III

27 1 0
                                    

Pagkatapos ng lahat ng klase ko, di ko na nakita si Jungkook. Hindi niya ako inasar buong araw. Wow, achievement!

Pauwi na kami ng Seulbi nang—

"Ji Eun! Ji Eun!" Nagmamadaling tumakbo si Taehyung papunta sa amin

"Oh Taeng, ano?" Hinihingal hingal pa siya bago magsalita

"Si Jungkook!" Huminga muna siya nang malalim. "Si Jungkook! Nabali yung kamay ni Jungkook!" Nataranta naman ako

"Hays! Wag kang maniwala Ji! Malamang isa na naman yan sa pranks nila." Tama... kaya pala ang weird na hindi siya nang asar ngayon. Kasi mangaasar talaga siya

"Hindii! Totoo na to!" Pagpipilit ni Tae. Pero hindi talaga kami naniwala.

"Ay bahala na nga!" Pumunta siya kay Hoseok na nasa likod lang namin. "Hyung! Sundan mo nalang ako!" Tapos tumakbo sila palayo.

Prank lang yan, Ji Eun. Prank lang.

Malapit na ako sa apartment na tinitirahan ko. Kapagod!!

*bling!*

Notifications:

1 new message from Jeon Jungkook.
Jeon Jungkook sent a video.

Open | Clear

Inopen ko yung msgs niya.

Jeon Jungkook

Ji Eun!

Inopen ko yung sinend niyang video. Nashookt is me.

"Ji Eun! Masakit kamay ko! Huhu TT^TT"

Hala so totoo nga. Nataranta ako. So lumingon ako sa likod. Babalikan ko san siya sa school eh baka nadoon.

Pero paglingon ko, nandoon siya sa hindi kalayuan. Nag wave siya and tumakbo papalapit

Dug dug... dug dug...

"Ji Eun~" iniraise niya yung kamay niyang may cast.

"Anong nangyari diyan?" Tanong ko

"Wala. Bigla lang akong nahulugan ng mga libro dun sa library." Tapos tumawa siya

"Dapat sinabi mo sa akin." Nawala naman yung tawa niya

"Nalaman mo naman daw." Mahina niyang sabi. "Hindi ka lang naniwala." Tapos napayuko siya

"Lagi ka kasing nanpprank eh!" Sabi ko sabay tapik sa braso niya

Tumingin namin siya sa mata ko and nagsmile, "Tara, hatid kita sa apartment mo." Then naglakad siya. Sumunod nalang rin ako and naglakad sa tabi niya.

Umabot kami sa apartment ko nang hindi naguusap. 'Yon na ata ang pinaka mahabang pag uwi ko.

"Ah nandito na tayo." Sabi ko tapoa lumingon sa likod, kasi tumigil na siya sa paglalakd. "Salamat sa pag hatid. Goodnight!" Aakyat na ako nang biglang—

"Ji Eun!" Tumingin ako sa kanya. "Uhmmmm..." napayuko naman siya

"Ano?" Tanong ko

"Payag ka bang mag date tayo?" Napatawa naman ako agad

"Nako ewan ko sayo, Jungkook! Bye na nga!" Tapos I looked away na. Di na ako nakaharap sa kanya. Aakyat na ulit ako nang bigla siyang nagsalita ulit.

"Check mo phone mo. Tapos na ang April fools." Lumingon naman ako sa kanya. Tapos naglakad siya papalapit. "Tapos na ang April 1 kaya sagutin mo na ako, pumapayag ka bang magdate tayo?" Nakatingin lang ako sa kanya

Dug dug... dug dug...

Napaiwas ako ng tingin.

"Ji Eun.." marahan niyang sambit. "Pumapayag ka bang magdate tayo?" Paulit niyang tanong

Di ko alam kung anong sasabihin ko. Alam ko kung anong gusto ko pero di ko alam kung ano ang dapat na gawin ko.

"Uhh..." Sabi ko tapos tumingin sa kanya. "O-okay." Mahina king sambit. There! I said it!

"HAAA??! PAYAG KA??!" Natawa naman ako dun.

"Oo sige sure." Yinakap niya naman ako nang mahigpit

"YEEEEEES! WHOOO!" Mas hinigpit pa niya yung yakap niya

"Uy yung kamay mo!" Tapos bumitaw siya. At tumawa naman ako

"Ji Eun..." tumigil ako sa pagtawa at tumingin sa mga mata niyang masaya. "Mahal kita. Tandaan mo yan. At hindi yan prank." Napangiti naman ako sa sinabi niya

"Sige na. Pumason ka na. Kailangan mo nang magpahinga." Tumango naman ako at dahan dahang umakyat.

"Ji Eun!" Lumingon ulit ako. "MAHAL KITA! TOTOO YAN!" Natawa ako. Nagwave ako sa kanya and tuluyan nang unakyat at pumasok sa kwarto ko.

Tiningnan ko phone ko.

8:25 PM
April 02, 2017





>>Slide to unlock>>


Hindi ko inaasahang yung taong palagi akong inaasar, at pinangarap kong mawala... ay ang taong mamahalin ako at mamahalin ko rin pala.

Dug dug... dug dug... dug dug...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First LoveWhere stories live. Discover now