusukin ng screw driver sa mata.

“Weh? ‘Wag kang sinungaling dyan. Kilala kita mula bumbunan hanggang alak-alakan. Talaga, hindi ka apektado? Yung totoo?”

Tinaasan ko ng isang kilay ang loko, sabay bato ng hawak kong trapo, echosero eh! “Hindi nga kasi! Saka anong karapatan ko, aber?! Ewan ko sa ‘yo. Trabaho ka na nga!”

Narinig ko ang malakas na tawa ng baliw kong kaibigan. Bukod sa kapatid kong si Zach, isa si Antonyo sa mga malalapit na tao sa ‘kin ngayon. Sya rin ang katuwang ko rito sa talyer na iniwan ni Tatay sa aming magkapatid, pagkatapos syang kunin ni Lord. Kaya kahit madalas ungas ‘to, hindi ko matakwil eh.

“Oo na nga lang. Sabi mo eh. Pero---”

“Sige Antonyo, subukan mong ipilit, ibo-vulcanize ko ‘yang bibig mo,” banta ko sa kanya. Mabuti naman at tumahimik na.

Kalaunan, narinig kong tumunog ang cellphone ko. Kaya dali-daling akong nagpunas ng kamay, saka dinukot mula sa bulsa ng aking kupas na puruntong ang antigo kong nokia 3210, na huling regalo pa ni Tatay sa ‘kin nung graduation ko. Agad kong pinindot  ang answer button nang makitang si Zach ang tumatawag.

“O, tol! Wazzup? Yow!”

(Hey, yow, Ate Meng! Kailangan ko nang tulong. Dahil si ako ay nandito sa presinto. Break it down, yow!)

“Anoooooo?! Kingina, ni-rap mo pa! Anong ginagawa mo dyan?!”

(Eh, ano kasi...nakabangga. Hindi ko naman sinasadya, te. Y’know accident.)

“Ewan ko sa ‘yo. O sya, papunta na. Ibilin ko lang ‘tong talyer kay Atong. “

(Salamat, te. Sorry...)

“May magagawa pa ba ako? Eh, aksidente nga. Sige na, baba ko na ‘to. Bye.”

Pagkababa ko ng tawag ni Zach, agad naman akong nilapitan ni Atong na napatigil din sa ginagawang pagkukumpuni dahil sa pagka-aligaga ko.

“Toks, anyare ba?”

“Nasa presinto si Zach, nakabangga raw. Ikaw na muna bahala rito ah?”

“Nakuuuu! O sige, sige. Ako na ang bahala. Text mo ‘ko kung kailangan ng resbak.”

“Naks, tapang ah! Pero salamat, Toks, alis na ‘ko.”

“Sige, ingat sila sa ‘yo.”

“Namo!”

***

More Than Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon