Epilogue

1.5K 103 4
                                    

HER

“Toks, kung mahal mo naman, ‘wag mo nang pahirapan. Pabebe ka rin e!” sermon sa ‘kin ni Atong habang binubombahan ng hangin ang gulong ng jeep.

Natigilan ako saglit sa pagtistis ng kalawang sa makina, gamit ang papel de liha, at napabuntong hininga na lang sa sinabi nito. Gustuhin ko man ay takot akong sumugal. Oo, alam ko, matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito. Pero ang ideyang ilang linggo na lang ay babalik na ulit si RJ sa Canada, ang nagpapahirap sa ‘kin na magdesisyon.

“Di ko kaya ang LDR, Toks. Mahihirapan lang kami pareho. Kaya ‘wag na lang.”

Binitawan ni Atong ang bombang panghangin sa gulong at nilapitan ako. Saka walang gatol ang ungas na pinitik ako sa noo, “Aray ko naman, Antonyo! Inaano ka ba?! Ba’t nanakit ka?”

“Para maalog konti utak mo. Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?”

Napabuntong-hininga ako. Bahala na ang brip ni Superman sa ‘kin. Di bale nang masaktan ako sa ngayon, kesa naman mawasak ako nang paunti-unti sa mga susunod na araw, “O-oo. Nakapagdesisyon na ako. Hindi ko sasagutin si RJ.”

#

HIM

“A date on a roof top will always be my kind of date. At syempre, it wouldn’t be this perfect without my baby with me.”

“Naks! Why so keso, tsong?”

“Haha! Kumu-conyo ka na rin ah? I’m shookt!”

“Subok lang, kung kaya kong makipagsabayan sa mundo mo.”

Hmm...I smell drama in 3, 2,...”Ang gulo ng utak ko, RJ. Puro tanong. Nakaka-praning.”

Kinapa ko ang isang kamay niya and kissed it, “Hmm...random thoughts? Of what?”

Bumangon sya mula sa pagkakahiga on my thighs, “Yung totoo? Balak ko ng sabihin sa ‘yong itigil na natin ‘to. Masasaktan lang kasi tayo pareho. Aalis ka ulit, maiiwan na naman ako. Maghihintay ulit, nakakapagod ‘yun.”

I tilted her body so we can be face to face, “Look at me. Isa lang ang gusto kong marinig sa ‘yo, and I want you to be true, Meng.” I paused, but I look at her sternly, “Do you love me?”

“Pero RJ---”

“Just answer it, Meng. Mahal mo rin ba ako?”

“Jusko ‘to! Di pa ba obvious? Oo, mahal kita, todo-todo - walang liko-liko, walang preno. Mula bumper hanggang tambutso. Gets mo?”

I giggled, she is the coolest talaga! I can’t even. And too adorable not to....kiss.

Yes, we kissed. I kissed her. And she didn’t protest. She was kissing me back  with the same ferocity, while the crescent moon and the million of stars beamed upon us. Piping saksi, like it used to be before when I made this promise. And now, I dunno, where the song Forevermore of Side A came from. But it added the kilig feels. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, in between our kisses.

🎵You were just a dream that I once knew

I never thought I would be right for you

I just can't compare you with anything in this world

You're all I need to be with forevermore🎵

“I got you, Meng. And I love you too, more than you know. Kaya ‘wag ka ng ma-praning. Hindi na ako aalis, I’m staying here with you for good.”

“H-huh? Ginu-gudtaym mo ba ako?”

“I had this good time kissing you, but deins kita ginu-gudtaym noh? As I said, I’m staying. Sina lola and Baste ang babalik sa Canada, and I’ll be the one who’ll gonna manage na lang the family bus---”

She cut my last sentence, and silence came after.  Hinahalikan niya ako.

🎵As endless as forever

Our love will stay together

You are all I need to be with forevermore

Forevermore

You are all I need to be with forevermore🎵

“So ano? Are we magkasintahan now?”

“Oh, yes! Nanginginig pa!”

#End.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

More Than Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon