POEM 13: Tama o Masaya

203 1 4
                                    

Tayo ay dumadating sa punto,

Pipili sa kung ano ang gusto.

Magpapakasaya o di kaya pipiliin ang wasto,

Basta alam natin ito ay totoo.

Sa dami ng pangaral,

Tayo ay gumagaralgal.

Puso natin ay pilit na idinadaldal,

Ang sakit sa pusong nasasakal.

Tipong alam natin kung ano ang tama sa mali,

Pilit parin ipinaglalaban ang pinili.

Maanghang na salita na parang sili,

Tagos ang sakit hanggang sa ating sarili.

Dadating sa punto sisigaw na lang,

Sa sakit na parang binarang.

Libo libo man ang humarang,

Ramdam ang sakit na parang wala lang.

Tama pero di ka masaya,

Mali pero doon ka liligaya.

Tama o sa saya?

Ano ang pilliin, para sa sakit ay makalaya.

Letters From Bitters: PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon