Chapter 6

12 1 0
                                    

*Park*

"So, dun ba nagtatapos ang relationship nila?", tanong ni Jian sakin.

"Oo, pero hindi naman dun nagtatapos ang storya ng buhay niya. Di dahil natapos ang isang relasyon, matatapos din ang buhay ng isang tao, parang libro lang... isang chapter pa ang natapos... ", sabi ko sa kanya.

"May point ka girl, pero pano na si Drake sa panahon na yan?Kawawa naman", sabi niya sakin na pagkatapos ay bumuntong hininga.

"Ganito yun"...

Drake's POV

Kain dyan...

Kain doon...

Gimik dyan...

Gimik doon...

Party dyan...

Party doon...

Yan ang ginagawa ko this past weeks...

Nabangga ko pa nga yung sasakyan ko..

Ewan ko bakit pa ako buhay...

Di pa ako namamatay sa buhay na meron ako...

Ngayon nasa mall ako kumakain NANAMAN... :3

Parang wala na nga akong paki pag nawala 'tong abs ko.. (wag naman sana.. :3 )

"Drake?", may narinig akong tumawag sa pangalan ko. "Ikaw nga Drake! "

"Oh? ikaw pala!", sabi ko...

"Long time no see... ", sabi niya na may ngiti sa labi,

"Sam here", pasimoleng sagot ko

"Okay ka lang ba? Anyare sa yo?", tanong niya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Ang down ng aura mo tas mukha kang puyat... Anong nangyari sayo?", tanong niya

"Ayokong pag usapan...", sabi ko.

"Sige na...", pangugulit niya sakin.

"Hindi..."

"please!!!!"

"Hindi.."

"Please!!", sabi niya na nagpapout... Hindi talaga ito magpapatalo :3

"Fine!!", sabi ko in defeat

"Yehey", sabi niya habang pumapalakpak

"Nagbreak kami ni Coleen", sabi ko

Biglang nawala ang matamis niyang ngiti...

"Ha? Bakit?", tanong niya

"Kasi, may iba siya... ", sabi ko

"Ahh, si Miguel?", sabi niya

"Paano mo nalaman?", sabi ko

"Guess...", sinabi niya sa ibang tono.. yng medyo cold

"Ahh..." , kumain nalang ako ng kain...

"Hoi! natulala ka!", sabi ko...

Ang cute naman niya pagtulala nho...

"Sama ka?" tanong niya

"Saan naman?", tanong ko

"Ice cream parlor...", sabi niya

"Cge..."

Umalis na kami papuntang down town kung saan may masarap na ice cream...

*Denise's POV*

Boring naman dito sa mall..

Bakit ba naman ako napadpad dito...

Pero mas boring sa bahay...

Wait--- Diba si Drake yun...

Mapuntahan nga...

"Drake?" sabi ko,"Ikaw nga Drake! "

"Oh? ikaw pala!", sabi niya...

"Long time no see... ", sabi ko

"Same here", sabi niya.

Wait parang iba si Drake ngayun ah..

"Okay ka lang ba? Anyare sa yo?", tanong ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Ang down ng aura mo tas mukha kang puyat... Anong nangyari sayo?"

"Ayokong pag usapan...", sabi niya

"Sige na...", pangugulit ko

"Hindi..."

"please!!!!"

"Hindi.."

"Please!!", sabi ko sabay pout...

"Fine!!", sabi niya

"Yehey", sabi ko tsaka pumalakpak

"Nagbreak kami ni Coleen", sabi niya

Biglang nawala ang ngiti ko...

"Ha? Bakit?", tanong ko

"Kasi, may iba siya... ", sabi niya...

I knew it!

"Ahh, si Miguel?", tanong ko

"Paano mo nalaman?", sabi niya

"Guess...", pasimpleng sagot ko.

"Ahh...", sabi niya at tumahimik

Kumakain lang siya ng kumain...

Strike 3 ...

Pangatlo na si Drake...

Ang ganda talaga ni Coleen... 3 lalaki .. tsk!

Si Peter Gil, siya yung pinakaunang lalaking nagustuhan ko, bukod sa gwapo at matalino siya, napakabait niya, masyadong down to earth na umabot sa level naming mga katulong lang... Pero sa pagkakaalam ko si Coleen ang mahal niya... Wala naman akong magagawa nun kasi bata pa ako nho, tsaka amo ko si Coleen, di pwede, ang alam ko naging sila, pero ewan if nagtagal.

Si Jim Miguel Albar, oo si Miguel, boyfriend ko siya, scratch that, ex-boyfriend ko siya. Bago pa kami umalis sa bahay nina Coleen, magkakilala na kami ni Miguel, hanggang umabot sa ligawan, tas after ilang araw pangliligaw, sinagot ko kasi mahal ko naman ang tao. At naniwala naman akong mahal niya din ako. Umalis na kami sa bahay nina Coleen, may trabahho na si Kuya, highly paid pa! Nakapagtayo ng bussiness sina mama at papa tsaka lumago ito. Pero isang araw, nakita kong naghahalikan si Coleen at Miguel sa bahay ni Coleen. Kaya nag break kami.

Si Drake, oo, gusto ko siya, kilala ko na siya bago pa niya ako nakilala, siguro hindi niya matandaan ako, kasi bata pa ako, pagpumupunta si Drake sa bahay ni Coleen para maglaro, ako nag-aayus ng pagkainan kaya, minsan nakakausap at nakalaro ko din sya. Sa malayo ko lang siya tinitingnan... Pero nakilala ko siya dahil sabi siya raw ang Boyfriend ni Coleen. Shock nga ako na sila pala dalawa kasi ang alam ko si Coleen at si Miguel. So, ayun... Alam na..

Wait-- bat ang dami kong iniisip... =________=

"Hoi! natulala ka!", sabi niya habang tumawa ng mahina.

Anong nakakatawa? o.O

"Sama ka?"  pasimpleng tanong ko

"Saan naman?", tanong niya

"Ice cream parlor...", sabi ko

"Cge..."

Papunta na kami ng ice cream tsaka bumili dun...

Pagkatapos pumunta kami...

Wait-- sa manila bay?

*****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unheard VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon