#03

1.4K 116 6
                                    

Parehong hindi dalawin ng antok sina Meng at RJ. Laman ng kanya-kanyang isipan ang imahe ng isa’t-isa, habang parehong nakangiti sa kawalan.

“Kumain ka nga kasi nitong kangkong. Kaya ka payatot eh! Ayaw mo sa gulay.”

“Makapayatot naman ‘to. Eh ikaw, anong rason sa pagiging bansot mo?”

“Ah ganun? Bansot ako? Etong okra, nakakataba ‘to.”

“NO--HLKHTQRTB!!”

“Wahahaha! Masarap ‘di ba?”

“Ang sama ng lasa, Bansot! Gulay ba tawag dito?! Bakit parang gawa sa laway?!”

“Arte-arte nito. Balang araw kapag may nakahalikan ka, ganyan din yan.”

“Hmm...okra to kiss very quick ah? Pwede naman, pero I’ll make sure na laway mo ang una kong titik--aray! Ang brusko mo sa ‘kin lagi!”

“Umayos ka nga kasi! Kumain ka. Eto okra pa.”

“lpatqwtykyaah!”

Kumawala ang pagak nilang tawa sa pagitan ng tuwid nilang pagkakahiga sa kanya-kanya nilang mga kama, nang parehong naglaro sa mga isipan nila ang eksenang iyon mula sa nakaraan.

“The ever witty bunny of mine.”

“Nakakamiss din…”

Sabay nilang sabi, kasunod ng mahabang katahimikan. Nakatingin lang sila pareho sa kisame ng bawat kwarto at pagkaraan, sabay silang napabuntong hininga.

Nakaramdam ang dalawa ng pagkabagot, kaya naisipang magpahangin na lang muna. Si Meng, binuksan ang bintana sa kwarto nya at lumusot doon para maupo sa bubungan ng talyer, lugar na madalas nilang tambayan ni RJ noon. Habang ang binata naman, lumabas din sa terrace ng kwarto nya.

Pareho silang nakatingala sa langit at nakangiting tinititigan ang mapayapang kalangitan. Maganda kasi ang gabi: bilog ang buwan, maraming bituin. Sabay silang napapikit kalaunan, at huminga nang malalim;  pinupuno ang kanilang mga baga ng hangin ng gabi na papalamig na.

Unang nagmulat ng mga mata si RJ, habang si Meng nakapikit pa rin. Okupado pa rin ang isipan nito ng mga masasayang pangyayari sa kabataan nila ni RJ, habang sinasabi ito sa sarili,

“Bakit ba kasi gumwapo ka ng ganun payatot?! Tamang gwapo ka na noon eh, pero sili sa ginisang kamatis ‘yung ngayon! Nakakalusaw ng bahay bata, taena! Pero huhuhu ka na lang, bes. May asawa’t anak na ang pinapantasya mo.”

Pero ang hindi nya alam, habang nangingisay sya sa kilig at panghihinayang ay tuwang-tuwa itong si RJ na pagmasdan sya.

Ano na naman kaya trip nya this time? Hahaha! Silly. “Psssst!’ sutsot niya kay Meng. Gulat namang napalingon sa kanya ang dalaga. Tangka na sana itong babangon mula sa pagkakaupo sa bubungan nang pigilan sya ng binata.

“Hey! Wait lang naman,” anya, habang dahan-dahang tumatawid sa bubungan ng talyer mula sa balkunahe ng kwarto nya.

Kinabahan naman si Meng sa ginawa nito, nag-aalala na baka bumigay ang bubungan o di kaya mawalan ng balanse at mahulog ito, “Payatot! Anong ginagawa mo?! Kapag ikaw nahulog, tatadyakan pa kita!”

“Why so mean, Bansot? Kanina lang, makayakap ka dun sa presinto, seems like you miss me a lot. Tapos now? You make iwas? Confused si ako dun ah?” ani RJ nang sandaling makalapit na sa dalaga. Hinila nya si Meng paupo sa tabi nito, “You sit here. Walang aalis. Usap tayo.” At wala na ngang nagawa ang dalaga kundi magpatangay na lang.

“Hindi ako cold. Umiiwas? Hindi rin. Tampo? Pwede.”

“Huh? Tampo ka? TIBS?”

“Anong TIBS? Tiboli?”

“Deins. TIBS means bakit, in conyo lengua. Deins naman is hindi. Natutunan ko sa mga friends kong pinoy din sa Canada, pero iniiba mo usapan eh. TIBS tampo nga si ikaw?”

“Dumudugo utak ko sa ‘yo. Ano ba yan?! Eeehh...sino ba naman hindi magtatampo? Pagkatapos mo umalis 10 years ago, hindi ka man lang nagparamdam. Nakikibalita na nga lang ako sa lola Amanda mo eh. Buti na lang tropa kami. Akala ko nga ‘di ka na babalik.”

“Sorry naman. Medj na-busy sa school, at saka, after graduating college, family business na ang inatupag ko. Kaya stop na sa tampo. Nandito na naman ako eh.”

“Tse! Ewan ko sa ‘yo. Pero, teka nga lang. Ala-una ng madaling araw ah? Ano pa ginagawa mo rito sa bubungan ko? Bumalik ka na nga dun sa inyo.”

“Grabe naman ‘to! Ano naman kung madaling araw na? Sa I can’t sleep eh. At kasalanan mo.”

“At bakit ako?”

“You’re not pagod ba, Meng?”

“Sagot talaga sa tanong, eh isa pang tanong? Iba ka rin. Pero, salamat. Medyo okay na naman ako, nakapagpahinga na. Ang dami kasing inayos sa talyer ngayon.”

Napakamot ng ulo si RJ.  Kumunot ang noo ng dalaga, “Bakit ba? May mali ba sa sinabi ko?”

“Dre! It should be pick up line kasi, Meng. Sabihin mo dapat, bakit?”

“Ano?! Ang gulo mo, RJ! Sapakin kaya kita nitong hello kitty kong tsinelas?!”

“Haist. Sabihin mo na lang kasi, bakit?”

“Oo na! O, Tibs?”

“Wahehehe! Shookt si ako. Conyo na rin sya--ARAY!”

“Ewan ko talaga sa ‘yo! Ang labo mo! Dyan ka na nga!”

Bumangon na mula sa pagkakaupo si Meng at gumapang papasok sa bintana ng kwarto nya. Pero hindi pa man sya tuluyang nakakapasok sa loob, bigla syang natigilan nang marinig ang pahabol na sabi ni RJ.

“Kanina pa kasi kita iniisip, since I saw you sa police station. You don’t have any idea how happy I am RN, to see and be with you again. I miss my Bansot so much - I miss you, Meng. And I came back for my promise.”

Napaupo ulit si Meng paharap dito, pero hindi ito umiimik. Ang bilis ng tibok ng puso nya, at ang sakit nang nararamdaman nyang pagrarambulan nito sa loob ng ribcage nya. Hinawakan ni RJ ang mga kamay nya, at marahang pinisil.

“Can you be my girlfriend, Meng?”

***

More Than Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon