#05

1.2K 95 4
                                    

HIM

I’m about to check my car at Meng’s talyer, if it’s already fix, when Antonyo the guy make harot sa baby ko. Ugh! I have no tiwala talaga sa chipmunk na ‘yun, dre! I have to do something. Medj #Triggeredt si ako.

“Magtrabaho ka nga, Toks! Ang landi mo loko! Kapag ganyan ang ginawa mo kay Lilay, sapak agad ang sagot nun sa ‘yo.”

“Malamang. Ikaw nga nakunyatan mo ko ng tools sa ulo, sya pa? Pero ang sakit mo humambalos, kingina!”

“Hala! Totoo? Patingin? Bumukol ba? Makayakap ka naman kasi.”

Meng about to hug that chipmunk, pero syempre deins ako papayag noh!

“EHEM! Hi, Bansot.”

“O, payatot, mabuti napadaan ka. Oks na ‘tong tsekot mo.”

“Ayt! Finally, G! Grab car no more. Thanks, Meng! Dahil dyan, bihis ka, date tayo.”

Meng about to answer, pero this dork is so papansin.

“Huh? Date? Di pwede. Dami tayong aayusin, Toks. May deadline, pinapaalala ko lang.”

Seriously, I want to make basag the face of this Atong na eh! Nagtitimpi lang ako.

“Mabilis lang kami, Toks. Dyan lang naman tayo sa Baywalk, payatot di ba?”

“Yeah. CARPS na?”

“Toks, manghuhuli daw kayo ng karpa! Hahaha! Date na pala tawag dun?”

I hissed, so nakakalalaki ang hayup. Wala naman palang alam. Geez!

“O! Nagkakapikunan na kayo, kalma! Toks, conyo lengua ‘yung CARPS. ‘Wag ka ng kontra dyan, sisibad ako. Ikaw na muna rito ah?”

“Tss! Huwatever! Oo na nga lang. Taong grasa na nga, taong talyer pa lagi.”

“Hugot, Toks?! ‘Wag ka ngang ngumuso ang pangit mo lalo.” Meng said, and make pisil pa his ilong. I’m like, SMH here, kasi sobrang---ugh! Sigh.

“Tisoy, dito ka muna, mabilis lang ako.”

I just nodded, and made kalma my balls, “POTS”.

Nakaalis na si Meng, when Atong mej papansin na naman, as if we are close. Tus!

“Selos ka?”

I smirked, WTAF, dre?!

“SCOOBS! Kanino, sa ‘yo? Deins.”

I know right, liars go to hell. Pero naman, I won’t let this man knows that I’m triggeredt noh?! Nah! Not my ass.

“Mabuti. Dahil tropa lang kami nyang si Meng. Pero ito, tsong, usapang lalaki ‘to ah? ‘Wag mong makanti ‘yang si Toks, kundi, naku! Nakikita mo ‘yung pang-vulcanize dun sa gilid? Gagamitin ko ‘yun sa ‘yo. Tatapalan ko lahat ng butas na meron ka dyan sa katawan mo. Kuha mo, tsong?”

Wow! Did I just get a death threat at five twenty five in the afternoon? As if naman shookt ako. Pero good to know na they’re friends lang naman. Felt relieved, hindi naman pala sya karibal.

“Don’t worry, it will never happen.”

“Gud. “

Seconds later, dumating na si Meng in her sleeveless floral knee cut dress. She’s simply stunning on that. My dragon down there, made kislot non-stop. Buti na lang mahaba shirt ko, I make unat na lang para deins halata the bulge. Haist, baby ko kasi.

“O? Anyare sa inyo? Ang swanget ko ba?” She asked, pareho kasi kaming natulala ni Atong.

Atong giggled.

“Hindi naman. Maganda nga e. Sarap mong ilagay sa flower base. Mabulaklak, Toks---aguuuy! Nakakarami ka na ng kunyat, Zyera Maine Reyes! Aalis ka na lang, habilin mo pa bukol.”

“Wow! Complete name talaga, Antonyo Salazar?! Eh, ikaw naman kasi. Minsan lang pumormang bebot, nang-asar ka pa.”

“Hindi na ba pwedeng mag-joke, Toks?”

“Bakit kalbo ka ba para mag-joke? Ewan ko sa ‘yo! Tara lets, payatot?”

Atong made sapaw the eksena, so I have to say this and make puntos before we leave, “Wait, let me say this first. Ang ganda mo, Meng, I like it. I love you.”

At sa puntong ‘yun, nawala na si Atong sa frame, it’s just us. When she smiled and looked at me straight into the eyes - when we met gazes, I’m lost. I’m lost and crazy in love with her. Yes, I’m jealous with Atong, kasi it should be me - it should be us, kung hindi ako umalis. Ako pa rin sana ang bestfriend nya, ang kasama at kasangga nya. But, I’m here now and ready. I promise to be her man this time. Only me.

//

“Let me be the one to make tusok nga kasi, ‘wag makulit.”

“Eh, hindi ka naman marunong tumusok o?! Dumudulas!”

“Geez! The dulo kasi is so mapurol. It should be matulis y’know.”

“Ewan ko sa ‘yo. Masyado mo akong dinadaan sa dahan-dahan at pa-beybi mo.”

“You’re my baby naman talaga ah?”

“Talaga ba? Hindi na bansot?”

“Deins. You’re my baby damulag na from now on. Oh, say ahhh?”

“Ahhh...a-aray! Mainit pa, kainis ‘to!”

“Hahaha! Geez, mainit ba? Sorry, baby. Wait, I make ihip muna.”

Nakangiting tinititigan ni Meng si RJ habang iniihipan nito ang nakatuhog na fishballs. Kasalukuyan silang nasa Baywalk para sa simpleng date na nais ng dalaga. Kilig na kilig naman si Manong Tindero, habang nagpe-prito ng paninda nya.

“Yan, medj malamig na. Open your mouth na baby, here comes the train. Tsug, tsug, tsug!”

Natatawa silang dalawa, habang sinusubuan ng binata ang dalaga. Napaka-normal na date lang ‘yun sa dapithapon - sa lilim ng kulay kahel at pulang kalangitan ng Metro Manila. Habang kaliwa’t kanan sa paligid ang mga magkasintahang nagdi-date rin katulad nila, pero alintana ng dalawa ‘yun. Dahil hayun sila sa sarili nilang mundo, magkatabing nakaupo sa riprap habang nakadantay ang ulo nila sa isa’t-isa. Tahimik at nakatanaw sa malaking bola na papalubog ng araw.

“Tisoy?”

“Hmm?”

“Kelan balik mo sa Canada?”

Napabuntong-hininga si RJ, “Wag muna nating pag-usapan, baby, sayang momentum.” Pikit matang sabi nito, habang mas hinihigpitan ang ginagawang pagkakayakap sa dalaga.

Pero sa puntong ‘yun, nakaramdam ng pagkaduwag si Meng, lungkot at takot.  Paano kung kagaya noon, patikim lang ng tadhana ang lahat? At sa huli...maghihintay na na naman ako, laman ng kanyang isipan habang pikit matang ninanamnam ang bawat pagyapos ni RJ sa kanyang braso at panaka-nakang paghalik nito sa ibabaw ng ulo nya. Nasasaktan sya sa ideyang, baka wala talagang kami.

***

More Than Words [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon