#04

1.2K 100 1
                                    

HER

“Kuya, damihan mo ang sago ah?” Request ko kay Manong magtataho, nang bigla naman akong kalabitin ni Atong.

“Toks, hayun ‘yung bagets oh? Papalapit.” Turo nito sa bata, na nakasuot pa ng pajama at may bitbit na Tazmanian devil stuff toy. Ang pamangkin ni RJ sa pinsan, na inakala namin ni Atong na anak niya at ikina-praning ko.

Nakapako ang tingin ko dito, habang naglalakad papalapit sa amin. Tuwang-tuwa ang puso ko sa kakyutan ng bubwit na ‘to, kakagigil eh!

“Hi, what is that? It looks masarap po...” anito sa akin, at yumukod ako upang mapantayan ang taas nya. Saka magiliw ko syang kinausap pagkaraan.

“Hi, rin. Gusto mo ba ng taho?”

Lumiwanag ang mukha nito, ngumiti at sunod-sunod na tumango, “Yes po!”

“Ihhh...ang kyut-kyut mo naman! Sige, ililibre kita ah? Pero ano muna name mo?”

“Sebastian Angelo Capili po, Baste for short.” ani ng bata, at napa palakpak naman kami ni Atong sa tuwa.

“Ang bebo mo naman. Kaya eto na ang taho mo,” kako, sabay abot ng unang order kong taho sa kanya.

Excited nya itong inabot, “Wow! Thank you, po.”

“Walang anuman,” at nakangiti na lang akong hinagod ang malambot nyang buhok.

“Hey!” boses na nanggaling sa likuran ko. Si RJ. Hindi ko man lang namalayan ang presensya ng loko.

“Dude, too early naman si ikaw mangapitbahay?” Baling nito kay Baste, na ngayon ay nilalantakan ‘yung tig-sampung pisong taho.

“Sorry po, Uncle Jay. I make paalam po next time, pwamis. But...this is so masarap po pala? I like!”

Nakangiti pa rin ako na parang ewan, habang nakatingin sa mag-tiyuhin. Pero eto na naman ‘yung puso kong ayaw umalma sa kakatalon. Taragis! Parang may pa-zumba lagi e! untag ko sa isip, sabay pasok naman ng huling eksena namin ni RJ, kagabi.

“Can you be my girlfriend, Meng?”

“Girlfriend? Agad-agad, payatot?! Kararating mo lang, ‘yan agad?”

“Hay. Basted mo rin agad ako ganun?”

“Sampung taon ang namagitan sa ‘tin, RJ. ‘Wag ka ngang ano?! Saka...wala naman sa promise mo na syota agad. Ligaw ‘yun di ba?”

“Hehe. Okay. I’m happy that you remembered. And you’re right, ten years is a long gap. So we better know each other more first. Bukas, I’ll start the ligaw thing-y kaya bear with me.”

Napalunok ako dahil biglang nanuyot ang lalamunan ko, jusko naman kasi! Bakit parang ang bilis? Naka-primera lang kambyo ko kahapon ah? Bakit parang tersera na?

“Bansot, stop na sa gigil kay Baste, baka mausog mo eh,” basag ni RJ sa malalim na pag-iisip ko. Braso na pala kasi ng bata ang pinipisil ko.

Napatikhim ako, saka binitawan ‘yung mala-turon na braso ng bagets. Inismiran ko si RJ,  “Loko. Wala ako nun. Baka ikaw!”

Natawa sya sa sinabi ko, wala namang nakakatawa. Baliw na yata ‘to?

“Iba naman kamandag ng usog ko eh, it lasted nine months to cure. Gusto mo ba try ko sa--Aaray! Joke lang!”

“Joke mo mukha mo! Kung ano-ano pinagsasabi mo, may bata oh?!”

“Sorry na kasi. And he’s not listening naman, masyado syang busy sa taho. Look oh?”

Masyado ngang busy. Pero loko pa rin ang tukmol na ‘to. Nasa ligawan pa lang kami, may pakamandag nine months program na? Sarap kaltukan sa gilagid e!

“Tse! Tara na nga, Toks. Magbukas na nga lang tayo ng talyer.”

“Teka muna, Toks. Sya nga pala Tisoy, remember M, remember E? Still remember meh?” narinig kong pakilala ni Atong kay RJ, isa rin ‘tong daming ewan.

“Antonyo di ba? The-akin-na-baon-mo-kung-ayaw-mo-masapak, the bully during those days.”

May pang-aasar sa boses ni RJ nang sinabi ‘yun, tumawa naman si Atong. Pero alam kong pilit. Kinalimutan na nya ang eksenang ‘yan sa buhay nya at alam kong mahirap sa kanya ang marinig ulit ‘yan. Isa rin na ‘di maka-move on ‘tong payatot na ‘to!

“Ah, oo. Naalala mo pala. Pero nagbago na ako. Etong si Meng na ang bully ngayon, lagi nga ako nasasapak e! Ganyan mag-MAHAL ‘yan. Sige, tsong, dun na ako.” paalam ni Atong kay RJ pero ba’t may diin ‘yung pagkakasabi ng salitang mahal? Loko talaga.

Kay Baste naman sya nakaharap ngayon, “Bye pareng  majembo. Doon muna si Kuya Atong ah?”

“Okay po, Kuya Atong. See yah later po.”

Nag-high five muna ang dalawa at nagtanguan naman sila ni RJ bago ito tumalikod at nauna pa sa ‘kin umalis. Pero ramdam ko ‘yung tensyon sa pagitan ng  dalawa. Ano bang meron?

***

More Than Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon