POEM 10: Rewind

209 3 3
  • Dedicated kay Shenna Marie Sonio
                                    

Rewind

By: BitterSweetNovelist

Napakasakit na bumalik tayong muli sa umpisa,

Sa pagiging magkaibigan kung saan tayo nagkakilala.

Labag sa kalooban pero walang magawa,

Inintindi ang kalagayan mo kaya ako nagparaya.

Sa kagustuhang maging magkaibigan,

Dahil labag sila sa ating pagmamahalan.

Pilit ko mang ipaglaban,

Sa huli ako ay matatalo pa din naman.

Sa pag-aakalang tayo hanggang sa huli,

Tayong biglang bumalik sa  dati muli.

Labag sa loob ang naging pagpili,

Ang bitawan ka at sundin ang iyong sarili.

Alaala nating dalawa,

Mula sa simpleng tawa,

Maging sa walang humpay na halakhak,

Nauwi tayong dalawa sa pag-iyak.

Kung ikaw man ay nalilito na,

Ano pa't nandirito ako para tulungan ka.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Magpagaling ka, aking Ena...

- - - - - - - - - - 

Dedicated sa babaeng mahal ko. Happy Birthday sa'yo, baby. I wish that we can celebrate together. No matter what happened, kahit hanggang sa pagiging magkaibigan nating muli. Kaya mo yan. You are a strong girl kaya nga mahal kita. I'm here always, just a text away.. Magrereply at magpapaload ako agad. I love you..

-BitterSweetNovelist 

Letters From Bitters: PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon