POEM 11: Katotohanan

198 1 0
                                    

Aanhin ko pa ang mga kasagutan,

Kung lahat ay pawang kasinungalingan.

Hindi kita masisi sa bawat kagaguhan,

Na ipinaranas mo sa akin ng ako'y naisipan mong saktan.

Sino ang mag-aakala na kaya mo iyong gawin,

Ang saktan ako habang ika'y mamahalin.

Mas nanaisin na ikaw ay umamin,

Na hindi na ako ang iyong iibigin.

Sa lahat, sa'yo ako naging masaya,

Hindi ko inaasahan na agad ito'y mawawala.

Iiwan mo na lang ako ng mag-isa.

Kahit kaya naman natin itong dalawa.

Agad mo akong napalitan,

At aking di maintindihan,

Kung bakit ito ang dapat na kahantungan,

Ng ating pagmamahalan. 

Letters From Bitters: PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon